Kabanata 20

726 22 0
                                    

Tahimik kaming dalawa ni Thunder nang ihatid niya ako sa mansion. Pagkatapos kong magpasalamat sa kaniya ay tumango lang siya bago umalis. Hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman niya pero alam kong nasaktan ko siya. Gusto kong isipin na tungkol iyon sa huling tanong niya pero imposible naman. Ayoko! Ayokong isipin na maaring iyon nga! Hangga't wala siyang sinasabi ay hindi ko paniniwalaan iyon. 

Hindi naman ako manhid pero sadyang ayoko lang talaga. Mahal ko si Thunder dahil mahalaga siya sa'kin at kaibigan ko siya. Kaibigan ko siya! Hanggang kaibigan lang.

Tumunog ang cellphone ko sa isang tawag. Sinagot ko iyon dahil si Cindy pala ang tumatawag.

"Nakauwi na ako. Ikaw?" Panimula ko. 

Hindi ko alam kung nakauwi na ba siya. Pagkatapos namin ay dumating na rin si Carlos upang sunduin siya. Hindi ko na natanong si Cindy dahil abala ako sa kakaisip sa napag-usapan namin ni Thunder.

"Nasa mall kami ngayon ni Carlos. Ayaw ko pa kasing umuwi." Dagdag niya.

Kaya pala medyo maingay sa background niya.

"Hindi ka ba napagod kanina?" Tanong ko at binaba na lang ang bag sa sahig sa sobrang pagod ko.

Nakakapagod talaga kapag maraming iniisip. Humiga ako sa kama habang nagsasalita si Cindy.

"Napagod, syempre! Pero gusto ko pang makasama si Carlos." Humagikhik pa siya.

May narinig naman akong bumuntong hininga at alam ko na agad na si Carlos iyon. Wala yata talagang hiya si Cindy sa katawan. Kung sa bagay, mahal naman niya si Carlos. Ganoon yata talaga kapag nagmamahal. 

"Kasama mo naman pala si Carlos! Ba't tinawagan mo pa ako?" Tanong ko at tiningnan ang balkonahe. Gumagalaw ang kurtina nito.

"Asus! Alam mo ang dahilan kung bakit ako tumawag, Chandy."

Binalik ko ang tingin sa kisame at inirapan iyon. 

"Pagod ako. Sa school na lang." Tamad kong sinabi.

"Hala! Ang daya ni Chandy! Wala tayong pasok bukas kaya ngayon na..." Pagrereklamo niya.

"Cindy..." Narinig ko ang mahinang tawag ni Carlos sa kaniya.

"Ops! Sorry lumagpas..." Natatawang sinabi ni Cindy kay Carlos. "Huy, Chandy!" Pangungulit na naman niya.

"Bukas na lang." Sabi ko ulit.

"Daya mo! Pupunta na lang ako sa inyo bukas. Bye! Nagseselos na si Carlos Miguel ko..." Sabi niya at humalakhak pa.

Narinig ko pa ang saway ni Carlos sa kaniya kaya naman natawa na rin ako. 

"Enjoy! Bye!" Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Pagod akong bumuntong hininga at bumangon. Napatingin ako sa balkonahe at patuloy pa ring sumasayaw ang kurtina dahil sa hangin. Six thirty nang magdesisyon kaming umahon na sa tubig kanina dahil dumidilim na at malayo ang mga ilaw sa bandang patubig nina Thunder kaya naman wala na kaming nagawa. Pagkatapos ng usapan namin ni Thunder ay na-enjoy pa rin naman namin ang pag-ligo. Kung wala siguro si Cindy kanina ay baka wala na sa'ming nagsalita ni Thunder. 

Hinawi ko ang buhok ko patungong likod nang makalabas sa balkonahe. Madilim na ang kapaligiran kaya naman hindi ko na makita nang malinaw ang mga punong matatayog. Napatingin ako sa aking cellphone nang mag-vibrate ito. Mabilis kong tiningnan kung sino ang nag-text at nakita kong si Forrest iyon.

Forrest:

Nakauwi ka na?

Tinalikuran ko ang mga puno at sinandal ko ang aking likod sa railing ng balkonahe at mabilis na nag-reply.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon