[Destiny's POV]
"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko. Umalis na kasi kami sa mall. Nasa kotse niya na kami. Sabi niya kasi may pupuntahan pa daw kami.
"My favorite place." Sagot niya habang nagdridrive. Kanina ko pa napapansin. Kanina pa sya nakangiti. Ano bang meron? Pupunta ba ulit kami sa Garden of Hearts? Ganyan din kasi sya nung nagpunta kami dun. Hininto naman nya yung kotse
"Wow! Ang ganda naman dito." Sabi ko habang tinitignan yung view. Nasa isang mataas na lugar kami. Basta maganda. Ito siguro yung pupuntahan namin.
"I'm glad you like it." Sabi nya tapos ngumiti. Saglit akong tumingin sa kanya tapos bumalik yung tingin sa view.
"Pano mo nalaman tong lugar na to?" Tanong ko habang nakatingin parin sa view. Ang ganda kasi sa mata. Yung tipong di magsasawa yung mata mo kakatingin dun sa mga view. Makikita mo yung buong City.
"Hindi ko din alam." Sagot nya, tapos tumabi sya sakin.
"Picnic tayo." Sabi nya. Nagnod naman ako. Tumayo sya tapos inalok nya yung kamay nya sakin, tinanggap ko naman tapos tumayo na din ako.
"Wow, Di ka naman ready no?" Sabi ko, nung binuksan nya kasi yung likod ng kotse nya. Puro pagkain at blanket. Di naman halatang handang handa sya no?
"Balak ko rin kasing yayain ka magpicnic. Infact pupunta nga dapat ako sa bahay niyo pagkatapos kong mag mall. Pero nakita kita kaya ayan." Pageexplain nya. Aw, ang sweet naman niya. Tinulungan ko nalang syang mag ayos nung blanket at nung mga pagkain. Nagulat nalang ako nung naramdaman kong may malamig sa leeg ko.
"Para saan to?" Tanong ko habang hawak yung kwintas na nilagay ni Bryle. May nakalagay na 'Destined'.
"Wala, sign of friendship?" Sabi nya tapos ngumiti. Hilig nya talagang ngumiti.
"Thank you." Sabi ko. Tapos kumain nung chips, I don't know where to divert my attention. Ayoko namang ipahalata sa kaniya na gusto ko ng tumalon dahil sa nararamdaman ko.
Napatingin naman ako sa leeg niya. "Meron ka din?" Tanong ko nung napansin kong meron din syang kwintas na kagaya ng sakin.
"Actually, couple necklace kasi yan. Sayo ko napiling ibigay." Sagot nya. Binalik ko ang atensyon ko sa chips na kinakain ko. I don't know what's with his sweetness lately, but I think, I should just enjoy it.
"Ganun ba, Magkwento ka nga tungkol sa buhay mo." Sabi ko para mawala ang awkwardness ko sa kaniya. Kinikilig ako at ayokong ipakita sa kaniya na yun ang nararamdaman ko.
"Sa family?" Tanong niya sakin, napaisip naman ko. Kung tutuusin, masyado na akong maraming alam sa pamilya niya dahil na rin family friend namin sila.
"Huh? Hindi yun. Tungkol nalang sa mga naging kalovelife mo noon." Sabi ko dahil ito naman talaga ang gusto kong malaman. Malay niyo naman isa pala ako sa mga naging crush niya nung bata pa kami.
"Sige. Nung bata ako, hindi ko alam yang love love na yan, until may isang babae na dumating, naging kalaro ko. Masaya syang kasama, ang kulit nya kasi, tyaka parang ang sarap nyang alagaan. Nung nag binata ako, tyaka ko lang narealize na first love ko pala yung batang yun. Hanggang ngayon nagkakasama parin naman kami. Mabait kasi siya, maganda, talented, matalino, cute, tapos ang sarap nyang alagaan." Sabi nya habang nakatingin sa langit. Patay na kaya yung sinasabi niya?
