Kabanata 14

865 29 2
                                    

Manghang-mangha si Cindy nang ikwento ko ang nangyari kahapon. Nasa room na kami ngayon at wala pa rin ang aming prof. Ang ibang mga kaklase namin ay wala pa rin.

"Malaki ang bahay nila? Maganda?" Nilingon ko si Cindy dahil sa kaniyang mga tanong.

Tumango ako. "Oo. Kahit simpleng tingnan, maganda pa rin at malaki."

Ngumuso naman siya at napawi ang ngiti. 

"Gusto ko rin makapunta roon kaso mukhang hindi papayag si Carlos." 

Kumunot ang noo ko. 

"Bakit hindi siya papayag? Okay naman kayo, ah!?"

Huminga siya nang malalim at tumango. 

"Oo, okay kami pero... para kasing hindi normal. Oo, palagi na kaming mag-kausap at masaya ako sa ganoon pero alam mo 'yon... parang ayaw niyang mas makilala ko siya." Malungkot niyang sinabi.

Mas lalong kumunot ang noo ko. 

"Pa'no mo naman nasabi 'yan, Cindy?" 

Tumingin siya sa'kin. "Ayaw niyang pag-usapan namin 'yong pamilya niya at kapag sinasabi kong gusto kong pumunta sa bahay nila, palagi niyang iniiba ang usapan namin. Hindi ko na lang pinapansin dahil baka, makulitan na siya sa'kin. Nagtataka lang naman ako dahil bakit si Forrest, dinala ka pa sa bahay nila pero si Carlos... hindi. Nakakalungkot, 'di ba?" 

Biglang dumating ang prof namin kaya naman natigil ang pinag-uusapan namin. Tiningnan ko lang si Cindy na tahimik na nakikinig at mukhang malungkot nga. 

Tumingin ako sa aming prof na may isinusulat sa white board. Inisip ko tuloy ang sinabi ni Cindy. Okay naman sila ni Carlos. Nagkakausap na sila pero pakiramdam niya ayaw ni Carlos na mas makilala pa siya ni Cindy. Ano kaya ang dahilan ni Carlos? Mukhang okay naman ang pamilya nila, ah?

Naisip ko rin naman si Forrest. Noong una, mas gusto niyang iwasan ko siya kaya hindi na siya nagpakita sa'kin noon tapos nitong nakaraang araw, parang nagbago ang desisyon niya at siya na ngayon ang nagiging malapit sa'kin. Gusto ko iyon pero mayroon pa ring tanong sa'kin. Ano ba talaga ang dahilan niya noon? Hanggang ngayon, gusto ko pa ring malaman.

"Wala si Thunder, ah! May klase pa siya?" Tanong ni Cindy.

Break time na kaya naman papunta na kami ngayon sa canteen. Tumingin ako sa pintuan at wala nga si Thunder. 

"Nasa canteen na siya. Halika na!" 

Tumango lang siya at lumabas na kami ng room. Tahimik lang si Cindy hanggang sa makarating sa canteen. Marami na ring estudyante at nakita ko sina Thunder, Kylo at Halton na nakapila na. 

Nang makita ako ni Thunder ay sumenyas siya na mauna na kami ni Cindy. Tumango naman ako at ngumiti. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Cindy. Nakita ko pa ang mga babae na nasa pilahan din at halatang kilig na kilig dahil sa tatlo. Napailing na lang ako at hinatak na ang tahimik na si Cindy.

Ngumiti sa'kin si Arisse nang makita kaming dalawa ni Cindy. Si Rain naman ay tipid lang na ngumiti sa'kin habang si Katrina ay blangko ang ekspresyon habang nakatingin sa mga estudyanteng pumapasok sa canteen. 

Naupo na kami ni Cindy. Nahuli kong sinusundan ng tingin ni Carlos si Cindy na bakas na bakas sa mukha ang pagiging malungkot. Ilang sandali pa ay kinuha ni Carlos ang kaniyang cellphone. 

Sabay kaming napatingin ni Cindy nang mag-vibrate ang kaniyang cellphone na nakalapag sa lamesa. Tiningnan ko si Cindy na pinagmasdan lang ang kaniyang cellphone. Hindi niya ito kinuha para basahin ang text, alam kong alam niya kung sino ang nag-text. 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon