[Destiny's POV]
"Zane, Ashleen, Chance!" Masaya kong tinawag yung mga anak ko na masayang naglalaro sa garden ng bahay namin.
"Inay!" Sabay sabay nila akong niyakap. Ang sarap talaga sa feeling ng yakap nila kahit pawis na pawis na sila. Haha, ang babango parin nila.
Chance Harley, siya ang aking napakapoging panganay. 10 years young na sya ngayon at kasalukuyang nasa grade four. Based on my observations, tahimik siyang tao. Obviously, sa tatay niya siya nagmana. Man of few words yung tatay niyang pangit. Haha, sadlife kasi sa kanya nagmana yung first baby boy ko.
Zane Nixxon, he's my 2nd baby boy. Unlike Chance, si Zane ay isang bata na napaka daldal. Haha ang cute cute nya dahil kapag nagsimula siyang magkwento, hindi na nauuso sa kanya ang coma at period sa bilis nyang magsalita. Fortunately, sakin sya nagmana! Aba, ayos na yun kaysa sa mapagkamalan kang hindi nakakapagsalita dahil masyado kang tahimik. 8 years young na siya.
Lastly, Adrielle Ashleen, my baby girl. Since wala na akong balak magbuntis pa at manganak, siya na yung last baby namin ni Abcd. Ibig sabihin, wala siyang kapatid na babae. Si Ashleen yung pinagsamang ugali namin ni Abcd, palasalita siya pero cold siyang magsalita kagaya ni Abcd. Napapansin ko lang na lagi niyang sinusuntok ang dalawa nyang kuya. Isa siyang sadist baby girl. Imagine, she's only six but she knows how to shut everybody's mouth.
"Nasaan po si Itay?" Tanong sakin ni Zane, si Chance naman ay tahimik lang na umiinom ng fresh orange juice na tinimpla ko. Hehe.
"Nasa work nya po, Zane." Sagot ko naman kay Zane habang pinupunasan ko ng pawis si Ashlin. Si Chance naman, siya na yung nagpupunas sa sarili nya kasi big boy na daw kasi sya.
Ayaw nga ni Chance na tinatawag ko syang baby boy. Haha. Nakakahiya daw kasi sa mga classmates nya.
"I think, itay loves his works more than us." Nakangusong sabi ni Chance. Nagsalita ang anak ko! Thanks for this God!
"How did you say so?" Tanong ko sa kanya. Amerikano ata tong anak ko na ito. Itay at Inay lang ata ang alam na tagalog nitong batang to.
"He's always focusing on his paper works. One time, I'd asked him to play chess with me but he refused to. I'd asked him why and he said that he is busy with his work. He also said that he really wants to because he's a hustler when it comes to this game." Napatawa naman ako sa sinabi ni Chance. Masyado talagang mayabang si Abcd. Hahaha
Actually, hindi marunong maglaro ng chess si Abcd. Haha. Dahil likas na mayabang ang taong yun, nagdahilan pa kay Chance na may ginagawa sya. Haha. Ang kapal pa ng peslak na sabihing hustler sya.
"Baby, your itay gives us much time despite of his work. You'll understand his situation when you finally reach his age." Pag eexplain ko sa kanya. May trabaho din ako pero syempre, kapag may project lang ako nakakapagtrabaho. Hindi lang naman ako ang architect sa mundo kaya mga isang project isang month lang ang tinatanggap ko. Grumaduate ako ng architecture sa ibang bansa kaya maraming projects ang dumadating sakin. Kailangan ko ding alagaan ang mga anak ko kaya syempre, pili lang ang tinatanggap ko.
"Oo nga naman Chance. Every weekend naman umaalis tayo ni Itay diba?" Sabi naman ni Zane kay Chance. Nagkibit balikat lang naman si Chance.
"I want to watch a movie." Tumingin ako kay Ashleen, katatapos ko lang syang pumasan sa likod ng sabihin nya yun.
"What movie?" Tanong ko sa kanila.
"Itay's proposal and your wedding." Napangiti naman ako sa sinabi ni Ashleen. Favorite kasi nilang magkakapatid yung video nung proposal at wedding namin ni Abcd.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.