Masayang-masaya ako nang makauwi kami sa mansion. Hindi iyon napapansin nina Grandma at Ate dahil hindi ko naman pinapakitang masaya nga ako sa araw na 'to. Nanatili si Grandma sa terasa kasama si Manang Cora at nag-usap sila tungkol ulit sa lupa na tataniman ng mga gulay. Ang kapatid ko ay nauna nang umakyat sa terasa at ako naman ay sumunod lang pagkatapos uminom ng tubig.
Binuksan ko ang malaking aparador at tiningnan ang mga damit ko na pang-jogging. Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko kaya kinuha ko na lang ang racerback at running short. Ayos naman ito at maganda ring tingnan kaya ito na lang ang isusuot ko mamaya. Ilang oras pa naman ang lilipas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Umupo ako sa dulo ng kama at tiningnan ang susuotin ko mamaya at ang sapatos.
Handa na ang isusuot ko kaya hindi ko na kailangan maghanap o pumili mamaya. Tiningnan ko ang malaki at malambot kong unan. Matutulog ba ako o magbabasa na lang? Pwede rin namang manuod? Sa huli ay pinili kong matulog na lang.
Saktong alas kuwatro akong nagising kaya naman nagmamadali akong magpalit ng damit. Mabilis kong isinuot ang sapatos sa'king mga paa. Itinali ko rin nang mataas ang mahaba kong buhok at hindi na rin ako nagdala ng cellphone at earphone.
Nagmamadali akong bumaba at nang malapit na sa dulo ng baitang ng hagdanan ay binagalan ko ang pagbaba. Dumiretso ako sa terasa dahil alam kong naroon si Grandma. Nang makita niya ako ay bahagya siyang nagulat.
"Akala ko'y tulog ka pa..."
Ngumiti ako kay Grandma.
"Magjo-jogging na po ako, Grandma."
Tumango siya at hinawakan ang kamay ko nang makalapit ako sa kaniya. "Huwag kang magpapagabi." Bilin niya sa akin.
Nang makalabas sa gate ay nagsimula na agad akong tumakbo. Nakangiti akong nakatingin sa mga matatayog na puno at kawayan. Nakakalayo na ako sa mansion at konti na lang ay makakarating na ako kung saan ko siya nakita. May kasama kaya siya ulit? O siya lang? Iniisip ko kung saan siya nakapwesto roon ngayon? Hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa niya roon noong araw na iyon. Siguro ay mayroon silang lupain doon?
Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang jeep wrangler niya. Nakasandal siya roon at nakayuko. Unti-unting sumilay ang ngiti sa'king labi. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang dating niya sa'kin. Kahapon ko pa lang naman siya nakilala pero bakit ganito na agad...
Tumigil ako sa pag-takbo nang umangat ang kaniyang tingin at tiningnan na ako. Umayos siya sa pagkakatayo at inalis niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang jeans. Kinagat ko ang labi ko at parang nahihiyang lumapit sa kaniya. Nararamdaman ko na ang pawis sa aking leeg at noo. Wala akong dalang kahit ano. Tumigil ako sa dulo ng kaniyang sasakyan at natatakot na baka maamoy niya ako.
What the hell, Chandria! Kaya ka nga nagjo-jogging para pagpawisan at malibang sa tanawin!
Tiningnan niya ang distansya naming dalawa. Napatingin na lang ako sa malawak na lupain na may tanim na mga gulay. Hindi ko na alam kung ano na ang sasabihin ko.
Naramdaman ko ang paghakbang niya, palapit sa akin. Dahil sa kaniyang ginawa ay parang gusto kong tumakbo nang mabilis at huwag nang magpakita sa kaniya dahil hindi ko talaga alam kung bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Tumigil siya sa paglapit kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"Mag-isa ka ngayon?" Tanong ko.
"Kahapon pa nahatid sa Manila ang mga gulay kaya... ako lang mag-isa."
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Tiningnan ko pang mabuti ang mga gulay na nasa gilid namin, wala ng mga bunga iyon.
"Lupain ni'yo ba ito?" Tanong ko habang nakatingin pa rin doon.
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...