[Destiny's POV]
"Very good, Destiny and Asher. Pero pansin ko lang sa Project nyo, parang walang Buhay." Sabi ni Maam samin nung pinasa namin yung project namin. Pano hindi mawawalan ng buhay yung gawa namin kung ang tahi-tahimik nung kapartner ko.
"Tss, ang Sungit kasi" Pagpaparinig ko. Matamaan sana sya.
"Tss, Ewan ko sayo!" Sabi naman nya pero hindi naman tumitingin sakin.
"Psssh! Wag kayong mag away dito" Saway samin ng Teacher namin.
"Maam! May LQ Sila! Ayiiie!" sigaw ng isang classmate namin. -_- Babatukan ko to mamaya.
"Eww! LQ? Yuck" Sabi ko na parang Diring diri.
"Wow? sa Pogi kong to? Nandidiri ka pa ng lagay na yan?" Sabi nya. Yuck Standard! Ang hangin mo boy!
"Candy! Kakasuka! Bleeh!" Sabi ko naman, Tapos nagkunwaring Nasusuka. Napaka feeler talaga ng lalaking to. Yang mukhang yan? Pogi na yan sa kanya? umm... Sabagay. Ay joke lang, haha tawa naman kayo.
"Baby ko, wag ka namang ganyan" Sabi nya. O_O Baby ko?! Yuck! Saang lupalop ng mundo nya nakuha yang pinagtatawag nya sakin. Parang gusto ko syang sipain ngayon. :3
"Ayiiie! Baby ko daw oh!" Sigaw ng isang Classmate namin. Tadyakan ko kaya to sa lalamunan. -_-
"Im so sorry Baby Boy!" Sabi ko, Makikisakay nalang ako sa trip nya. anong akala nya? sya lang may karapatang mang asar. Pwew! Kahit diring diri na ako, nakikisakay nalang ako.
"Wow naman Baby ko at Baby boy! Kakakilig!" Irit ng isang Classmate namin. Tatadyakan ko talaga tong mga to pagkaupo namin. Akala nila huh.
"Stop that, kababata nyo pa puro Baby Baby na iniisip nyo. Sitdown!" Sigaw ng Teacher namin. Ay, si Maam Reyes talaga kahit kailan ang KJ. Umupo na kami, Kakatakot e. Baka kainin kami. XD
"Pakulo mo? Baby ko? Eww!" Bulong ko kay ABCD pagkaupo namin. Inirapan ko sya at nagkunwaring nasusuka.
"At ano naman ang Baby boy na yan? Kadiri ka!" Ganti naman nya, tapos sinamaan ako ng tingin. Psh ang pangit na nga pag nakabusangot ang pangit pa pag ang sama ng tingin. Kawawang nilalang, hindi nabiyayaan ng panginoon ng kahit konting kagwapuhan.
"Ang cute kaya!" Sabi ko sabay ngiti. Ang cute naman talaga diba? Mukha lang syang bata. Haha.
"Tss, anong Cute dun?" Pagsusungit nya. Ang sungit naman nito.
"Ang sungit mo ngayon." Sabi ko sa kanya sabay titig sa kanya. Actually, araw araw naman syang masungit sinabi ko lang ngayon para malaman naman nya.
"So?" Naka'Cold' Look parin sya. Ang sarap nya lang ilagay sa freezer dahil dun.
"Meron ka ba ngayon?" Tanong ko, Sya naman Naging ganto yung mukha ?_?
"Anong meron?" Tanong nya. Ahahaha Wala talaga syang Idea? Curious na curious kasi yung mukha nya, ang sarap tumawa kung wala lang kaming teacher.
"Alam mo yung Napkin?" Tanong ko habang nagpipigil ng tawa. Grabe talaga yung reaksyon nya e."Oo. Ano namang kinalaman ng napkin sa Meron ako? Ang gulo mo!" Sabi nya. Whahaha Grabe wala talaga syang Kaalam alam sa sinasabi ko.
"Regla!" Sigaw ko. Oppssiiie! Napalakas. >_<
"Anong meron dyan Ms. De Guzman?" Nakakatakot na tanong ng Teacher namin.
"Maam wala po, Si Baby boy ko po kasi." Sagot ko, Mandadamay nalang ako. XD
"Oh? Ano ba kasi yun?! Kakainis ka na Baby ko!" Sabi nya tapos nagpout. Hala hindi nya Talaga alam yun?
"Hindi mo talaga alam yun?" Tanong ko. Di nga? As in? nakatingin naman yung mga Classmate namin samin."Hindi nga kasi!" Sabi nya, Medyo inis na to For Sure.
"Yun yung Red everymonth!" Singit ng isa naming Classmate."ano yun? Rose?" Tanong nya. Sang bundok ba to galing? XD
"Whahahahahaha" Tawa ng mga Classmates namin.
"Wag nyo nga akong pagtawanan! Sa Hindi ko alam yun e." Sabi nya, Tapos Nagkunot ng noo.
"aww, Baby boy, Badtrip ka na ba?" Sabi ko, Na parang nag-aalaga talaga ng isang Baby.
"Baby ko, wag mo akong gawing Bata" Pagmamaktol nya. Tapos nagpout. Ghad Turn on Turn on!
"Ays, Di na po baby Boy. Maam, Sorry po" Sabi ko tapos nagpeace sign kay Maam. Tapos Tinuloy nya lang yung Lesson nya.
"Ano nga kasi yung Rigla?" Tanong nya ng Pabulong.
"Yuck Term mo. Regla hindi Rigla. Tyaka pambabae yun. Wag kang makulit makinig ka nalang." Sabi ko sabay Quiet Sign."Oo na po" Sabi nya tapos nakinig nalang. Ang cute nya. Seriously? Hindi nya talaga alam kung ano yun? Xd Ang cute nya Promise. Pero isa lang Pinagtataka ko.
Bakit?
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Kinikilig ako sa tawagan namin? >/////////<
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.