Kabanata 39

460 14 0
                                    

Pagkatapos ng nangyaring iyon, naging mahirap sa akin ang lahat. Ang bago naming lugar, tahanan, paligid at mga taong kasama namin sa bahay. Bumalik sa normal sina Grandma at Ate Celine. Hindi na rin nila naaalala ang mga Ford dahil tinanggal nga mga ito ang memorya nina Ate at Grandma. Halos pitong taon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa'kin ang lahat. Parang kahapon lang ang nangyari. 

Napatingin ako kay Callie na abala sa panunuod ng paborito niyang cartoon movie. Nandito kami ngayon sa sala at parehong nakaupo sa sofa. 

"You want more milk, Callie?" Tanong ko sa aking pamangkin nang makitang ubos na ang gatas niya.

"Yesh, Tita please..."

Ngumiti ako at kinuha ang baso. Apat na taong gulang na si Callie at anak siya ni Ate Celine. Nakakatuwa nga'ng isipin dahil noong lumipat kami rito ay muling nagkita sina Ate Celine at Kuya Paul. Nagkabalikan at agad na nagpakasal at ang unang bunga ay si Callie. Malapit na malapit ako kay Callie dahil siya ang naging rason kung bakit naging masaya ulit ako. Hindi man sobrang saya pero masaya pa ring masasabi.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng fresh milk sa ref. Sa tatlong taon na narito kami ay nanatili kami sa bahay ng kapatid ni Grandma. Bumukod lang kami at bumili ng bahay nang nagpakasal na sina Ate at Kuya Paul. Dito ko na rin tinapos ang pag-aaral ko at ang masakit, hindi ko na maibalik ang pasyon ko sa pagtuturo. Kahit anong gawin at isipin ko, hindi ko na talaga kayang maibalik kaya naman nagtayo na lang ako ng negosyo rito sa New York. Isang maliit na book store. Hindi man malaki pero bumebenta naman.

Malaki ang nagbago sa akin. Kahit na mas matagal ang panahon na tinagal ko rito sa ibang bansa, hindi pa rin ako masanay. Napagtanto ko na ibang-iba ang Penaranda. Hindi kayang ibigay ng lugar na ito ang kayang ibigay ng Penaranda sa akin. Wala rito ang katahimikan na gusto ko. Wala rito ang simpleng buhay na gusto ko at lalong wala rito ang taong mahal ko.

Noong gabing umalis kami roon ni Thunder, iyon na rin ang huling alam ko tungkol kay Forrest. Hindi ko alam kung nasa Poland ba siya o nakabalik na sa Penaranda. Wala na akong alam tungkol sa kaniya at sa mga Ford. Tuwing tumatawag si Thunder ay hindi na namin pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari. Hindi niya rin naman sinasabi sa'kin ang tungkol sa mga Ford at hindi rin naman na ako nagtatanong pa.

"Daddyyy!" Rinig ko ang boses ni Callie.

Napangiti ako. Dumating na si Kuya Paul. Ibinalik ko na ang fresh milk sa ref at bumalik na sa sala. Naabutan ko ang mag-ama. Karga-karga na ngayon ni Kuya Paul si Callie na panay ang halik sa kaniya. Ngumiti ako habang pinagmamasdan sila. Inilapag ko na rin ang gatas sa lamesa.

"Where's your mom?" Tanong ni Kuya Paul kay Callie.

Ibinaba ni Kuya Paul si Callie sa sofa. 

"Warto, Daddy..." Sagot naman ni Callie at bumalik na sa panunuod.

Lumapit si Kuya Paul sa akin at nagbeso kami. 

"Kumusta ang Ate mo?" 

"Okay naman, Kuya. Nasa kwarto lang naman siya."

Tumango si Kuya Paul at dumiretso na nga sa kanilang kwarto sa pangalawang palapag. Buntis kasi si Ate Celine at maselan ang pagbubuntis niya. Konting galaw lang ay mabilis siyang napapagod at ang sabi ng doctor ay mahina ang kapit ng bata kaya naman tumigil na muna si Ate sa pagtatrabaho kahit na isang buwan pa lang siyang buntis.

Tumabi ako kay Callie at saktong tumunog naman ang cellphone ko. Nang nakitang si Thunder ay sinagot ko agad.

"Thunder..." 

Medyo maingay ang paligid kaya naman alam kong nasa factory siya. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang factory at lumalago na ito. Dalawang factory na ang naipatayo nina Thunder at Rain sa lumipas na taon. 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon