Chapter 56

352 19 2
                                    


[Asher's POV]


"Maging mabait ka naman sa kuya mo, Ash." Sabi sakin ni Mom. Maging mabait? Tsk. Paano ako magiging mabait sa taong yun kung lahat nalang pilit na inaagaw sakin. Wala naman syang maagaw.


"Bigword." Sabi ko nalang.


"Okay change topic na anak." Sabi nya. Napataas naman ako ng kilay. May dapat pa ba kaming pagusapan?


"Ikaw huh.. Kayo na ni Destiny no?" Tanong nya habang nakangiti ng nakakaloko. Bigla nalang nagform yung bibig ko sa isang smile. Bakit ba pag nababanggit ang pangalan ng girlfriend ko nagiging ganito ako.


Girlfriend...


ang sarap bigkasin.


"Mom. Itulog mo nalang ulit yan. Puyat ka lang. Papasok na ako. Goodbye." Sabi ko tapos nginitian ko si Mom. Tuloy tuloy ako sa pintuan at sumakay sa kotse ko.


"Tsk. Feeling nya papansinin ko sya ngayon? Napakaarogante nya! Bwiset! akala nya naman ang pogi pogi nya! Yuck! Hindi ko talaga papansinin yang Abcd na yan!" Rinig kong sabi ni Destiny. Napataas naman yung kilay ko habang pinapakinggan ko sya. Sinenyasan ko yung tropa na wag sabihin sa kanya na nandito ako.


"ang yabang yabang nya. Tsk! sino ba sya huh? Oo na, inaamin ko na pogi talaga sya, malakas ang appeal, matalino, macho, may abs at makalaglag panty yung ngiti nya. Pero who cares?!" inis nya sabi nya. Tama bang idescribe yung positive sides ko kung sinisiraan nya ako ngayon. Napailing nalang ako. Malala na nga ang tama ng girlfriend ko.


"Kyaaah! Nakakainis talaga yang Ab------cd na yan." Napahinto sya at napalunok nung humarap sya sakin. Ngumiti sya ng napakatamis at halata mong peke lang yun.


"He-hello." Sabi nya. halatang kinakabahan sya. Tinignan ko lang sya. Tapos nilagpasan ko sya at umupo sa Upuan. Nakita ko pang inakmaan nya ako na susuntukin nya ako dahil sa salamin na nasa harap namin. Nung nakita nya namang nakatingin ako sa kanya sa pamamagitan ng salamin. Agad nyang binukas sara yung kamay nya sabay kanta ng~


"Close.. Open.. Close.. Open. Hehe" Sabi nya tapos umupo. Nakita ko namang inirapan nya ako.


"Bakit hindi mo ituloy yung kwento mo?" Masungit na tanong ko sa kanya.


"Ano bang pakielam mo?" mataray na sagot nya pero halata parin namang kinakabahan sya.


"Bakit natatakot ka? Porket sinisiraan mo ako sa kanila." Nakatitig lang ako sa kanya at ganun din naman sya. Pero nakapeace sign sya. Bigla syang yumakap sakin.


"Sorry. Bati na tayo. I love you." Bakla na kung bakla pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang sarap sabunutan ng buhok ko dahil sa nangyayari sakin. Pero! Tsk! Bakit ang sarap sa feeling nung mga sinabi nya.


Niyakap ko sya pabalik.


"Oo na. I love you too." Sabi ko. Nagtataka naman yung tropa samin. Oo nga pala, hindi pa nila alam. Isang linggo na kami pero Tsk. Hindi pa din nila nahahalata.


"Kami na." Sabi ko. Naramdaman ko naman yung sakit ng kurot sakin ni Destiny sa likod ko.


"Alam namin." Sabi nila ng sabay sabay. Hindi na ako nagulat dun dahil pinapahalata naman talaga namin e.


"Nag away kayo ng seryoso?" Nagatatakang tanong ni Zabrina.

Flashback~


{Kumain ka na?} Habang binabasa ko yung message na nareceive ko mula kay Destiny, napakunot yung noo ko. ano bang pakielam nya kung kumain na ako o hindi?

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon