Wakas

1K 24 1
                                    

Bumukas ang mga mata ko at unang bumungad sa'kin ang lalaking mahal na mahal ko. Mabilis akong napabangon nang maghabol ng hinga. Para akong tumakbo nang malayo sa sobrang hingal. Naramdaman ko naman ang mahigpit na hawak sa aking kamay. Napatingin ako kay Forrest habang patuloy sa paghingal. 

"Chandria..." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. 

Ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti rin ako ngunit mabilis na kumunot ang noo ko nang maramdaman ang kagustuhang uminom ng dugo. Pumikit ako nang mariin at ginulo ang aking buhok. 

"Anong nangyayari sa kaniya?" Rinig ko ang pagkataranta ni Forrest.

"Kailangan niya ng dugo." Boses ni Carlos iyon. "Ganiyan din ang reaksyon ni Cindy nang magising siya." Dagdag pa niya.

Nagpatuloy ako sa paggalaw at ilang sandali lang ay may inabot sa'kin si Hugo na isang bote. Mas lalo akong nanabik nang makita ang dugo. Kinuha ko iyon at tuloy-tuloy kong ininom. Nang maubos ko ay saka lamang ako kumalma. Mabilis akong napatingin kay Forrest nang punasan niya ang bibig ko. Nagkatinginan kami at ngayon ko lang naisip ang ginawa ko. 

Hindi ko alam kung ilang araw ako nawalan ng buhay. At ngayon ay ibang-iba na ang aking nararamdaman. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng aking katawan at ang mabilis kong pakiramdam. Kung magpopokus ako ay maririnig ko ang mga usapan ng mga taong malalayo sa akin. At ang bawat kaluskos sa aking paligid ay naririnig ko. 

Tiningnan ko ang katawan ko na payat pa rin. Hindi na ako tao. Isa na akong Bampira. Ibinalik ko ang tingin kay Forrest na ngayon ay titig na titig sa'kin. Ngumisi ako sa kaniya at marahas siyang hinigit at niyakap nang mahigpit. 

"I love you..." Bulong ko sa kaniya. 

Niyakap niya ako nang mahigpit at patatagalin ko na sana ang aming yakapan nang maalala ang mga anak namin. Kumalas ako sa yakapan namin. 

"Ang mga anak natin?" Tanong ko agad.

Ngumiti si Forrest at marahas akong hinila patayo. Tiningnan ko naman ang suot kong bestida at wala akong maramdaman na kahit anong sakit sa parte ng aking katawan. Isa-isa kong nginitian ang mga pinsan ni Forrest at si Cindy na nakangiting nakatingin sa'kin. Nahagip ko naman si Francisca na nakangiti rin at bahagyang naluluha. Ngumiti rin ako sa kaniya bago ako tuluyang hatakin ni Forrest para puntahan ang mga anak namin.

Magkahawak-kamay kami ni Forrest at nang makababa kami ay sabay naming narinig ang iyak ng anak namin. Nagkatinginan kami ni Forrest at dahan-dahan naming nilapitan ang isang malaking itim na crib. At namangha ako nang makitang nakatingin na sa amin ang mga anak namin. Nilingon ko si Forrest na nakangiti habang lumuluha. Tiningnan niya rin ako. 

"Magiging buo na tayo..." Sabi niya at hinalikan ako sa aking noo.

Tumango ako at muli naming tiningnan ang dalawang anak namin. Lalaki at babae sila kaya naman Athanasius at Athanasia ang pangalan nila. Iyon ang naisip ko dahil sa kahulugan ng pangalan. Buhay na walang hanggan. 

Napansin ko rin na mabilis ang kanilang paglaki. Parang isang taong gulang na sila. 

"Ilang araw akong walang buhay?" Tanong ko kay Forrest nang hindi inaalis ang tingin sa anak naming si Atanasius. 

Tahimik lang si Athanasius habang nakatitig sa'kin. Si Athanasia naman ay mahinang humihikbi pagkatapos ng pag-iyak. Kay Forrest nakatingin si Athanasia. 

"Mahigit dalawang buwan." Seryosong sinabi niya sabay tingin sa'kin.

Tiningnan ko siya. Malungkot siyang ngumiti sa'kin. 

"Ngayon ko lang din nakita ang anak natin pagkatapos mo silang ipanganak." 

Bahagyang kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Hinawakan niya ang pareho kong kamay.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon