Kabanata 29

563 13 0
                                    

Hinarap ako ni Forrest nang makaalis na ang sasakyan ni Lazaro. Puno ng takot, galit at gulat ang nakikita ko sa mukha ni Forrest. Hindi ko maintindihan ang nangyari lalong-lalo na ang sinabi ng lalaking 'yon. Bakit siya nagpapasalamat sa akin? Sa tubig?

Hinatak ako ni Forrest patungong terasa. Pinaupo niya agad ako sa upuan at pareho kaming napatingin sa isang baso na wala namang laman na tubig. Nandoon pa rin ang cake at juice ko na hindi ko pa tuluyang nauubos. Basta ang natatandaan ko, hinatak niya ang braso ko.

"Chandria..."

Lumuhod si Forrest sa aking harapan pero dahil matangkad siya, pantay pa rin ang tingin namin sa isa't-isa. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Titig na titig siya sa akin habang ako'y palipat-lipat ang tingin sa kaniyang mga mata at pilit inaalala ang nangyari kanina. 

"Anong ginawa niya sa'yo?" Mariin niyang sinabi.

Umiling ako at talagang naguguluhan. 

"H-Hindi ko a-alam... natatandaan ko h-hinatak niya 'yong... braso k-ko..." Para pa akong naguguluhan nang sabihin iyon.

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa akin. Napalunok ako at nagpatuloy sa pagsasalita. 

"Busy ako sa paggawa ng visual aids ko. K-Kumakain ako ng cake tapos may nag doorbell at s-siya pala 'yon. Nagpakilala siya at pinapaalis ko siya dahil... hindi maganda ang kutob ko sa kaniya. Ayaw niyang umalis kahit na nagagalit na ako sa kaniya." Tinaas ko ang braso ko kung saan ko natatandaan na hinatak niya. "Hinatak niya ako at tinitigan..." Natatakot kong sinabi.

Umigting ang panga ni Forrest at hinawakan ang braso ko. Pagkatapos ay muli niya akong tiningnan. Nanatili naman akong nakatingin kay Forrest dahil may kung ano sa kaniyang mga mata. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin makalipas ang ilang segundo. Bigla rin ako nanghina at pilit na napapapikit ang mga mata ko.

Tumayo si Forrest at binuhat ako. Hindi na ako nakapagbigay ng kahit anong reaksyon dahil talagang nanghina na ako at nakapikit na lang. Nilabanan ko lang ang nararamdaman ko kaya kahit papaano'y nararamdaman ko pa rin siya. 

Ilang sandali ang lumipas ay naramdaman ko na ang malambot kong kama. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Malabo na rin ang paningin ko. 

"Forrest..." Tawag ko sa kaniya.

"Nandito lang ako. Magpahinga ka muna..." Marahan niyang sinabi.

Pumikit ulit ako at hindi na nakapagsalita. Hinawakan niya ang kamay ko.

"I love you..." Iyon ang mga salita na huli kong narinig bago bumigay nang tuluyan ang mga mata ko.

Nagising ako sa isang marahan na haplos sa aking pisngi. Minulat ko ang mga mata ko at napangiti nang bumungad ang mukha ni Forrest. Ngumiti siya sa akin. 

"Pasensya ka na kung ginising kita pero kailangan mong kumain." 

Umahon ako sa pagkakahiga at tinulungan niya naman ako. Sumandal ako sa headrest ng kama ko. 

"Anong oras na?" Tanong ko sa kaniya.

"Seven thirty..."

Nagulat ako. Ang haba ng tulog ko kung ganoon. Hindi man lang ako nagising at hindi niya ako ginising. Tiningnan ko ang damit niya na hindi pa rin nagbabago. Iyon pa rin ang suot niya.

"Hindi ka umuwi?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. 

"Hindi kita iniwan. Natulog kang ako ang huli mong nakita kaya dapat lang na ako ang una mong makikita sa paggising mo."

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon