Kabanata 22

664 18 3
                                    

Nang malakabas ako sa gate ay mabilis ko rin iyong sinarado pagkatapos ay pumasok na sa kaniyang sasakyan. Tiningnan ko siya at ngumiti. Sinarado ko na rin ang pinto at hinarap siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko nang makita ang kaniyang itsura.

Hindi man lang kasi siya nakangiti. Seryoso lang ang kaniya mukha at para bang may iniisip na problema.

"Yeah..." Namamaos ang kaniyang boses. 

"Sigurado ka?" Tanong ko ulit. 

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon sa kaniyang kandungan. Hinaplos-haplos niya iyon pagkatapos ay tiningnan ako. 

"Nandito ka ngayon kaya walang rason para hindi ako maging okay, Chandria. "

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kaya siguro hindi ko pinagbigyan ang sarili ko noon sa isang relasyon ay dahil makikilala ko pa siya. At siya ang naging rason kung bakit nagbago na ang isip ko. Kung bakit naging handa ako. 

Sandali lang kaming nag-usap ni Forrest dahil malapit na rin si Ate Celine umuwi, ganoon din si Mang Repil. Sampung minuto lang siguro iyon pero sapat na sa akin. 

Tiningnan ko si Ate Celine na umupo na sa kaniyang silya. Si Grandma ay nakaupo na rin sa kabisera. Hinintay muna namin na makaupo sina Manang Cora at Mang Repil at nang makaupo na ang maag-asawa ay nagsimula na kaming kumain. Ngayon ko na kasi sasabihin ang tungkol kay Forrest. Hindi na ako makapaghintay na makilala nila si Forrest. 

"Uhm may sasabihin po sana ako..." Sabi ko nang tapos na nilang pag-usapan ang tungkol sa lupain.

Tiningnan naman ako nina Grandma at Ate. Kumunot ang noo ni Ate.

"'Wag mong sabihin na babalik ka sa syudad?" 

Natawa naman ako at umiling.

"Hindi, ate."

"Ano iyon, Chandria?" Nakangiting tanong ni Grandma.

Umayos naman ako sa pagkakaupo. Ang mag-asawa na nasa harapan ko ay seryosong nakatingin sa akin. Hinihintay rin nila ang sasabihin ko. Uminom muna ako ng juice bago nagsalita.

"May manliligaw na po ako." 

Una kong tiningnan ang reaksyon ng kapatid ko na napangiti agad. Si Grandma naman ay napatingin kay Manang Cora bago unti-unting ngumiti sa akin. Sinulyapan ko sina Manang Cora at Mang Repil na nagkatinginan. Parehong seryoso ang kanilang mukha at wala man lang reaksyon sa sinabi ko.

"Sino 'yan? Kaklase mo?" Excited na tanong ni Ate.

Umiling ako. 

"Hindi, ate. Iba 'yong course niya at sa Gapan siya nag-aaral."

Bahagyang kumunot ang noo niya.

"Paano kayo nagkakilala kung sa Gapan pala siya nag-aaral?" Nagtataka niyang tanong.

Tiningnan ko si Grandma na seryosong nakatingin sa akin pero ngumiti nang tingnan ko siya. 

"'Yong mga pinsan niya kasi ay schoolmate namin ni Cindy. Tapos 'yong lalaking gusto ni Cindy ay pinsan ng manliligaw ko. Marami sila, Ate. Ang hirap ipaliwanag pero mababait silang lahat. Sa Tumana lang din sila nakatira." Nakangiti kong sinabi.

Dahan-dahan namang tumango si Ate.

"Wala pa akong kilala na taga-rito sa Tumana. Baka si Grandma kilala iyon..." Sabay naming tiningnan si Grandma.

Pilit na tumawa si Grandma.

"What's their family name, hija?" 

Ngumiti naman ako kay Grandma. "Ford, Grandma. Kilala ni'yo po?" 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon