Nagpatuloy ang mga araw at masaya kaming dalawa ni Cindy na tinutuon ang mga oras sa pagtuturo. Nagiging malapit na rin sa akin ang mga bata kaya naman ginaganahan talaga akong magturo.
Biyernes na ngayon at kakauwi ko lang sa mansion. Naabutan ko sina Mang Repil at Forrest na nasa likod-bahay at nagsisimula nang magtanim. Nakaayos na rin ang lupa na pagtataniman at napakahaba ng linya ng bawat lupa na pagtataniman. Malaki kasi ang lupain ni Grandma.
Hinawakan ni Grandma ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"Ang sipag at bait ng boyfriend mo. Gustong-gusto ko siya para sa'yo, hija!"
Napangiti naman ako sa kaniya.
"Oo nga po, Grandma! Swerte ko nga po, eh!"
"Huwag mo nang pakawalan 'yan..."
Natawa naman kami sa sinabi niya. Kahit alam kong biro iyon ay talagang hindi ko gagawin. Hindi ko pakakawalan si Forrest at alam kong ganoon din siya.
"Kailan ba namin makikilala ang mga magulang niya?" Tanong ni Grandma.
Sabay naming tiningnan si Forrest na nakayuko habang nagtatanim ng buto ng sili. Sa linggong ito, sili muna ang itatanim nila at sa sunod na linggo ay kalamansi naman. Itatanim iyon sa bandang dulo ng lupain ni Grandma.
"Hindi ko pa po sigurado, Grandma. Hindi pa kasi tapos ang trabaho ng mga magulang niya." Sabi ko.
Tumango naman si Grandma at wala nang sinabi. Pumasok na rin kami sa loob ng mansion dahil malayo na sa amin sina Forrest at Mang Repil. Pumunta na lang ako sa terasa at nagbasa ng libro.
Biyernes naman ngayon kaya bukas ko na lang gagawin ang visual aids ko. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay nagulat ako nang may biglang humalik sa aking pisngi. Natawa naman dahil kilala ko na kung sino iyon. Amoy pa lang eh!
Umupo siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Pinatayo niya ako at pinaupo sa kaniyang kandungan. His favorite position! Malinis na rin ang kaniyang kamay at nakasuot lang siya ng black t-shirt. Kahit galing siya sa init ay mabango pa rin siya.
Kinuha ko ang puting towel na nasa lamesa at pinunasan ang kaniyang kaunting pawis sa noo. Sinadya ko talagang maglagay ng towel para sa kaniya.
Nakatitig lang naman siya sa akin.
"Ba't hindi maghubad?" Tanong ko sa kaniya.
Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Ayos lang naman kahit may suot akong damit."
Ngumuso ako.
"Kahit na. Mas maganda kung maghubad..." Pilit ko.
Ngumisi siya kaya inirapan ko siya. Binaba ko na rin ang towel sa lamesa at pinagpahinga ang ulo ko sa kaniyang matigas at mabangong dibdib. Nakatagilid ako sa kaniya. Ang kanang braso niya ay nakapulupot sa aking baywang at ang kaliwang kamay niya ay hinahaplos ang talampakan ko. Hindi na kasi nakasayad ang mga paa ko sa sahig ng terasa. Matangkad naman ako pero dahil may kataasan ang upuan at mahahaba ang binti niya ay nagiging maliit ako.
"Gusto mo lang makita katawan ko eh..."
Inangat ko ang ulo ko sa kaniya. Natawa naman siya at hinalikan ang pisngi ko.
"Ang kapal mo ha!" Sabi ko habang hinahalikan niya pa rin ako sa pisngi.
"Bakit mo kasi ako pinaghuhubad? May pamalit naman ako na bagong damit."
Tinulak ko ang mukha niya at hindi pinapayagan na humalik.
"Ikaw kung anu-ano iniisip mo sa akin ha!"
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...