Kabanata 6

1K 32 0
                                    

Nakalayo na ako sa kanila at nakaliko na rin ako sa pakanang daan pabalik na sa mansion. Ibang daan na 'tong tinatakbo ko ngunit pabalik pa rin naman sa mansion, at hindi na ako dadaan sa kung saan ako nanggaling. Habang pabalik ay iniisip ko kung saan ko ba nakita ang lalaki kanina. Hindi ko matandaan kung kailan ako naging sobrang kabado dahil lang sa titig. Tumigil muna ako sa pagtakbo at naglakad muna habang iniisip pa rin kung saan ko nakita ang lalaki kanina.

Hindi ako pwedeng magkamali! Nakita ko na talaga siya. Hindi ko lang maalala kung kailan at saan. Nang magkatinginan kami kanina ay pakiramdam ko parang kilala ko ang mga titig niya. Parang pamilyar ito sa akin at parang...

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdamang mayroong tao sa aking likuran. Hindi ako nagdalawang isip na lumingon at laking gulat ko nang siya iyon! Ang kaniyang dalawang kamay ay parehong nakasuksok sa bulsa ng kaniyang jeans. Tumaas ang tingin ko sa kaniyang mga mata at bumalik ang kabang nararamdaman. 

Hindi ko alam kung titigil ako o ipagpapatuloy ang paglalakad o pagtakbo. Pinatay ko ang music pero hindi ko tinanggal ang earphone sa aking tainga. Pasimple kong sinuyod ang paligid at wala akong makitang bahay o tao man lang. Ang nakikita ko lang ay mga puno, kawayan at malalawak na lupain na may mga tanim na iba't-ibang gulay. Hindi ko alam kung natatakot ba ako na nasa likuran ko siya o dahil sa titig niya...

"Saan ka pupunta?" Bigla niyang tanong. 

Ang lamig-lamig ng kaniyang boses.

Hinawi ko ang buhok ko at pinanatili iyon sa kaliwang balikat ko pagkatapos ay nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatitig sa'kin habang nakasunod pa rin. Hindi malayo ang distansya namin at hindi rin naman malapit, sakto lang para marinig ang isa't-isa.

Kahit wala akong ideya kung bakit nakasunod siya sa'kin ay sinagot ko pa rin ang nakakagulat niyang tanong.

"Babalik na." Marahan kong sinabi.

Hinintay kong magsalita ulit siya pero tumango lang at seryoso pa rin akong tiningnan. Nag-iwas naman ako ng tingin at humarap ulit sa daan. Bakit kaya siya nakasunod? Bakit niya ako kakausapin na parang kilala niya ako? Ganito ba talaga rito?

"Palubog na ang araw, tumakbo ka na at umuwi." 

Dahil sa kaniyang sinabi, napatingin ako sa kalangitan at papalubog na nga ang araw. Hindi napansin iyon dahil mas natuon na ang atensyon ko sa kaniya. Hindi ako nagsalita at inisip kung tatakbo ba ako o hindi. 

Hinihingal pa ako...

"Delikado ritong magisa..." Sabi niya ulit. Na parang makukumbinsi niya ako roon.

Nilingon ko ulit siya. Hindi nagbago ang distansya namin. Hindi pa naman madilim kaya kitang-kita ko pa ang kaniyang mukha. Saan ko nga ba siya nakita?

Nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa lupain na may mga tanim na gulay.

E, anong ginagawa niya rito kung delikado nga? Mag-isa rin naman siya, ah! Dapat umuwi na rin siya! Ngumuso ako sa mga naiisip. Nakalimutan na lalaki naman siya at kaya naman niya ang sarili niya kaysa akin.

"Parang hindi naman..." Mahina kong sinabi, sapat lang para marinig niya.

Galit niya akong tiningnan. Namangha ako kaya naman naglihis ako ng tingin at humarap ulit sa daan. Ngayon ay nakangiti na ako at hindi ko alam kung bakit...

"Huwag kang makulit! Tumakbo ka na." 

Napakaseryoso naman nito!

"Kung delikado nga, e ano pang ginagawa mo riyan? Mag-isa ka rin naman kaya kailangan mo na ring umuwi." Sinabi ko iyon habang naglalakad at nakaharap sa daan.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon