Kabanata 17

751 23 0
                                    

Nang makauwi ako ay mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Nagsusuklay ako ng buhok nang nag-vibrate ang aking cellphone. Nilapag ko ang brush at mabilis na kinuha ang cellphone ko at binasa ang mensahe ni Forrest.

Forrest:

Nasa tulay na ako. :)

Napangiti naman ako. Malapit na siya. Nag-reply naman agad ako. 

Ako:

Okay!

Kumuha rin ako ng sling bag at nilagay ko roon ang cellphone ko pagkatapos ay lumabas na ng kwarto at bumaba na. Nakita ko si Grandma sa sala at kausap niya si Mang Repil. Natigil sa pagsasalita si Grandma nang makita ako. Ngumiti ako sa kaniya.

"May lakad ka?" Naka-ngiting tanong ni Grandma.

Tumango naman ako at lumapit sa kaniya. Si Mang Repil naman ay pinagmamasdan lang naman ako. 

"Nakapag-paalam na po ako kay Ate..." 

Tumango naman si Grandma. 

"Dadalhin mo ba ang sasakyan mo o... magpapahatid ka kay Repil?" 

Nilingon pa ni Grandma si Mang Repil. Mabilis naman akong umiling.

"Hindi na po, Grandma. May susundo naman po sa'kin." 

Kinagat ko ang labi ko at hiniling na sana ay huwag nang magtanong si Grandma. At sa huli, naisip na mali ang hinihiling ko. Nangako pa naman ako kay Grandma na ipapakilala ko sa kanila ang mga taong malapit sa akin pero ngayon ay hindi ko na magawa...

Nagkatinginan naman sina Grandma at Mang Repil. Binalik din naman agad ni Grandma ang tingin sa'kin.

"Alright, hija! M-Mag-iingat ka."

Ngumiti ako at tumango. 

"Matutulog na po ba kayo? Ihahatid ko na po kayo sa kwarto mo kung gusto mo..."

Umiling naman agad si Grandma. 

"Hindi na, hija! May pinag-uusapan pa kami ni Repil."

Dahan-dahan naman akong tumango. Hinalikan ko sa pisngi si Grandma bago magpasyang iwan na silang dalawa. Pakiramdam ko, hindi lang ako kay Thunder naglilihim kundi sa kanila rin. Umiling naman ako habang iniisip iyon. Ipapakilala ko rin naman sa kanila si Forrest... hindi muna sa ngayon.

"May problema ka?"

Bumaling naman ako kay Forrest. Nasa sasakyan niya na ako at patungo na kami sa kanilang bahay. 

"Kanina ka pa tahimik." Dagdag niya pa. 

Tipid naman akong ngumiti. Binati ko siya nang sumakay ako sa kaniyang sasakyan kanina pero naging tahimik din ako nang maisip ang ginagawa kong pag-lilihim kay Thunder at kay Grandma at Ate. Hindi ako ganoon. Hindi ako lumaking nag-lilihim kaya naman mahirap 'to para sa akin. Pero kasi... parang may pumipigil sa'kin na huwag muna...

"May iniisip lang ako..." 

Nilingon niya ulit ako pero binalik niya agad ang tingin sa daan.

"Ano naman iniisip mo?" Tanong niya.

Napangiti naman ako. Gusto niyang malaman, ha! 

IKAW LANG NAMAN!

"Si Thunder..." Mahina kong sinabi.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya para makita kung ano ang kaniyang reaksyon. Tumaas ang kaniyang kilay pagkatapos ay bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Mas lalo akong ngumiti. 

"Really? Ba't mo naman iniisip 'yon?" Matigas niyang sinabi.

Napawi ang ngiti ko nang may naisip.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon