Kabanata 58

570 13 1
                                    

Ang sabi ko sa aking sarili, iiwas ako sa kaniya pero hindi iyon ang nangyari. Tinapos ko ang pakikipag-usap kay Edgar at Alvin para sundan siya sa pagjogging. Hindi ko na naiwasang hindi siya sundan sapagkat mayroong iilang kalahi namin ang nandito sa aming lugar at hindi ako panatag sa kanila lalo pa't sinisimulan ko pa lang ang pagtuturo sa kanila. 

Bahagya akong naiirita at natutuwa dahil hindi siya sumunod nang sabihin kong tumakbo na siya at umuwi dahil palubog na ang araw. Hindi ako makapaniwalang nakakausap ko na si Chandria. 

"Kaya ko ang sarili ko at sanay na ako rito." Malamig niyang sinabi.

At dahil nakatalikod siya sa akin, malaya akong napangiti sa naging sagot niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lang sa kaniya. Hindi matanggal-tanggal ang matamis na ngiti sa aking labi habang nasa likuran niya. Hindi talaga siya tumakbo kaya naman madilim na nang nakarating na kami sa kanilang mansion. 

At hindi ko inaasahang magpapaalam siya sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit ramdam na ramdam ko ang nararamdaman niya sa akin. Hindi niya ako kilala at ngayon lang nakita pero komportable siya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil doon. 

"Maglalakad ka... ulit?" Tanong niya.

Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya nang unti-unti kong nababasa ang nasa isip niya. Umiling naman ako pagkatapos huminga nang malalim. 

"Magpapasundo ako. Pumasok ka na." Sabi ko at tiningnan ang gate ng mansion.

"Sino ang susundo sa'yo?" 

Imbes na sundin ako ay nagtanong pa siya.

"Pinsan ko." Seryoso kong sinabi.

Nabasa ko sa kaniyang mga mata ang pagiging kuryoso niya kaya naman nagdahilan ako.

"Nag-message ako." Sabi ko.

Dahan-dahan siyang tumango at nabasa ko ang iniisip niya. Ang naiisip niya ay nag-text ako habang naglalakad kami kanina. 

"Pumasok ka na." Pautos ko nang sinabi. 

"Okay." Sabi niya at tumalikod na.

Ngingiti na sana ako ngunit pinigilan ko nang mabilis siyang lumingon ulit. Kinunot ko ang noo ko.

"Ako nga pala si Chandria." 

Tatango na sana ako ngunit mabilis siyang pumasok sa gate. Nang mawala siya sa aking harapanan ay mabilis na lumitaw ang ngiti sa aking labi. Kung alam niya lang na matagal ko na siyang kilala ay siguradong mas magiging kuryoso siya sa akin. Hindi naalis ang ngiti ko at mabilis na umalis sa mansion. 

Pag-uwi ko sa mansion ay napawi ang ngiti sa aking labi dahil titig na titig ang mga pinsan ko sa akin. Alam ko na agad kung bakit. Bago manirahan dito si Chandria, alam na nila na umiibig nga ako sa isang mortal. Wala sana akong balak sabihin sa kanila ngunit pinangunahan ako ni Dalton. 

"Nagka-usap na kayo!" Si Dalton.

Hindi iyon patanong kaya naman hindi na ako nagsalita pa. Nakita ko ang pag-ngisi ni Arisse. 

"Uyyy! Pagdating sa'yo malambing siya, pagdating sa amin... masungit." Sabi ni Arisse at tumawa. Palagi niya kasing kinukuwento ang pagiging masungit ni Chandria pagdating sa kanila.

Natawa sina Kylo at Halton at sang-ayon sa sinabi ni Arisse. Mabuti na lang at wala rito si Fiona dahil siguradong magiingay iyon. 

"Paano mo nalaman?" Tanong ko kay Risse.

Mas lalong ngumisi si Arisse bago nilingon sina Halton at Kylo. Napailing ako sa kanila. Sigurado akong sinundan nila kami ni Chandria. Ganoon na ba ako kabaliw kay Chandria para hindi ko maramdaman ang dalawang pinsan kong ito na nakasunod na pala sa amin!?

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon