[Destiny's POV]
"Bakit ba kasi ang aga ng date na to?!" Reklamo ko sa kanya habang nagdridrive sya papunta sa Tagaytay."Wag ka ngang maingay! Para namang gusto ko to a! Nautusan lang naman ako kaya wag kang magreklamo dyan. Hindi ka maganda." Tinignan ko sya ng masama dahil sa sinabi nya sakin. Tss kung makapagsabing hindi ako maganda akala mo naman sya Gwapo. :3
Kinalma ko nalang yung sarili ko tapos tumahimik nalang ako. Matutulog nalang ako, matagal pa naman yung Byahe. Tyaka alas alas sais palang no. BINULABOG nya kasi yung tulog ko kanina. Sabi nya date daw namin ngayon, at alam nyo kung paano nya ako ginising?
HINULOG NYA LANG NAMAN AKO SA KAMA KO!
Diba? ang sama ng ugali nya, at hindi lang yon pinisil nya pa yung ilong ko pagkabangon ko kaya hindi ako nakahinga. Bwiset talaga tong lalaking to. Nakajeans at sleeveless lang ako ngayon dahil hindi naman sya gwapo para magdress pa ako. Tapos nung nasa kotse na kami, tyaka nya lang sinabi na pupunta kami sa tagaytay. January ngayon kaya alam kong sobrang lamig doon ngayon, buti nalang dala ko yung niregalo nyang jacket. Opo, JACKET LANG yung regalo nya. :3
"HOY!" Nagising ako dahil sa sigaw na yon. Akala ko mawawala na yung eardrums ko. Kakaiba talaga tong lalaking to mang gising.
"Oo na! Tss! Epal!" Sigaw ko sa kanya at tinanggal yung seatbelt ko. inis akong bumaba sa kotse ng lalaking to at padabog na sinara yung pinto.
"Kapag yan nasira!" Banta nya sakin, tinaasan ko lang naman sya ng kilay at inirapan.
"Bigyan pa kita ng sampong ganyan. Tara na nga!" Sabi ko sa kanya tapos naglakad na at nilampasan sya, bigla namang humangin ng malakas. Ang lamig! Napatakbo agad ako pabalik sa kotse dahil sa lamig.
"Magbibihis lang ako. Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya. Pumasok ako sa kotse dahil tinted naman ito. Nakita ko naman si ABCd na nakatalikod. hinubad ko agad yung sleeveless ko at nagpalit ng white na tshirt. Sinuot ko yung red na jacket na binigay ni ABCD napatingin ako sa manggas nito may nakasulat na '27' tapos color green yung tatak. Buti nalang nakahighwedge ako at hindi ako nagsandals.
"Buti naman hindi ka nang maniac." Sabi ko sa kanya pagkalabas ko ng kotse nya. Nakatingin lang sya sakin ng matagal este sa jacket ko pala. Biglang kumunot yung noo nya.
"Wala namang kamaniac maniac sayo, pader." Sabi nya tapos nilagpasan nya ako. Pader? a alam ko na, siguro kasi tigasin ako.
Nagulat ako ng lumabas sya. O_O Bakit magkapareho kaming dalawa ng jacket?! tapos napatingin ako sa manggas nya. May nakasulat din doon na '27' pero red yung tatak.
"COUPLE JACKET?!" Sabay naming sigaw dalawa.
"Hoy! Hindi ako ang bumili nyan si Mommy!" Depensa ko, baka kasi mang asar pa tong makapal na to. Baka sabihin stalker ko sya at alam kong ang ireregalo nya sakin.
"Si Mom din ang bumili nito. Tss sila talaga. tara na nga!" Sabi nya. Ah so plano ng mga nanay namin to. Dahil malamig dito hinayaan ko nalnag kesa naman magtiis ako sa lamig dito tapos bigla nalang akong kumanta ng let it go. Okay, ang corny ko.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong nya sakin.
"Sa lugar kung wala ka." Pangbabara ko sa kanya. Tumingin sya sakin ng masama.
"Gusto ko din doon, pero seryoso ako, saan nga?" seryoso nyang sabi sakin.
"Sa mga tigidig tigidig." Sabi ko, tumitig sya sakin tapos bigla syang tumawa.
"HAHAHAHAHAHA!" Parang maiiyak na sya sa kakatawa. Kung sinisipa ko kaya sya?
"Anong nakakatawa?" nakataas kong kilay na tanong sa kanya. Baliw na ba sya? may nasabi ba akong mali o pinagtatawanan na naman nya yung mukha ko?
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.