Kabanata 35

520 20 0
                                    

Sabado ngayon kaya naman wala kaming pasok ni Cindy. At dahil parehong may pasok ang boyfriend namin, nagdesisyon siyang pumunta rito sa mansion. Wala naman kami masyadong gawain kaya nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Nasa kwarto ko kaming dalawa.

"May facebook na siya?" Nakangising tanong ni Cindy.

Tumango ako. Lumapit ako sa kaniya at dinungaw ang cellphone niya na nasa facebook. Hinanap niya ang facebook ni Forrest at mabilis niya namang nahanap. Pinindot niya iyon at kitang-kita ko ang pag-ngiti ni Cindy nang makita ang profile picture ni Forrest.

"Naks naman!" 

Tumawa ako at bumalik na sa aking pwesto. Pareho kaming nasa kama.

"Ni-add ko siya ha! Accept niya kamo ako." Natatawang sinabi ni Cindy.

Tumango ako. "Si Carlos ba walang facebook?"

Ibinaba ni Cindy ang kaniyang cellphone. Tumagilid siya nang higa para maharap ako. Nasa kaliwang gilid siya ng kama at ako'y nasa kanan naman kung saan nakaharap sa balkonahe.

"Naku, Chandy! Wala namang kainteres-interes si Carlos sa mga ganiyan. Ewan ko ba sa jowa ko!"

Tumango naman ako. "Hayaan mo na! Baka ganoon talaga, Cindy."

Nagkibit balikat lamang si Cindy. 

"May patubig kayo 'di ba?" Tanong niya pagkatapos ng ilang sandali.

Tumango ako sabay angat ng tingin sa kaniya.

"Swimming kaya tayo?" 

"Sa patubig namin? Oo, pwede naman kaso nasa dulo pa iyon ng mansion."

"Okay lang, Chandy. Swimming tayo... mamaya pa naman uuwi ang dalawang iyon." Tumayo na siya. 

Ngumuso ako at tumayo na lang din para sundin ang gusto ng kaibigan kong inip na inip ngayong araw. 

"Pahiram ako ng swimsuit mo ha!" Sabi niya sabay bukas ng aking cabinet.

Tumango ako at pinagmasdan ang kaibigan habang pumipili ng swimsuit. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang tatlong swimsuit na hindi ko pa nagagamit. 

"Mamili ka riyan sa tatlo. Mga bago pa 'yan."

Ngumisi si Cindy at namili na nga. Kumuha na rin ako ng akin at pinili ko ang backless one piece na kulay itim. 

"Magpapalit na ako ha tapos baba na tayo. Magpasama na lang tayo kay Mang Repil." Sabi ko kay Cindy.

"Okay, Chandy." Sabi niya.

Pumasok na ako sa banyo at isinuot na ang swimsuit. Nag-suot din ako ng see through na kulay itim din. Nagsuot din ako ng maong short at huhubarin ko na lang iyon kapag nasa patubig na. Iniisip ko tuloy kung malinis ba ang tubig sa patubig ni Grandma. Hindi pa kasi ako nakakapunta roon. Basta ang alam ko'y hindi nawawalan iyon ng tubig kahit noong wala pang tanim sa lupain ni Grandma. 

Pinagmasdan ko si Cindy pagkatapos niyang lumabas ng banyo. Suot niya na ngayon ang napili niyang cut-out tie side one piece na kulay kahel. Ngumisi ako dahil bagay na bagay iyon kay Cindy. Nakasuot din siya ng see through at maong short.

Bumaba na kami at ipinaalam agad kay Grandma ang gusto naming gawin. Sinabi naman agad ni Grandma kay Mang Repil na samahan kami. Kaya ngayon ay patungo na kami sa patubig.

"Mabuti na lang at hindi nauubusan ng tubig doon." Si Mang Repil.

Nauunang maglakad si Mang Repil at nakasunod lang naman kami ni Cindy habang magkahawak kamay. Ang tanging dala lang namin ni Cindy ay isang bote ng pineapple juice at isang malaking piattos. 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon