Masayang-masaya ang mga kaklase ko nang umalis na ang aming prof na ngayon lang natapos sa pagtuturo. Kinuha niya ang walong minuto sa aming break time kaya naman lahat ng mga kaklase ko ay inis na inis.
Nilingon ko si Cindy na inaayos ang sarili. Tumayo naman ako at sinukbit ang bag. Tiningnan ko rin mga text na galing kay Thunder at Forrest.
Una kong binasa ang mensahe ni Forrest.
Forrest:
Kumakain na kami. Kasama ko si Dalton at Fiona.
Kumain ka na?
Hindi ka nagrereply kaya kumakain ka na siguro.
Napangiti ako at nagreply agad.
Ako:
Ngayon lang natapos klase namin. Papunta na kami sa canteen.
Sunod kong binasa ang mensahe ni Thunder.
Thunder:
Nasaan na kayo?
Ang tagal ha!
Susunduin ko ba kayo? Naka-order na ako ng pagkain.
Nagreply agad ako. Nakalabas na kami ni Cindy ng room at patungo na sa canteen.
Ako:
Papunta na sa canteen.
Nang makarating kami sa canteen ay nagmadali kaming tumungo kay Thunder na nakatingin na sa amin pagpasok pa lang sa entrance ng canteen. Nasulyapan ko pa si Carlos na nakatitig na naman kay Cindy na kanina pa gutom na gutom. Nagsisimula na ring kumain ang mga pinsan ni Forrest at si Carlos lang ang hindi.
Umupo ako sa tabi ni Thunder at si Cindy naman ay sa harap namin. Kinuha niya agad ang biniling pagkain ni Thunder at nagsimula nang kumain.
"Ba't ang tagal ni'yo?" Tanong ni Thunder habang inaabot ang pagkain ko.
Ngumiti ako at kinuha iyon.
"Hindi yata napansin ng prof namin ang oras kaya turo lang nang turo..." Sagot ko naman.
Tumango lang siya. Uminom naman ako ng tubig bago isubo ang carbonara. Nagsimula na ring kumain si Thunder.
"Ewan ko ba sa prof na 'yon! Daming tinuturo." Iritadong sinabi ni Cindy habang ngumunguya.
Kumagat naman ako sa aking sandwich habang tinitingnan si Cindy na halos mapuno na ang bibig dahil sa kinakain.
"Hindi ka ba kumain sa inyo?" Natatawang tanong ni Thunder sa kaniya.
Uminom ng juice si Cindy bago umiling.
"Nag-cereal lang ako kanina." Sagot ni Cindy.
Nilingon naman ako ni Thunder. Bumaba ang tingin niya sa aking pagkain. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
"E ikaw?"
"Nagkape lang ako kanina at isang tinapay." Sagot ko naman.
Tumango siya. "Pareho kayo ng kapatid ko."
Tumango ako at sabay naming tiningnan si Rain na nakikipagtawanan kay Arisse. Binalik ko naman agad ang tingin ko kay Thunder.
"Eh ikaw? Ano lang kinain mo kanina?"
Gumagalaw ang kaniyang panga dahil sa pag-nguya. Ang gwapo talaga ni Thunder at ang bango pa! Nakasuot siya ngayon ng isang itim na jacket.
"Wala."Sagot niya at tinitigan ako.
Sa gitna nang tinginan namin ay biglang tumunog ang cellphone ko sa isang tawag. Napatingin si Thunder sa cellphone ko na nasa kandungan ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at nagpapasalamat na hindi kita ang screen. Kinuha ko iyon at pinatay ang tawag ni Forrest.
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...