Sa sumunod na Linggo ay nilibang ko ang sarili ko sa kakajogging sa Tumana kasama si Ate. Minsan naman ay nagbabasa lang ako sa balkonahe o kaya'y sa kwarto habang umiinom ng kape. At kapag gabi naman ay nanunuod ako ng mga movies sa kwarto ko bago matulog. Sa isang linggo na ang pasukan kaya naman nagdesisyon akong pupunta sa Hulo mamayang tanghali para bumili ng mga kakailanganin kong gamit. Ngayon ay nasa terasa ako at sinamahan si Grandma na tumambay sa paborito niyang parte ng mansion.
Mahigit dalawang buwan na ako rito pero hindi ako nakaramdam ng pagkainip. Sino ba naman kasi ang makakaramdam ng pagkainip kung ganito ang nakapaligid sa'yo. Preskong hangin at matatayog na puno. Kahit nasanay ako sa syudad ay hindi ko masyadong hinanap ang mga kakulangan sa lugar na ito. Dahil may mga bagay na mayroon dito na wala sa syudad. At iyon ay katahimikan.
"Hindi nauubusan ng mga corny jokes ang Grandpa mo kaya naman araw-araw akong tumatawa..." Natutuwang kwento ni Grandma.
Napangiti ako. Kinukwento niya lahat ng masasayang araw nila noon ni Grandpa. Nakakamangha dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Grandma sa kaniyang asawa. Na kahit ilang taon nang wala si Grandpa ay hindi niya ito nakakalimutan. Naisip ko tuloy kung naaalala pa kaya ni Daddy si Mommy. Maybe, yes?
"You really love him, huh..." Mangha kong sinabi.
Tumawa siya at tumango. Nakatingin siya sa mga halaman kaya napatingin na rin ako roon.
"He always makes me happy. Mahaba ang pasensya niya sa'kin at palagi niya akong iniintindi kahit mahirap akong intindihin."
Habang sinasabi niya iyon ay may bahid ng lungkot ang kaniyang mata. Para bang napakaraming ginawa ni Grandpa sa kaniya noon. Marami na akong nababasa tungkol sa mga pag-ibig na ganito at palagi kong hinihiling na sana ay mangyari rin sa'kin 'yon. Napakasarap sigurong mabuhay sa mundong ito kung may taong nagmamahal ng tunay sa'yo.
Tiningnan ako ni Grandma at binigyan ako ng panibagong ngiti.
"Sabihin mo agad sa'kin hija kung may manliligaw ka na ha!"
Hilaw akong ngumiti kay Grandma. Hindi pa nga nagsisimula ang klase at wala pa akong kakilala rito, may mga ganito na siyang ideya.
"Don't be shy. I want to meet your future suitors. Kikilalanin ko at baka katulad lang iyan ni Charles." Tumawa siya sa huling sinabi.
Napailing na lang ako at tumawa na rin.
Naisip ko tuloy ang mga dati kong manliligaw noon. Marami silang nagtangka pero hindi ko pinagbigyan. Lahat sila ay may mga masasabi sa syudad. Galing sa mga magagandang pamilya pero kahit ganoon, wala akong pinagbigyan. I didn't give them a chance to express themselves.
Wala akong panahon sa pag-ibig noon hanggang ngayon. Magmula noong tumungtong ako ng high school ay nagkaroon na ako ng mga manliligaw. Siguro kung buhay pa si Mommy ngayon, baka pinagbigyan ko ang sarili ko noon. She wanted me to have a boyfriend even though I'm still young for that. Sabi niya kasi, kapag maaga akong magsisimula sa pag-ibig, maaaring maaga kong mahanap ang lalaking para sa'kin. Katulad ng nangyari sa kanila ni Daddy. Mapait akong ngumiti habang inaalala ko ang mga payo ni Mommy sa'kin. I miss her so much!
Nagdesisyon kaming kumain ni Grandma rito sa terasa kaya naman dito dinala ni Manang Cora ang mga pagkain. Pumunta rin ako sa kusina at kumuha ng prutas. Kinuha ko rin ang gatas na nasa ref para kay Grandma. Masaya kaming kumakain ni Grandma habang nag-uusap sa kung anu-anong bagay. Having a conversation with her makes me happy. Marami akong natututunan sa kaniya. Panigurado akong sa kaniya nagmana si Mommy.
Pagkatapos naming kumain ni Grandma ay pinainom ko na siya ng gamot. Kapag nasa hospital si Ate ay ako ang nagpapainom ng gamot sa kaniya. Nakapagpahinga na rin siya kaya naman hinatid ko na siya sa kaniyang kwarto para makatulog na siya.
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...