Chapter 10

864 31 1
                                    

[Destiny's POV]

"ABCD! Natatakot ako kay ma'am!" Sabi ko kay ABCD habang nagtatago sa kanya. Malapit na kasi kami sa office ni ma'am. Nakakatakot. >_< Baka kainin nya kami ng buhay! O kaya, ipakain nya samin yung mga alagang daga nya! Oo, may alagang daga si ma'am. Hindi naman dagang bahay, hamster ganun. Masarap ba yun? Hala natatakot talaga ako. O kaya baka ipapatay nya kami!

Napapukpok ako sa ulo. Kung ano anong imagination ang napasok eh. Simpleng pangaral lang yan na may kasamang sigaw at pahirap sa buhay. Inhale, exhale.

"Tss, ayos lang yan. Ikaw kasi ang ingay mo." Sabi nya na cool na cool. Grabe? Sa ganitong sitwasyon? Cool na cool pa siya. Tss, sabagay lagi naman siyang Cool. Yung tipong sa sobrang pagkacool nya, ang sarap niyang buhusan ng kumukulong tubig. Ang bad ni Destiny!

"Ma'am? *tok tok* we're here." Sabi ni Abcd habang kumakatok sa pinto. Pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko. Napaka epal kasi nitong Abcd--- efghijklmnop na to.

"Come in" Sabi ng Nakakatakot na boses sa loob, hala naman! Kay ma'am Reyes na ata yun eh. >_< Para syang monster!

"Good afternoon ma'am." Calm na bati ni Abcd kay ma'am. Yung totoo? Bakit parang wala lang sa kanya yung mga mangyayari ngayon? Hindi ba sya natatakot na mabawasan sa grades? Or mapagawa ng pahirap na projects?

"G-good a-a-afternoon" Nanginginig na sabi ko. Nagreready na yung tenga ko sa ratatat na bunganga ni ma'am.

"The two of you! How dare you to talk while I'm teaching?!" Galit na sabi nya. Pero may napansin ako, bakit pagkapasok namin ni Abcd, biglang napaatras si ma'am? Tapos ngayon sakin lang siya nakatingin? Hays kasi naman ayaw nya daw kasi na may nagsasalita sa klase nya na hindi kasama sa lesson nya. Ang sakit sa tenga. Yung feeling na kulong na kulong yung office nya at kaming tatlo lang ang nandito tapos nagba bounce back yung boses nya?

"Ma'am kas-" Naputol yung sasabihin ko ng magsalita si Abcd.

"Sorry ma'am. Naguusap lang po kami kanina tungkol sa lesson nyo, pero nahulog ko po yung cell phone nya at nabasag ito." Pagdadahilan nya. Saan nya nakuha yun? Corny huh! Para namang paniniwalaan sya ni ma'am. Ang bulok bulok na ng style nya.

"Ganun ba? Okay but next time avoid creating any noise in my class. You may go." Sabi ni ma'am. O_O Naniwala sya?! Hindi nya kami babawasaan ng grade? Or anything na pagpapahirap?! NANIWALA SYA SA BULOK NA EXCUSE NI ABCD?! Unbelievable! Seryoso? Yung ganun kahirap paniwalaan?! Di nga?

"Anong pinakain mo dun?" tanong ko kay Abcd habang inaayos nya yung bag nya. Nakakapagtaka kasi na naniwala si ma'am Reyes kay ABCD. Kayo? kung ganun excuse nyo? Sa tingin nyo maniniwala yung teacher?

"Wala masyado lang nadala ng Charms ko." Sabi nya tapos nagkibit balikat. Kapal din pala ng mukha nito no?! Ang hangin eh. Nasusuka tuloy ako.

"Candy! Candy!" Sabi ko. Tapos nilahad ko yung palad ko sa kanya na kunwari nanghihingi ng Candy.

"Huh?" Nagtatakang tanong nya.

"Kakasuka pinagsasabi mo eh." Sabi ko, pero sa totoo lang. Pogi nga tong si Asher. Actually Heart rob yan dito. Kakataka nga bat ko kasama to eh. Balita ko kasi, hindi daw to nagseseryoso sa mga babae. Yan ang sabi nila. Bakit ko alam? Kasi hindi ako taga bundok. Anong akala nyo sakin? Mangyan? Yung tipong di alam na Heart rob o sikat yung kasama nilang Boy/Girl? Ano to ebook? Wattpad?

"Tss, tara hatid na kita. San ka ba nakatira?" Tanong nya. Aba ang Gentleman naman pala nito eh. Tinanong pa kung saan ako nakatira. XD

"Sa bahay." Pangpipilosopo ko. Maasar nga to. Pero totoo naman sa bahay ako nakatira. Angal kayo?

