Chapter 3

1.2K 41 2
                                    

[Destiny's POV]




"Lovery, dali na. Alam mo namang hindi alam ng magulang ni Cara yung tungkol sa amin diba? We need you. Please na, sumama ka na." Kanina pa ako kinukulit ni Bryle na sumama sa kanila ni Cara sa mall. Magdadate daw silang dalawa.

Oo, kaya lagi nila akong sinasama kapag may pupuntahan sila ay dahil hindi alam ng magulang ni Cara na may boyfriend siya. Bawal pa kasi itong mag boyfriend kaya tinatago nila.

Kapag ba sinabi kong 'Nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong magkasamang dalawa. Nasasaktan ako pag nakikita kitang masaya dahil sa kaniya. Kasi mahal kita, mahal kita Bryle!' mawawala na ba tong nararamdaman ko sa kaniya? Magiging maayos ba ang lahat? Hindi naman diba? Kaya tama lang siguro na gawin ko to. Tama lang na ilihim ko to kahit na sobrang masakit na.

"Bryle, may gagawin pa kasi ako." Sinubukan kong tumanggi. Siguro panahon na para sundin ko ang sinabi sa akin ni Maxine. Dapat ko na sigurong layuan si Bryle at itigil ang pagpapakatanga ko sa kaniya.

"I will help you, promise! Just please, samahan mo na kami sa mall." Nakangiti niyang pakiusap. Paano ko naman tatanggihan ang taong mahal ko? Sige na. Tanga na ako kung tanga pero mahal ko talaga siya.

"Okay sige na. Baka umiyak ka pa diyan." Biro ko sa kaniya. Ihahanda ko na ang sarili ko dahil paniguradong masasaktan na naman ang aking puso na walang ibang ginawa kung hindi mag pump ng dugo.

"Talaga?! Ang bait mo talaga!" Sabi niya. Ginulo niya ang buhok ko.

"Diyan ka lang, susunduin ko lang si Cara, hintayin mo kami." Sabi niya tapos tumakbo na papalayo sa akin, papalapit sa mahal niya. Nagdradrama na naman ako.

***

"Baby, bili nga tayo ng couple shirt." Nakangiting sabi ni Cara kay Bryle. Nandito na kami ngayon sa mall. Seriously? Couple shirt? Laos na kaya yun, tyaka ang corny kaya ng ganon.

"Okay, tara Lovery." Nakangiting tawag ni Bryle sa akin. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi sumunod sa kanila sa loob. Mas maayos na to kaysa maiwan ako sa labas ng store at hintayin silang dalawang lumabas.

"Destiny, tingin mo, anong mas maganda? Itong black or itong red?" Tanong sa akin ni Cara habang hawak ang dalawang magkaibang Tshirt. Mas maganda yung kulay red pero syempre sabi ko yung black.

Kinuha niya na yung black at naiwan akong nakatitig sa kulay pula na couple shirt. Gusto ko tong bilhin pero wala naman akong pagbibigyan nung isa. Hindi naman pwede na ipasuot ko yank ay Maxine dahil baka magmukha lang kaming tomboy.

Sumunod na ako kay Cara sa counter. Nahuling dumating si Bryle habang may bitbit na kung ano. Hindi ko na tinignan kung ano yun. Nagbayad na silang dalawa habang ako ay nakatingin sa kawalan.

"Bakit dalawang paper bags?" Narinig kong tanong ni Cara kay Bryle habang papalabas kami sa store na pinagbilhan nila.

"Para sa kaibigan ko yung isa." Sagot niya. Nakita ko ngang dalawa yung paper bags na hawak ni Bryle. Kinuha ni Cara yung couple shirt nila at naiwan kay Bryle yung isang paperbag.

"Nagugutom na kayo?" Biglang tanong ni Bryle habang naglalakad kami. Hindi pa nga pala ako kumakain ng breakfast at tanghalian.

"Hindi pa / Oo, sobra." Sabay naming sagot ni Cara. Nagkatinginan tuloy kami.

"Gutom ka na ba, Destiny?" Tanong ni Cara sa akin, biglang nawala yung gutom ko. Panigurado naman na yung gusto ni Cara yung masusunod. Ayos lang naman na magtiis ako dito. Ayo slang talaga.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon