Kabanata 23

673 27 1
                                    

Unti-unti kong minulat ang mata ko nang maramdaman ang mga haplos sa aking pisngi. Bumungad sa aking paningin ang kalmadong mukha ni Forrest. Nakatitig siya sa aking labi at nang makitang gising na ako ay saka niya nilipat ang tingin sa aking mata.

"Ang himbing ng tulog mo." Bulong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti. 

"Anong oras na?" Marahan kong tanong at pumikit ulit.

Nagpatuloy naman ang paghaplos niya sa aking pisngi. Nakaupo siya sa aking gilid.

"Three thirty-five." 

Minulat ko ulit ang mata ko at tiningnan siya. Tama siya, naging mahimbing ang tulog ko. Binaba ko naman ang kamay ko sa aking puson. Makirot pa rin pero hindi na katulad kanina na masakit talaga. Mabuti na lang at nagising ako kanina para magpalit ng pad. Pagkatapos ay nakatulog ulit ako.

"Masakit b-ba?" Tanong niya kaya naman tiningnan ko siya.

Umiling naman ako. "Hindi na gaano." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at dahan-dahang bumangon at umupo. Nakatingin lang naman siya.

"Si Cindy nga pala?" Tanong ko nang biglang maalala ang kaibigan ko.

"Nasa kwarto ni Carlos."

Kumunot naman ang noo ko.

"Anong ginagawa nila roon?"

Kumunot din ang noo ni Forrest. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos-haplos ito. Pakiramdam ko tuloy, paborito niya itong gawin sa akin.

"Natutulog."

"Natutulog lang?" Muli kong tanong.

Napailing naman si Forrest.

"Huwag kang mag-alala. Safe ang kaibigan mo sa pinsan ko."

Ngumuso ako at hindi na nagsalita. Kahit naman hindi ko masyadong nakakausap si Carlos ay alam kong mabait siya at walang gagawin na masama sa kaibigan ko. Nilingon ko ang balkonahe niya na nakabukas na ngayon ang pintuan. Walang kurtina iyon kaya naman kitang-kita ko mula rito ang mga malalaki at matatayog na puno. 

Napatingin ako sa binti ko at sa paa ko na wala ng foot sock.

"Tinanggal ko 'yong foot sock mo..." 

Hindi ko naalala na pinagmamasdan niya pala ako. Tumango na lang ako at kinapa ang sugat ko sa siko. Nagulat naman ako nang may band aid na ang pareho kong sugat. Hindi ko na siya tiningnan dahil alam kong siya rin ang may gawa nito. Sobrang himbing nga talaga ng tulog ko dahil hindi ko naramdaman ang paglilinis niya ng sugat ko. 

"Salamat nga pala sa paglinis ng sugat ko..." Mahina kong sinabi.

"Walang anuman, Chandria." 

Nanatili akong nakayuko at hindi na lang pinansin ang titig niya. Kinakabahan talaga ako lalo na kapag seryoso siyang nakatitig sa akin. Para bang ang dami niyang iniisip tungkol sa akin...

"Tuloy pa ba tayo sa mansion ni'yo?" Basag niya sa katahimikan.

Bumuntong hininga naman ako. Gusto ko sanang huwag na lang muna ngayon dahil sa nangyari kaso lang ay anong oras na. Hindi agad ako nakapagsabi kay Grandma at sa kapatid ko kaya alam kong inaasahan na nila mamaya si Forrest. Dapat nga ay kanina pa dapat kami nasa mansion kaya lang hindi naman ako nagising sa tamang oras kanina. Mag-iisip na lang ako ng dahilan.

"Inaasahan ka na nina Grandma at Ate kaya talagang tuloy na tayo..." 

Tumango naman siya. 

"Okay, Chandria!"

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon