Kabanata 42

474 15 2
                                    

Hello! May iba pa po akong storya na nagawa na kaya lang ay hindi pa rin kompleto. Penaranda Series iyon at ang unang storya ay na-publish ko na po. On going rin po siya kagaya ng storya na ito. Punta na lang po kayo sa profile ko. :) Sana po ay suportahan ni'yo! 

Maraming salamat sa pagbabasa at pagboto sa storyang ito. 

~~~

Nasa sala kami ngayon ni Thunder at nanunuod ng palabas. Si Callie ay tulog na tulog sa aking kandungan. Nakaupo kami ni Callie sa mahabang sofa habang si Thunder ay nakaupo sa pang-isahang upuan.

"Ano raw sabi ng kapatid mo?" Tanong ko at nilingon si Thunder.

Tumawag kasi sa kaniya si Rain kanina. Nag-usap sila nang medyo matagal.

"Tungkol lang naman sa trabaho, Chandria. May iba pa kasing order na dumating."

Napangiti ako.

"Mula sa ibang bansa ulit?" 

Umiling si Thunder at bahagyang sinulyapan si Callie na tulog na tulog. Ang ulo ni Callie ay nakasampay sa aking kaliwang braso. 

"Hindi. Sa Visayas ulit." Sagot niya. 

Tumango naman ako. Bahagyang gumalaw si Callie kaya naman tinapik-tapik ko ang kaniyang hita. 

"Hmmm..." Malambing kong sinabi para hindi siya magising.

Kinusot ni Callie ang kaniyang mata at iniharap ang mukha sa aking dibdib. Napangiti naman ako. Malapit na malapit ako sa pamangkin ko kaya pakiramdam ko tuloy, ako ang ina niya at anak ko siya. Binigyan ulit ako ni Callie ng dahilan para maging masaya ulit.

"Bagay na bagay sa'yo maging isang ina, Chandria."

Inangat ko ang tingin ko kay Thunder. Ngumiti ako kaya ngumiti rin siya.

"Paano mo naman nasabi?" Mahina kong tanong sa kaniya.

Nagkibit balikat lamang si Thunder habang tinitingnan ako. Muli kong ibinaba ang tingin kay Callie. 

Hindi ko nakikita ang aking sarili na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi si Forrest ang magiging asawa at ama ng magiging anak ko. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko pa ito pero iyon kasi ang totoo at nararamdaman ko. 

Kahit anong pigil ko na huwag nang isipin si Forrest. Hindi ko pa rin magawa. Awtomatiko ko pa ring siyang naiisip sa bawat araw ng buhay ko. Tuwing gigising ako sa umaga, siya ang naiisip ko. Kahit nasa bookstore ako at kahit abala pa ako sa trabaho ko, naiisip ko pa rin siya. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Nakatatak na sa akin si Forrest. 

Ibinalik ko ang tingin kay Thunder na nakatuon na ngayon sa palabas. Gusto kong tanungin si Thunder tungkol kay Forrest o sa mga Ford pero buong lakas akong nagpipigil dahil mali iyon. Magiging dahilan na naman iyon ng away namin ni Thunder at may posibilidad din na masasaktan ko si Thunder. Kaya hindi na ako nagtanong pa. Ayos na sa'kin na hanggang ngayon, alam kong buhay siya at ligtas. 

Hindi ko na dapat malaman kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Kung nasaan na siya ngayon. Kung may mahal na ba siyang iba. Kung tamang babae na ba ang nasa piling niya. Babaeng kauri niya. At kung masaya na nga siya sa piling ng iba, ilalaan ko ang bawat araw ng buhay ko sa kaisipang iyon hanggang sa unti-unting matanggap iyon. 

Wala akong ibang hiling noon kundi magkaroon ng simple at masayang buhay kasama si Forrest. At ang maisip o malaman na may iba na siyang mahal ay hindi ko matatanggap. O siguro matatanggap ko naman pero hindi agad-agad. Dahil ang katulad ni Forrest ay mahirap kalimutan. 

Ang tanging hiling ko na lang ay maging masaya at ligtas siya. Kahit nasaan man siya ngayon. 

Dumating ang buwan ng Disyembre kaya naman puro christmas decoration na ang nakikita namin ni Thunder sa paligid. Napangiti ako at napatingin kay Thunder.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon