[Destiny's POV]
"Oh? Kamusta pag-papakatanga?" Salubong na tanong sa 'kin ng kaibigan kong si Maxine. Kagagaling ko lamang sa mall upang mamili ng school supplies na gagamitin ko para bukas.
"Ano ka ba naman. Sinamahan ko lang naman 'yong dalawa." Nakangiti kong sabi kay Max.
"Oo, sinamahan mo lang naman iyong taong mahal mo at iyong girlfriend niya. Wow, galing mo talaga." Sarkastikong niyang sabi sa 'kin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yumuko at umiwas ng tingin. Sobra na nga ba ang pagpapakatanga'ng ginagawa ko?
"Ano? Sinasaktan mo 'yong sarili mo para lang makasama iyong mahal mo? Sardinas lang ang pinagsisiksikan ang sarili. Hindi ka sardinas, para magpakatanga." Sabi ni Maxine sa 'kin. Sobra na ba yung ginagawa ko? Gusto ko lang namang makasama ang taong mahal ko. Gusto ko lang makita ang itsura niya habang masaya.
Ngunit worth it nga ba iyon kung masaya nga siya, pero dahil naman 'yon sa ibang tao? Masaya ako dahil sa taong mahal ko. Masaya ang mahal ko dahil sa taong mahal nito.
"Max, sige na. Umuwi ka na sa inyo, maaga pa ang pasok natin bukas. Ayos lang ako." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Masyadong protektado si Maxine sa 'kin at alam kong hindi niya hahayaang umiyak at masaktan ako. She's too protective that's why she's my best friend.
"Bahala ka diyan. Basta ako, hindi akonagkulang sa pagpapaalala sa iyo. " Sabi niya bago umalis. Hinalikan niyamuna ako sa noo at nagpaalam kila mommy at daddy.
***
"Hi new classmates, ako si Destiny, nice meeting you." Pakilala ko habang nakangiti ng matamis. First day ng school namin ngayon at karamihan sa mga kaklase ko ngayon ay bago. Ang iba siguro ay napalipat sa ibang section. Marami ding transfer ngayon kaya kailangan pa ulit naming ipakilala ang sarili.
"Nice name. You may sit now. Next?" Sabi ng teacher namin. Ginantihan ko lamang iyon ng isang ngiti.
Sana naman maging exciting ang school year na ito.
"Hello! Ako nga pala si Destiny." Pakilala ko sa katabi ko. Nakasuot ito ng salamin at may nakatakip na panyo sa bibig nito. Mukhang hindi naman ito isang nerd at sadyang mahinhin lamang.
"Hi. I'm Debby." Sabi nito sa 'kin sabay ngiti. Hindi naman ako mapili pagdating sa mga kaibigan. Kahit naman ganiyan ang itsura niya, ayos lang sa 'kin. Humahanga pa nga ako kay Debby dahil wala itong pakialam sa itsura. Hindi katulad ng ibang tao na iniiba pa ang sarili nila para lang mapansin sila.
"Nice to meet you!" Masigla kong bati ngunit ginantihan lamang ako ni Debby ng isang ngiti. Pero ayos lang, masyado naman kasi akong feeling close.
Nang magbreak time, pumunta na ako sa canteen para hintayin si Maxine. Hindi ko kasi siya ka-section. Nasa star section kasi ako samantalang siya naman ay nasa section B. Tamad kasi ang isang iyon kaya inilipat siya ng section nang third year na kami.
"Hoy babae, may good news ako sa 'yo." 'Yan ang bungad niya sa akin nang nakita ko siya sa isang mesa sa canteen.
"Oh? Ano 'yon?" Nakangiti kong sagot.
"Ililipat na ulit ako sa star section next week. Kasama si Mr. woman hater. Hahaha." Tumatalon niyang sabi kaya napatalon din ako. Magiging kaklase ko na ulit siya! Yehey!
"Oh tama na, baka makunan ka." Biro niya sa akin para tumigil ako sa pagtalon.
"Gaga. Makunan ka diyan." Binatukan ko siya. Pumila na kami sa pilahan ng pagkain sa canteen. Nako naman. Sobrang daming tao naman ngayon dito.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.