Kinabukasan ay napapatulala ako sa mga oras na hindi ako nagsasalita. Halos hindi talaga ako makapaniwala na totoo talaga ang mga Bampira at Taong Lobo. Akala ko ay gawa-gawa lang iyon noon. Fan ako ng mga libro na tungkol sa mga Bampira at Taong Lobo kaya naman nagawa kong paniwalaan na totoo talaga sila at hindi gawa-gawa lamang. At ngayong napatunayan ko nga na totoo talaga sila, hindi naman ako makapaniwala.
At tuwing naiisip kong Bampira ang boyfriend ko ay halos natutulala na lang ako. Idagdag pa na Taong Lobo si Thunder. Mas lalo akong naging kuryoso sa kanilang lahat. Gustong-gusto kong magtanong tungkol sa buhay nila.
Kaya naman nang matapos ang pang hapong klase ay mabilis kong inayos ang mga upuan. Sinuklay ko ang buhok ko at kinuha na ang bag ko. Iniwan ko ang mga kartolina na hindi ko na kailangan pang iuwi dahil kakailanganin ko pa iyon bukas. Sabay kaming nagsarado ng pinto ni Cindy.
"Napagod ako, Chandy..." Sabi ni Cindy.
Patungo na kami ngayon sa gate at natatanaw ko na agad si Forrest. Pagkatapos ng nangyari sa bahay nina Thunder kagabi ay umuwi na rin kami. Siya na ang nagmaneho ng sasakyan ko at syempre, hindi ko na itinanong kung paano siya uuwi gayong wala siyang dalang sasakyan. Bampira siya kaya naman tatlong minuto lang ang lumipas nang magpaalam siya ay nakauwi na siya agad.
Kinuha niya agad ang bag ko pagkatapos ay marahan akong hinalikan sa labi. Narinig naman namin ang tili ni Cindy.
"Sweyt naman!" Ngumisi siya sa aming dalawa ni Forrest.
Ngumisi si Forrest at binuksan na ang pinto ng front seat. Tiningnan ko si Cindy na binuksan na rin ang pinto ng sasakyan niya.
"Ingat ka sa pagmaneho. Magkikita ba kayo ni Carlos?"
Sinulyapan niya si Forrest na nakatingin lang naman sa akin.
"Yes, Chandy!" Ngumisi pa lalo siya.
Tumango naman ako at sumakay na sa sasakyan. Nagpaalam naman si Forrest kay Cindy bago umikot at sumakay. Ngumuso ako at naamoy na agad siya. Ang bango naman ng Bampirang ito!
Sa araw na ito ay sa mansion lang kami. Ipagpapatuloy na raw kasi ang pagtatanim sabi ni Mang Repil.
"Kumusta ang pagtuturo?" Kaswal niyang tanong.
Ang kanang kamay niya ay nasa hita ko. Ipinatong ko naman sa kamay niya ang kaliwang kamay ko. Kaya siguro malamig ang balat niya dahil isa siyang Bampira. Ngayon alam ko na kung bakit kakaiba talaga siya.
"Ayos naman. Ikaw sa... eskwelahan?"
Tipid siyang ngumiti. Nasa Tumana na kami.
"Ayos lang din. Maraming gawain."
"Gusto mo tulungan kita?" Sabay ngisi ko sa kaniya.
Lumaki ang ngiti niya at umiling.
"Baka nakakalimutan mo kung ano ako?"
Inirapan ko siya sa pagiging mayabang niya.
"Ang yabang mo!"
Tumawa siya at idiniin ang kamay sa aking hita.
"Ah nayayabangan ka na sa'kin?"
Umiling ako at natawa na. Akala ko ay may magbabago sa aming dalawa pero wala pala. Ganoon pa rin. Komportable at masaya pa rin. Hindi ako nakasagot kaya naman mabilis niya akong hinalikan at natawa nang nakitang dinilaan ko ang labi ko. Ang sarap ng labi niya!
Nang makarating kami sa mansion ay dumiretso na ako sa kwarto. Sina Grandma at Manang Cora ay kinausap na si Forrest kaya naman hindi na siya nakasunod sa akin kahit na halata sa kaniya na gusto niya nga'ng sumunod sa akin.
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...