Kabanata 34

504 16 0
                                    

Ganoon ulit ang nangyari kinakabukasan. Ipinagpatuloy na ulit nila ang pagtatanim at nagpasalamat agad si Grandma nang matapos na sina Forrest at Mang Repil sa pagtatanim. Pagkatapos kasi ng klase ni Forrest ay dumiretso na siya sa mansion kaya naman naging mabilis ang pagtatanim. Sinundo niya lang ako pagkatapos ng pagtuturo ko. 

"Forrest hijo, dito ka na kumain ng gabihan ha!"

Mabilis akong umiling kay Grandma. Nasa terasa kami ngayon at nagpapahinga. 

"Huwag na, Grandma. Doon po muna kami sa kanila." 

Nilingon ko si Forrest na nakangisi na sa akin. Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita dahil alam kong papayag nga siya sa gusto ni Grandma. 

"Ganoon ba? O s'ya pupuntahan ko muna si Cora." Sabi ni Grandma at iniwan na kaming dalawa.

Hinintay ko munang makapasok si Grandma bago ako kumandong sa kaniya. Natawa naman siya sabay siksik ng mukha sa aking leeg. Alam kong hinihintay niya rin itong gawin ko. Hihi!

"Ikaw ha!" Bulong niya.

Tumawa ako. "Bakit? Namimis ko na kasi ang bahay ni'yo. Puro tayo nandito."

Hindi siya nagsalita. Napapikit ako nang hinalikan niya ang leeg at pisngi ko. Ang mga braso niya ay nakapulupot na sa aking katawan. Gustong-gusto ko talaga kapag kinukulog niya ako sa kaniyang bisig. Gustong-gusto kong inaangkin niya ako.

"Okay, Chandria." Sabay tingin sa akin. "Kumusta ang pagtuturo?" 

Ngumiti ako sa kaniya. Ang matangos niyang ilong ay sumasanggi sa aking kanang pisngi. Payapa siyang nakatingin sa akin. 

"Okay lang naman. Makukulit pero sumusunod naman." 

Tumango siya at muli akong hinalikan sa pisngi.

"Doon ako kakain sa inyo ha! Gusto ko ikaw magluto..."

Ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko. Ang gwapo niya talaga! Mas gwapo pa siya sa mga artistang lalaki sa syudad. Hindi sa pagmamayabang pero walang panama ang mga itsura ng mga artistang lalaki sa itsura niya. 

"Hmmm... anong gusto mong iluto ko?"

Mabilis naman akong nag-isip. Puro kami gulay sa mansion kaya naman...

"Chicken curry na lang. Marunong ka bang iluto 'yon?"

"Oo naman! Ano pang gusto mo?"

Umiling ako at may naisip. "Magdadala ako ng chocolate cake. Kakainin namin nina Arisse at Fiona. Mahilig daw sila sa chocolate cake eh." 

Tuwing magkakausap kasi kami ay napupunta sa mga pagkain ang usapan namin kaya naman nalaman ko ang hilig ng dalawang magandang babae. 

Tumango lang si Forrest habang nakatitig sa akin. Kung noon, nahihiya ako sa tuwing nakatitig siya sa akin, ngayon hindi na. Siguro dahil kilala ko na ang buong pagkatao niya. 

"Si Katrina ba... ano ang gusto?" 

Hindi ko kasi nakakausap si Katrina kaya wala talaga akong alam sa kung anong gusto niyang pagkain. Wala namang nagbago sa pagtingin ko sa kanila kaya baka kahit papaano, umayos na ang trato niya sa akin. Kung tutuusin nga, ayos lang talaga sa akin ang mga panahong malamig siya sa akin. Kung noon, nagtataka ako kung bakit ganoon siya pero nang malaman ko na kung ano sila, naintindihan ko rin naman. 

"Kumakain naman siya ng cake, Chandria." Marahan niyang sinabi.

"Anong flavor naman kaya ang gusto niya?" 

Inamoy-amoy ni Forrest ang buhok ko. Buti na lang talaga nakaligo na ako. Nakasuot na ako ngayon ng maong short at white v-neck shirt. Ang suot niya naman ay gray t-shirt, leather jacket, tattered jeans at itim na boots. 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon