[Destiny's POV]
{"Gising na sya."}
Dali dali akong nagbihis at nagpunta sa ospital dahil sa text na yan, galing kay Jap. Hindi ko alam kung sino sa kanila yung gising na pero masaya ako na may gising na. Dalawang linggo na silang natutulog. Ilang linggo na rin akong hindi lumalabas ng bahay. Hindi ko na nga nakakausap si Clyde dahil dun. Wala din akong nakakausap na kahit sino. Wala akong ginagawa na kahit ano.
Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko sila sa tapat ng isang pinto. Magkatabi lang naman ang pintuan nila kaya madaling puntahan. Hindi mo na kailangang magpalipat lipat. Tumingin ako sa room number. No. 305 napangiti ako dahil sa wakas nagising na din yung taong hindi ko pa nakikita sa loob ng dalawang linggo. Nakakamiss sya.
Tinignan ko sila isa isa. Namimiss ko na sila, pero mukhang hindi naman ganun yung nararamdaman nila para sakin. Alam kong galit silang lahat sakin. Anong dahilan? malamang dahil sa nangyari two weeks ago.
"Oh? anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong sakin ni Maxine. Yumuko lang ako. Akala ko naman pinatext ako ng buong barkada kay Jap. Mukhang hindi pala.
"Max. tama na yan." saway sa kanya ni Zab. Nginitian ko si Zab pero hindi sya ngumiti pabalik.
"Oh, pumasok ka na." Hawak hawak ni Joseph yung doorknob. Nagnod ako sa kanya.
.
.
.
.
"Kuya Warren""Oh?! Kapatid! Bakit ngayon ka lang nakauwi?" napakunot yung noo ko sa sinabi ni kuya Warren. Nakauwi?
"Nasan ang chocolates ko?" parang bata nyang sabi sakin. Nakauwi? chocolates? anong sinasabi nya?
"Huh?"
"Galing ka daw sa amerika."Sabi nya habang nakangiti. Amerika? ganun na ba talaga nila ako gustong kalimutan?
"Ah, oo. Saglit lang naman ako dun, ka-kaya di ako nakabili ng chocolates." Pagsisinungaling ko.
"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya habang tinitignan yung room nya. Ngayon lang kasi ako nakapasok dito. Galit na galit kasi sakin si Maxine kaya hindi nya ako hinahayaang makapasok sa room ni Kuya Warren.
"Medyo nangangalay daw. Balita ko kasi mag iisang linggo akong tulog. Haha. Ikaw? Kamusta ka?" Tanong nya sakin. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng nangyari sa loob ng two weeks. Gusto kong magsumbong sa kanya. Pero hindi ko kaya.
Gusto kong umiyak sa harapan ni kuya pero hindi ko magawa.
"Ayos naman kuya." Pinilit kong ngimiti kahit labag sa puso ko. Ayos? Nawala na ata sa diksyonaryo ko ang salitang yun.
"Ang barkada? Kamusta naman?" Tanong nya. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Barkada
Mukhang hindi na nga yata ako kasali doon. Minsan naisip ko. Ano nga bang kasalanan ko? Nakidnap ako. Dumating sila para iligtas ako. Hindi naman ako ang may kasalanan hindi ba? Hindi ko naman sinasadya na makidnap ako. Hindi ko naman alam na haharangin pala nila Clyde at kuya Warren yung bala.
Pero... Sa tingin ko ako nga ang may kasalanan. Kung hindi sana ako sumama sa mga yun, maayos pa ang lahat. Nasa school dapat kami ngayon. Kung hindi ako patangatanga. Walang dramahan na mangyayari.
"Masaya naman." Masaya naman ata sila. Kanina kasi bago ako dumating, nagtatawanan sila. Masayang masaya. Na kahit sya nakikitawa.
"Kumain ka na ba?" Tanong sakin ni kuya. Ilang araw na rin akong walang kain kaya medyo namayat ako.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Novela JuvenilThe more you love someone, the more they can hurt you.