Kabanata 11

873 31 0
                                    

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakapagpalit na ako ng damit at naka-ipit na rin nang mataas ang buhok ko. I'm wearing a black leggings and white racerback. Tiningnan ko ang orasan at alas kwatro na ng hapon. Bumaba na ako at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Ilang sandali pa akong natulala habang umiinom ng tubig. 

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Napa-iling ako at pinilit na huwag masyadong isipin iyon. Ano naman kung naroon siya 'di ba? Hindi naman ako hihinto sa pagtakbo para lang makausap siya, 'no! Hindi ako ang dapat lumapit sa kaniya. 

"Huwag ka masyadong magpapagabi, hija!" 

Tumango ako kay Grandma. Nandito siya sa terasa at kasama si Manang Cora.

"Alis na po ako." Sabi ko at humalik na sa kaniyang pisngi.

Lumabas na ako at nakabukas na agad ang gate. Alam kasi ni Mang Repil na lalabas ako kaya binuksan niya na agad. Napalunok ako habang tinitingnan ang daang tatakbuhin ko.

Chandria, umayos ka! Wala siya roon! Wala!

Nilingon ko ang daang nilagpasan ko at talagang nakalayo na ako sa mansion. Habang tumatakbo ay unti-unting kumakabog ang dibdib ko. Malapit na ako sa lugar kung saan ko siya nakita. Malapit na ako...

"Ha!" Iyon ang lumabas sa bibig ko nang makakita ng isang sasakyan na nakahinto sa tapat ng kanilang lupa.

Hindi pamilyar ang sasakyan at mukhang hindi sa kaniya ito. Kinakabahan man ay pinagpatuloy ko ang pagtakbo at nakatitig lang sa itim na sasakyan. Hindi ito 'yong ginamit niya noon. 

"Chandria!" 

Mabilis akong napatingin sa bandang kaliwa ko at nagulat sa nakita. Hindi ko inaasahan na makita ang tatlong ito ngayon. 

Napalunok ako at mas lalong kinabahan nang makita ko ang malamig niyang titig sa'kin. Akala ko hindi ko na siya makikita pa. Akala ko hindi ko na muling makikita ang mga mata niya.

"K-Kylo..." Utal kong sinabi.

Shit, Chandria!

"Dito ka pala nagjo-jogging? Araw-araw?" Tanong niya at saglit tiningnan ang kaniyang pinsan na kanina pa ako tinititigan.

Ang kambal naman ni Halton ay blangkong nakatingin sa'kin. Noong una, akala ko si Halton siya. Kung hindi lang siya nakasuot ng eye glasses ay baka iisipin ko na nga'ng si Halton siya.

"Uhm... hindi naman araw-araw. N-Ngayon lang ulit." Habang sinasabi ko iyon ay iniiwasan kong mapatingin sa kaniyang pinsan.

Pakiramdam ko'y mahihimatay ako dahil sa sobrang kaba. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na ako tumuloy. 

"Kilala mo siya?" Tanong ng kambal ni Halton.

Ngumisi naman si Kylo at tiningnan ang pinsan niya.

"Yup! Matalik na kaibigan ni Thunder." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tiningnan niya ang isang pinsan.

Hindi ako nagsalita at hindi ko rin inaalis ang tingin kay Kylo. 

"Mauuna na ako sa sasakyan." Malamig niyang sinabi at naglakad na palayo. 

Natawa naman si Kylo sa sinabi ng kaniyang pinsan. 

"By the way, this is Dalton. Halton's twin." Pagpapakilala ni Kylo.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto ng sasakyan at malakas na pagsara nito. RUDE! 

Pinilit kong ngumiti kay Dalton. Tumango siya at ngumiti rin.

"Sige. Alis na ako." Tipid kong paalam sa dalawa. 

Hindi ko na hinintay na magsalita si Kylo o si Dalton at iniwan na sila roon. Nilagpasan ko ang sasakyan nang hindi ito tinitingnan. 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon