Kitang-kita ko ang pagiging kabado ni Cindy kaya naman nanatili kami sa loob ng sasakyan ko. Umalis na rin ang magpipinsan at hindi ko muna pinatakbo ang sasakyan dahil sa nakita kong reaksyon ni Cindy nang marinig ang banta sa kaniya ni Carlos. Naguguluhan man ako pero may ideya na ako. Sa paraan pa lang ng pag-titig ni Carlos sa kaniya.
Pinagmasdan ko si Cindy na nakatulala lang at halatang maraming iniisip. Gusto ko siyang tanungin tungkol doon pero pinigilan ko ang sarili ko. Rinig na rinig ko ang marahas niyang pag-hinga. Magulo na rin ang kaniyang bangs pero hindi niya ito inaayos.
Nilingon niya ako at kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi.
"Single ka ba?" Biglaan niyang tanong.
Nagulat ako sa tanong niya para sa'kin kaya hindi ako agad nakasagot. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon.
"Hindi ka single? May boyfriend ka, Chandria?" Tanong niya ulit.
Umiling ako.
"What kind of question is that, Cindy?" Nakangisi kong sinabi.
Ilang minuto siyang hindi nagsalita at ngayong nagsalita na siya ay ganoon pa ang tanong niya... para sa akin.
Pinadyak niya ang kanang paa at tila naiinis sa sagot ko.
"Ugh! Nakakainis si Carlos. Kaya nga ako umalis noong bakasyon para makalimutan ang ginawa niya tapos ngayon..." Naiirita niyang sinabi.
Nakatingin lang ako sa kaniya at napagtanto kong tama ang iniisip ko mula pa kanina.
"Gusto ka ba niya?"
Tiningnan niya ako at bahagyang galit. Siguro dahil sa tanong ko.
"Hindi. Hindi niya ako gusto. A-Ako lang naman ang may gusto sa kaniya." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata.
Kumunot ang noo ko. Hindi siya gusto ni Carlos? Parang hindi naman... base sa nangyari kanina. Bakit sasabihin iyon ni Carlos kung hindi niya gusto si Cindy? Napailing ako. Magpinsan nga sila!
"Sinabi niya ba?"
Napalunok siya at pinunasan ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi.
"Maraming beses, Chandria." Basag ang kaniyang boses habang sinasabi niya iyon.
Tuloy-tuloy na ang kaniyang pag-iyak at wala akong magawa kundi pagmasdan lang siya at makinig sa kwento niya. Hindi pa kami lubusang magkakilala pero komportable niyang ibinahagi ang pagkakaroon niya ng gusto kay Carlos at naisip ko agad na maswerte ako dahil sinasabi niya sa'kin iyon.
"Siya ang rason kung bakit dito ako nag-aral. Noong nakita ko siya, nahulog agad ako."
Hindi ako makapaniwala na gusto niya talaga si Carlos. Kahit hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa kanila ay alam kong mabuti silang tao. Lahat ng mga babae ay humahanga sa kanila kaya hindi na dapat ako magtataka na kahit si Cindy ay may gusto kay Carlos.
Umalis na kami sa eskwelahan at sinabi niya kung saan ang kanilang bahay. Nabawasan ang kaniyang pagiging madaldal. Hinayaan ko lang naman siya. Tinigil ko ang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Malaki ang kanilang bahay at light color ang pintura. Mataas rin ang kanilang gate pero hindi masyadong tago ang kanilang bahay kaya naman makikita mo pa rin ang kanilang garahe at ang garden.
Nilingon ko siya at nakita kong pinagmamasdan niya ako. Ngumiti siya sa akin.
"Masyadong malaki ang bahay namin, ano!?" Nakangiti niyang sinabi at saglit na pinagmasdan ang kanilang bahay.
Ngumiti ako at tumango. Naalala ang aming bahay sa Manila.
"Gusto mong pumasok? Kain tayo, maaga pa naman."
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...