"Anong pangalan nya?" Tanong ko. Sino kaya yung tinutukoy niya na kalaro niya dati?
"Desy." Sagot nya. Sino yun? Wala akong kilalang ganun.
"So ayun nga, tapos nung naghighschool ako, marami akong naging crush. Isa na dun si Cara, para rin kasi siyang si Desy, ang pinagkaiba lang nila tahimik si Cara. Tapos nung nag second year, umamin ako sa kanya. Niligawan ko sya, nung third year naman sinagot nya ako. Eight months akong nanligaw sa kanya. Ngayon namang 4th year, Medyo parang wala na, parang ewan basta di ko maexplain." Sabi nya tapos ginulo nya yung buhok nya, which made him so hot. Damn gestures.
"Ikaw lovery? Ikaw naman magkwento. Daya mo." Sabi nya sakin, nahimasmasan naman ako dun. Binitawan ko ang chips na hawak ko at umayos ako ng upo.
"Ako? Yung first love ko kasi, hanggang ngayon mahal ko pa din. Ewan ko ba kung bakit nagpapakamanhid pa ako. Basta, ang gulo din. Kahit nasasaktan na ako, mahal ko pa din sya. Ang hirap kasing turuan nitong puso ko." Sabi ko nalang. Grabe ang lakas ng loob ko, parang hindi ko kaharap yung taong tinutukoy ko.
"Sino?" Tanong nya. Bigla naman akong kinabahan dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya ang pangalan niya. I'll just invent a name.
"Brix." Napatingin ako sa ibang direksyon ng sabihin ko yun.
"Sige, ituloy mo na." Sabi nya ng bigyan niya ako ng isang ngiti.
"Tapos ayun, may girlfriend kasi yun. Pero medyo ayos na yun, ayoko kasi ng ganun. Ayokong mang-agaw. Sa lagay pa naman namin ngayon, parang may pag-asa ako. Feeling ko kasi may gusto din sya sakin, pero hindi ko alam kung ano yung totoo. Di ko kasi alam yung iniisip nya. Ayoko namang magpaka assuming, mas lalo lang akong masasaktan. Hindi mo kasi alam kung trip niya lang o totoo na. Ang complicated ng salitang love no." Sabi ko. Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. Hinahangaan ko ang sarili ko dahil nagagawa kong sabihin ito sa mismong tao na tinutukoy ko.
"Marami pa namang iba dyan." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko. " Alam mo ba, para hindi ako masaktan, iniisip ko nalang na, baka hindi talaga kami. Baka may plano si God na mas maganda at hindi talaga kami nakalaan sa isa't isa. Hihintayin ko nalang na dumating yung nakatadhana sakin. Lahat naman tayo may ganon. Kahit ano ka man, may magkakagusto sayo at mararamdaman mo din yung maging masaya kasama yung taong mahal mo. Pero lahat ng yun, mangyayari sa tamang panahon, hindi dapat natin madaliin ang lahat." Sabi nya. Tama siya, we don't have to rush to feel that feeling because it may lead us to the wrong person.
"Oo nga, tama ka. Pero minsan kasi gusto natin, yung taong gusto natin ang makatuluyan natin, kaya tayo nasasaktan. Gusto natin, tayo yung magplano sa lovelife natin. Lahat naman ng nangyayari ay dahil sa Destiny diba?" Sabi ko.
"Nope, minsan tayo na ang pumapasya nun. Pero ako ieenjoy ko muna yung buhay ko. Kasi mamemeet ko din naman yung taong nakalaan sakin. May reason lahat kung bakit nangyayari to." Sagot nya. Bigla kong narealize na masyado ng malalim ang pinag uusapan namin.
Masyado pa kaming maraming ginawa at pinag usapan. Iba't ibang topic at sari saring kwento. Maybe this is one of the reason why I fell for him. Because I feel so comfortable with him and it's drowning me.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.