[Maxine's POV]
"May napapansin ka dun sa dalawa?" tumingin naman ako sa Hani ko. Ang pogi nya talaga.
"Huh?"
"Sabi ko may kakaiba dun sa dalawa." sabi nya tapos ngumuso. Ano ba naman yan hindi ko na naman narinig yung sinabi nya, teka? bakit ba sya ngumunguso? Ay! ano ba yan! ang dami kayang tao.
"eh. Hani, madaming tao, maraming makakakita." nahihiya kong sabi. Bakit ba kasi sya nang hihingi ng kiss? nakakahiya kaya.
"anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong nya, nagtataka ko rin naman syang tinignan.
"Sabi mo *Sabay nguso* nakakahiya kasi. Maraming tao." napatingin ako sa ibang direksyon. Ayan naawkward an tuloy ako. Napaka epal nya kasi e.
"Pffft--- WHAHAHAHAHA!"
"Oh? bakit?" nagtatatakang tanong ko din. Ano naman problema nito? Bakit sya natawa?
"Ano ba yang mga pinag iisip mo? Ang sabi ko tignan mo sila Asher at ang kapatid ko." Napalingon agad ako sa direksyong tinuro nya kanina. Nakakahiya! ano ba yan, matagal ko ding tinignan sila Asher at Destiny, nakahiga sa lap ni Asher si Destiny. Pero walang napasok sa utak ko, iisa lang, at yun ay ang word na "Nakakahiya"
"Hahaha. Tumingin ka nga sakin.," utos nya, dahan dahan naman akong napatingin sa kanya, ang sarap pukpukin ng ulo ko e. Ang tangeks ko talaga >_<
"Sabihin mo lang kung gusto mo ng kiss huh." sabi nya tapos pinat yung ulo ko, naglakad na sya paalis. Pero pansin na pansin yung pagtaas baba ng balikat nya. Tawa pa rin sya ng tawa. >_<
Agad ko syang hinabol at hinampas sa likod. Bwiset! Napahiya na nga ako tapos tatawanan pa ako.
"Napaka supportive mo talagang boyfriend." sabi ko tapos KUNWARI nagtatampo ako.
"Thank you." napa nganga ako dahil sa sinagot nya.
"Bwiset ka!" sigaw ko tapos naglakad ng mabilis palayo sa kanya.
"Teka lang. bakit ba? supportive naman talaga ako. Tinawanan kita nung napahiya ka, diba? baka kasi malugi ka. Pfftt--" pagdadahilan nya."Heh!" tapos naglakad na ako papalayo.
"I love you!" Sigaw nya at bigla naman nagtinginan sa amin yung mga estudyante. Kung ako lang si Destiny natadyakan ko na sa mukha to.
"I love you too!" sigaw ko pabalik pero tumkabo naman agad ako ng mabilis papalayo sa kanya. Nagtatampo parin kaya ako. :3
[Bryle's POV]
"Ready ka na ba sa flight?" tanong sakin ng katabi ko. Napatitig ako sa mukha nya, akala ko iiwan nya na ako dahil sa kalagayan ko. Pero thankful ako na kahit nasaktan ko sya nandito parin sya upang alagaan ako.
"Hindi na ba sya dadating?" tanong ko sa kanya, nakita ko namang napayuko sya. Alam kong nasaktan sya dahil sa tinanong ko. Bakit ko nga ba pinapamukha sa kanya na hindi na talaga sya yung mahal ko. Pero parang ang sama ko naman yata. Sya, walang sawa sa pag alaga at pag intindi sakin. Samantalang ako, walang ibang ginagawa kundi ang maging pabigat at ang saktan sya.
"Hindi ko lang alam. Pero sinabi ko naman na ngayon ka aalis e." Sabi nya tapos pilit parin syang ngumiti sa harap ko. Patawarin mo ako, kung lagi kitang nasasaktan.
"Hintayin nalang muna natin sya. twenty five minutes pa naman bago yung flight ko e." Sabi ko, ang totoo nyan. Kanina pa namin sya hinahintay. Halos dalawang oras na. Nagbabaka sakali ako na magbago yung isip nya at ako ang piliin nya. Na sumama sya sakin upang maipagamot ko yung paa ko. Pero mukhang hindi na talaga mang yayari yun. Lalo pa na nalaman ko na sila na. Sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.