At dahil malapit nang matapos ang finals ay naging abala kami ni Cindy sa pagrereview. Nagdesisyon kaming tumungo muna sa bandang dulo ng eskwelahan at umupo sa isang bench na naroon. Kalat-kalat ang mga papel namin ni Cindy at pareho kaming nagbabasa.
Nilingon ko si Thunder na nasa tabi ko. Mukha siyang kawawang bata.
"Thunder?" Tawag ko.
Mabilis niya akong nilingon.
"Finals ni'yo na rin 'di ba?"
"Oo, bakit?"
Inirapan ko siya. Si Cindy ay natigil sa pagbabasa at napatingin na rin kay Thunder.
"Anong bakit? Gusto mo bang bumagsak ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Isang linggo ang finals namin tapos siya'y nakatunganga lang. Natawa si Thunder habang pinagmamasdan ako.
"Ba't ako babagsak?"
Muli ko siyang inirapan.
"Nagtatanong ka pa? Ba't hindi ka nagrereview? Wala ka man lang dalang bag at kahit anong papel para babasahin." Para akong kapatid na nagagalit sa kaniya.
Umiling siya at ngumisi.
"Sus! Kahit hindi ako magreview, papasa ako." Mayabang niyang sinabi.
Napailing ako at suko na sa kaniyang sinabi. Bahala siya!
"Huwag ko lang talagang mabalitaan na bagsak ka ha! Sasapakin ko talaga mukha mo."
Natawa siya. "Sige ba!" Paghahamon niya pa.
"Hay sana pala kaklase na lang kita, Thunder para hindi ako nagrereview rito." Sabat naman ni Cindy na hirap na hirap sa pagrereview.
"Hindi rin naman kita papakopyahin."
Natawa ako sa sinabi ni Thunder. Masasabi kong kahit papaano, mukhang bumabalik na si Thunder sa pagiging maloko. Ewan ko kung anong nakain niya pero nagpapasalamat ako sa kung ano mang pagkain ang nakain niya.
"Ang sama mo! Leche ka talaga! Ibili mo na nga lang kami ng pagkain." Iritadong sinabi ni Cindy.
Tumayo si Thunder kaya naman napatingin ako sa kaniya. Kumindat pa ang gago!
"Okay. 'Yon naman talaga ang gagawin ko." Sabi niya at umalis na.
Nagtungo na siya sa canteen. Yumuko ako at tinuon ulit ang atensyon sa pagbabasa. Ganoon din si Cindy na nasa tatlong pahina pa lang ng papel. Sampung kopya ang binabasa namin dahil ito raw ang lalabas sa exam sabi ng tatlo naming prof.
Habang nagbabasa ay tumunog ang cellphone ko para sa isang text.
Forrest:
Saan kayo nagrereview? Kumain na ba kayo?
Mabilis akong nag-reply. Pareho kaming naka-indian sit ni Cindy.
Ako:
Nandito kami sa bandang dulo ng school.
Kakain pa lang. Bumibili na si Thunder ng pagkain. :)
Hindi ko muna binitawan ang cellphone ko dahil mabilis ang kaniyang reply.
Forrest:
Okay! Kumakain na rin kami. I love you!
Napangiti ako.
Ako:
I love you too!
Nagpatuloy ulit kami sa pag-review at natigil lang nang dumating na si Thunder. Marami siyang binili ngayon. May burger, fries, kanin at ulam. May pineapple juice rin na para sa aming dalawa at orange juice para kay Cindy.
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...