Nakatingin ako sa mga puno habang iniisip ang babae. Tatlong linggo na ang lumilipas pero hanggang ngayon ay hindi siya maalis sa utak ko. Kahit may ginagawa ako ay naiisip ko pa rin siya. Paulit-ulit kong nakikita ang kaniyang magandang mukha sa tuwing pipikit ako at sa tuwing naaalala ko siya. Ngayon ko lang ito naramdaman at hindi ko maintindihan kung ano ito.
"Boss tapos na po!"
Napatingin ako kay Edgar. Tauhan namin siya rito sa aming lupain. Napatingin ako sa truck na punong-puno na ng mga gulay. Ipapadala iyon sa syudad at ang iba ay sa Hulo.
"Maraming salamat. Mag-iingat kayo!" Sabi ko kay Edgar.
Tumango si Edgar at sumakay na sa truck. Sumakay na rin si Alvin na isa rin sa aming tauhan. Sinundan ko ng tingin ang truck na umaalis.
Huminga ako nang malalim at tiningnan ang aming lupain na wala ng bunga ang mga tanim. Mariin akong pumikit nang maalala ko na naman ang araw na iyon. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa babaeng iyon. Gusto ko siyang makita ulit.
Tahimik akong umuwi sa aming bahay at ang pamilya ko ay nasa sala at nanunuod na naman ng palabas. Si Halton lang ang tumingin sa akin.
"Kumusta ang mga gulay?" Tanong ni Halton na nakasandal kay Katrina.
"Ayos naman. Idedeliver na sa syudad." Sagot ko naman.
Tumango si Halton at ibinalik ang tingin sa telebisyon. Umakyat naman ako sa aking kwarto. Humiga ako sa aking kama at nakatulala sa kisame habang iniisip ang babae. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nakakita ako ng babae ngunit kakaiba ang naramdaman ko sa babaeng iyon. Siya na yata ang pinakamagandang babae na nakita ko.
Lumipas ang mga buwan at kahit minsan, hindi siya nawala sa aking isip. May pagkakataon pa nga na parang kayang-kaya ko siyang mahanap o masundan ngunit pinipigilan ko lang ang aking sarili. Kahit na nararamdaman ko siya. Hindi dapat ganito ang aking nararamdaman. Hindi ko dapat siya iniisip.
Kaya naman sinubukan ko siyang kalimutan. Hinihiling ko na sana'y huwag ko na siyang makita dahil natatakot na ako sa aking sarili. Araw-araw, sinusubukan kong magpokus sa aking responsibilidad para huwag siyang maisip. Ngunit araw-araw akong nabibigo. Naiisip ko pa rin siya pero pinipilit kong huwag nang pansinin. Mahirap nga lang gawin.
"Forrest..."
Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Dalton. Nasa kusina kami ngayon at nagluluto ng kakainin namin mamayang gabi. Pinagtaasan ko ng kilay si Dalton.
"'Yong niluluto mo." Tinuro niya ang niluluto ko.
Napatingin ako sa niluluto ko at mabilis kong pinatay ang apoy. Muntik nang masunog. Kumunot ang noo ko at halos magalit na ako sa aking sarili.
"Matagal na kitang napapansin na ganiyan. May nangyari ba?" Seryosong sinabi ni Dalton.
Tinanggal ko ang apron at tiningnan si Dalton. Umiling na lang ako. Hindi niya pwedeng malaman o kahit sino sa kanila na nagkakaganito ako dahil sa babaeng isang beses ko lang naman nakita.
"Tungkol ba sa trono?" Tanong ulit ni Dalton.
Umiling ulit ako at iniwan na lang siya roon. Mabilis akong nagpunta sa aking kwarto at hinawakan ang aking ulo nang makita ko na naman ang kaniyang mukha. Pakiramdam ko'y nababaliw na ako.
Lumipas pa ang ilang buwan at hindi nagbago ang aking nararamdaman. Ang babaeng iyon pa rin ang laman ng aking isip.
"Hi Forrest!"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang bati ng isang babae. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Tapos na ang klase ko kaya naman uuwi na ako. At sa tuwing uuwi ako, palagi ko na lang napapansin ang tingin ng mga kababaihan. Mas lalong kumunot ang aking noo nang may naisip.
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...