"Umayos ka." Sabi nya in a very very scary tone. I changed my mind. di ko na pala sya bwibwisitin. Mas malala pa ata to kay ma'am Reyes eh.

"Hehe. Peace. Dyan lang sa ***** village." Sabi ko habang nakangiti sa kanya. Syempre kailangan kong ngumiti, baka bigla nalang ako nitong suntukin. Feeling ko kasi may pagkapikunin sya. Hahahaha. Kaya dahil sa pagiging pikunin nya, ang sarap nya tuloy asarin. Haha

"Dun din ako nakatira." Sabi nya, sasagutin ko sana ng 'tinatanong ko?' kayalang may mas magandang pambara.

"Talaga? Akala ko sa ilalim ng tulay ka nakatira." Sabi ko, bigla naman syang tumingin sakin ng sobrang sama. Nakakatakot. Napaatras ako dun. Katakot kaya. Sabi naman kasi sayo Destiny, wag mo ng asarin. Napakakulit mo kasi alam mo ng mukhang monster yang kasama mo pag nagagalit ginaganyan mo pa. Bad ka talaga.

"Joke lang." sabi ko habang nakapeace sign. Kakatakot. Inirapan ko din naman sya nung hindi na sya nakatingin sakin. Inakmaan ko pa sya ng suntok nung nakatalikod na sya sakin.

"Tara na." Sabi nya, sumunod nalang ako. Nauna syang maglakad. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya para magkapantay kami.

"Bakit ang moody mo?" Pagsisimula ko ng topic habang naglalakad kami. Nakakaewan kaya maglakad ng hindi nagsasalita. At dahil likas na Madaldal ako. Di ko kayang di magsalita.

"Malay ko." Sagot nya habang diretsong nakatingin sa nilalakaran namin. Sungit nya talaga. Ang tipid pang magsalita. Dapat nga thankful sya kasi yung iba hindi nabiyayaan ng boses tapos sya hindi man lang nya ginagamit. Buti pa ako, gamit na gamit ko. Haha.

"Ang sungit mo naman!" Sabi ko sa kanya sabay irap. Nag 'Bleeeeeeh' di ako sa kanya. yung walang tunog.

"Tss. Ikaw? Bakit ang amazona mo?" Tanong nya. Amazona ba ako? Sa ganda kong to? Amazona? Sabagay lagi yang taob sakin e. Syempre? ano bang dapat ko pang ipagtaka? Bakla naman tong kasama ko, taob talaga sakin to. Haha. Sssssshhhh lang huh. Wag nyong sasabihin sa kanya. Sige, hindi ko kaya bati pag sinabi nyo!

"Maganda kasi ako." Sabi ko tapos nagflip ng Hair. Hahaha. Sabi sakin ni mommy maganda daw ako. Huh, at naniniwala ako kay mommy.

"Oh? Ikaw lang ata may alam nyan." Sabi nya sabay smirk. Penge ngang kahoy! Hahampasin ko lang to! Kapal ng mukha, kala mo sobrang gwapo. Psh, oo na sobrang gwapo nya na! Pero kahit na!

"FYI, Alam kaya ng sanlibutan na maganda ako." Sabi ko in a very proud voice. Hahahaha be proud. Ikaw nalang ang magsasabi niyan sa sarili mo.

"Anong klaseng sanlibutan ba yang tinutukoy mo?" Sabi nya using his most famous look, the poker-face-look. Iibahin ko na nga lang yung topic namin.

"Bakit ngayon ka lang napalipat sa star section? As far as I know, mas mataas yung grade mo kaysa sakin. Kayalang ako yung tinuring na 1st honor kasi nasa star section ako." Sabi ko. Pasegway segway yung topic namin. Hahahaha. Baka magtalo lang kami sa pagiging maganda ko eh.

"Kasi ayoko." Sagot nya sa mahaba kong tanong. Ang nice nya no? Ang bait no?

"Ang haba ng sagot mo ah!" Sabi ko in a sarcastic tone.

"Yun lang naman kasi talaga yung dapat kong isagot." Sabi nya. Ang sungit talaga nito. Huminto na kami ng nasa bahay na kami. Yes! Makakahiga na ako sa aking mahal na kama.

"Thanks ABCD! Ingat ka!" Sabi ko nung naihatid nya na ako sa bahay namin.

"Sige. Bye." Sabi nya tapos umalis na sya. Naligo na ako, tapos natulog na. Maaga pa pasok ko bukas.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon