Kinabukasan ay tinupad na nga ni Thunder ang sinabi niya. Siya na ulit ang bumili ng aming pagkain at sabay na ulit kaming kumain. Sina Carlos ay kumakain na rin sa kabilang table.
"Hay salamat! Thank you, Thunder!" Nakangising sinabi ni Cindy habang kinukuha niya ang pagkain niya.
Nilingon naman ako ni Thunder at nilahad ang pagkain ko. Ngumiti ako sa kaniya bago tanggapin iyon.
"Anong thank you? May bayad na 'yan!" Biro niya kaya naman natawa ako.
Inirapan ni Cindy si Thunder pero natawa na rin sa huli.
"Ikaw talaga..." Pabirong hinampas ni Cindy si Thunder.
Hindi lumihis si Thunder kaya naman ang braso niya ang natamaan. Natawa naman ako.
"Hindi ako tatablan niyan. Liit-liit ng kamay mo eh parang mukha mo."
Natawa naman kaming dalawa ni Cindy. Hinawi niya ang buhok niya.
"Maganda naman ako."
"Mas maganda si Chandria." Sabi ni Thunder pagkatapos ay tiningnan ako.
Napangiti na lang ako at hindi na nilingon si Thunder.
"Pareho naman kaming maganda ni Cindy..." Sabi ko.
Tumango si Cindy.
"Oo nga, Thunder. Saka sasabihin mo talaga 'yan kasi gusto mo si Chandria." Walang prenong sinabi ni Cindy.
Natigilan ako pero nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain. Inaasahan kong tatawa si Thunder pero hindi. Nanatili siyang seryoso at umayos sa pagkakaupo.
"Ay! Joke lang..." Pagbawi ni Cindy nang matauhan siguro.
Tahimik akong ngumuya at hindi na lang nagsalita.
"Totoo naman 'yon." Seryosong sinabi ni Thunder.
Napalunok ako at hindi na lang siya tiningnan kahit na gustong-gusto ko siyang tingnan. Kaibigan ko siya at mahal ko si Thunder. Pero 'yong pagmamahal na iyon ay bilang isang kaibigan lang. Hindi na lalagpas o magbabago.
"Kaya lang hindi niya ako gusto..." Dagdag niya pa.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nilingon ko na siya na nasa tabi ko lang. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay at nagawa niya pang ngumisi.
"Oh? Hindi kita inaano riyan!"
Umiling ako at inirapan na lang siya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at silang dalawa na lang ni Cindy ang nag-usap at nagbiruan.
Sa totoo lang, wala talaga akong masabi. Gusto ko na lang mambabae nang mambabae si Thunder nang sa ganoon ay hindi sasakit ang ulo ko. Kaibigan ko siya at ayaw kong saktan siya.
"Grabe si Thunder 'no? Hay nako! Dapat matagal ka na niyang niligawan eh. Tingnan mo ngayon, naunahan siya ni Forrest." Sabi ni Cindy.
Tapos na ang klase namin at pababa na kami ng hagdanan. Hindi ako nagsalita at nakikinig lang sa kaniya.
"Pero ang tanong... kung sinabi ba niyang manliligaw siya, may pag-asa?"
Natigilan ako sa tanong ni Cindy. Mabait si Thunder at maswerte ang mga taong magiging malapit sa kaniya dahil sa maganda niyang ugali. Gwapo siya at masipag. At higit sa lahat, siya mismo ang naghihirap sa kung anong mayroon siya ngayon. Katuwang niya ang kapatid niya sa negosyo nila. Kaya wala nang hahanapin ang isang babae na wala kay Thunder.
"Huy ano?" Tanong ulit ni Cindy.
Nagkibit-balikat ako.
"Ewan..."
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...