Kabanata 13

808 27 0
                                    

"Hi! I'm Fiona!" Naglahad siya sa'kin ng kamay at malaki ang ngiti.

She's very pretty! Matangkad siya at may mahaba ring buhok pero mas mahaba nga lang 'yong sa'kin. Makapal ang kaniyang kilay at matangos ang ilong. Maputi siya at kung titingnan mo ang kaniyang mukha, ay maiisip mong masungit siyang babae. Maganda rin ang hubog ng kaniyang balakang.

Napatingin ako kay Forrest na nakangisi lang sa kaniyang kapatid. Binaba ko ang tingin sa kaniyang kamay na naghihintay. Ngumiti ako at tinanggap iyon.

"I'm Chandria! K-Kaibigan ako ng kapatid mo..." Nahihiya kong sinabi dahil lahat ng kaniyang pinsan ay nakatingin na sa'kin.

Pakiramdam ko'y nagtataka sila kung bakit naging kaibigan ko ang pinsan nila pero normal naman ang mga mukha nila. Hindi halatang nagtataka.

Nagtaas ng kilay si Fiona nang marahang binawi ang kaniyang kamay. 

"Kaibigan ka lang talaga ng Kuya ko?" Parang hindi siya makapaniwala.

Biglang tumawa si Carlos. Nakaupo siya sa sofa at katabi niya si Katrina na walang kibo at nakatingin lang sa amin. 

"What's funny, Kuya?" Nakangising tanong ni Arisse na nasa kabilang sofa naman. Nasa gitna siya nina Kylo at Halton na parehong nakangisi.

Nagkatinginan kami ni Forrest. Alam ko na agad kung bakit natawa si Carlos. 

"Magkaibigan lang talaga kami." Sagot ko kay Fiona.

Ngumuso siya at inirapan ang kaniyang Kuya. 

"Ang bagal mo, Kuya!" Inis niyang sinabi at nilagpasan kami. 

Sinundan ko siya ng tingin habang umaakyat sa hagdanan. Napatingin pa siya sa'kin at ngumisi bago tuluyang makaakyat sa pangalawang palapag.

"Kanina ka pa rito?" 

Napatingin ako kay Dalton. Nakasuot siya ng board short at puting sleeveless shirt. May itim na tuwalya na nakasabit sa kaniyang leeg. Nakasuot pa rin siya ng eye glasses. Sa kanilang dalawa ni Halton, mas seryoso ang kaniyang mukha kaya naisip kong strikto talaga siya. Unang kita ko pa lang sa kaniya sa simbahan, iyon na agad ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi naman masyado..." Sagot ko. 

Tumango siya at tumungo sa malayong pintuan, doon pumasok si Forrest kanina kaya alam kong papuntang kusina iyon.

"Gusto mo bang kumain dito?" 

Napatingin naman ang mga pinsan niya sa'kin. Si Carlos lang ang hindi tumingin dahil nakatitig siya sa kaniyang cellphone at parang may hinihintay. Medyo malayo kami sa kanila dahil nasa tabi kami ng hagdanan at sila ay nasa sofa at nakaupo. Mahina naman ang pagkakasabi ni Forrest pero parang narinig nila iyon.

Tiningnan ko siya at binalewala ang tingin ng mga pinsan niya. 

"Siguro sa susunod na lang? Hindi ako nakapagpaalam kay Grandma kaya..."

Ngumuso siya pero tumango rin agad. Masaya ako sa kaniyang anyaya pero baka kasi matagalan ako rito. Walang alam si Grandma na nandito ako ngayon. Ayokong mag-alala sila ng kapatid ko.

Napatingin kaming dalawa kay Arisse nang tumayo siya. Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako. 

"Sa susunod, dito ka na kumain para mas masaya!" 

Dahan-dahan naman akong tumango. Hindi ako sanay na makausap siya. Pero nagustuhan ko ang kaniyang sinabi.

"Sige! Akyat muna ako, medyo napagod ako sa kakalangoy." Hinawakan niya pa ang kaniyang kulot na buhok at basa pa nga iyon. 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon