Nang umalis si Thunder ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paano ko sasabihin kay Grandma na aalis kami at kasama siya? Hindi papayag si Grandma na iwan ang lugar na ito. Saan kami pupunta kung aalis nga kami rito? Napakalabo naman yatang mangyari iyon. At isa pa, hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral. Marami pa akong dapat ayusin.
Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita kong si Arisse ang tumatawag. Alam ni Arisse ang numero ko pero hindi siya kailanman tumawag sa akin o nagtext. Ngayon pa lang.
Pumikit ako nang mariin bago iyon sinagot.
"Chandria..." Sabi niya nang sagutin ko ang tawag.
"Bakit, Arisse?"
Hindi siya agad nakapagsalita. Pinakinggan ko naman ang ingay sa kaniyang paligid. Naririnig ko ang boses nina Kylo at Halton.
"Kailangan mo nang umalis sa lugar na ito. Isama mo rin ang buo mong pamilya." Seryosong sinabi ni Arisse.
Hinilot ko ang noo ko. Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari. Paano ko sasabihin ito kay Grandma at sa kapatid ko? Paano ko sila mapapapayag na umalis kami nang hindi ko sinasabi ang kapahamakan na maaaring mangyari sa amin?
"Arisse hindi ko talaga alam ang gagawin ko. I-Imposible na pumayag ang pamilya ko na umalis kami rito." Nahihirapan kong sinabi kay Arisse.
"Kami na ang bahala sa pamilya mo. Pupunta na kami riyan."
Hindi na ako nakapagsalita dahil pinatay agad ni Arisse ang cellphone. Tinakpan ko ang aking bibig dahil sobrang stress na stress na ako sa lahat. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Buti sana kung ako lang ang mapapahamak, e, kaso hindi. Madadamay ang pamilya ko kaya kailangan kong magtiwala sa sinabi ni Arisse. Sila na ang bahala? Ano naman kaya ang gagawin nila?
Ilang sandali ang lumipas nang may marinig akong mga sasakyan. Tumakbo ako sa balkonahe at nakita ko ang kanilang sasakyan. Ang sasakyan ni Dalton at ni Kylo. Lumabas ako sa kwarto at nagmamadaling bumaba. Hindi ko na pinansin ang tawanan nina Grandma at Manang Cora mula sa kusina. Hindi ko na rin makita ang kapatid ko at nagtungo na sa gate. Pinagbuksan ko sila.
Lumapit agad si Arisse sa akin. Sina Kylo at Halton ay pinagmamasdan ang mansion. Si Dalton ay seryosong nakatingin sa akin.
"Kailangan ni'yong umalis. Nalaman na ng aming pinuno ang tungkol sa inyo ni Kuya Forrest."
"Arisse hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi papayag si Grandma na iwan ang lugar na ito-"
Pinutol ni Halton ang sinasabi ko.
"Mapapapayag namin siya. Ganoon din ang kapatid mo. Kami ang bahala."
Kumunot ang noo ko. "Paano ni'yo gagawin 'yon?"
Ngumisi si Halton. "Baka nakakalimutan mong Bampira kami? Kaya naming burahin ang alaala ng isang tao at mapasunod sila sa amin."
Hinawakan ni Arisse ang mga kamay ko.
"Hindi namin alam kung kailan darating ang aming pinuno at mga alagad niya rito kaya kailangan ni'yo nang umalis. Kaya namin kayong protektahan pero m-mahihirapan kami."
Pumikit ako nang mariin.
"Nasaan si Forrest?"
Nagkatinginan ang kambal. Huminga nang malalim si Kylo at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Nasa bahay si Kuya Forrest, Chandria. Nandoon na ang mga magulang namin. Nalaman na rin nila ang nangyari kaya umuwi agad sila." Malungkot na sinabi ni Arisse.
"Magdesisyon ka na, Chandria. Gustong-gusto kang puntahan ni Forrest at mahirap siyang pigilan. Kung wala ang mga magulang namin ay baka nagpunta na siya sa'yo kagabi pa lang noong nalaman namin na alam na nga ng aming pinuno ang tungkol sa inyo." Si Dalton ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...