Kabanata 32

510 17 4
                                    

Ngayong araw ay sinundo niya ulit ako sa ekwelahan. Nasa sasakyan niya na kami at patungo na kami ngayon sa kanilang bahay. Pahinga raw muna sila ngayon ni Mang Repil sa pagtatanim. 

"Kumusta ang pagtuturo?" Nilingon niya ako at ngumiti.

Ngumiti rin naman ako.

"Okay lang naman. Makukulit pero nakakatuwa naman." Sabi ko naman.

Tumango naman. Nakatagilid ako at nakaharap sa kaniya. Nakasuot siya ng gray t-shirt at mas lumaki ang ngiti ko nang makita ang kwintas niya. Nang mapansin niya ang titig ko ay nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay. Kinagat ko ang labi ko at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Hmmm..." Rinig kong ungol niya. 

Hinalikan ko pa siya lalo at napatili ako nang walang kalakas-lakas niya akong pinaupo sa kaniyang kandungan. Ang hita ko ay nasa magkabilang gilid niya. Namamangha ko siyang tiningnan.

"Nagmamaneho ka!" Paalala ko sa kaniya.

Aalis na sana ako sa kaniyang kandungan pero pinigilan niya ako. Muli ko siyang tiningnan at ang ngiti ko ay naging tawa na. Ngumisi lang siya at patuloy pa rin siyang nagmamaneho. 

"Alam mo naman palang nagmamaneho ako tapos manghahalik ka..."

Tumawa ako at mahinang sinuntok ang kaniyang dibdib. Tumawa lang naman siya. Ang kanang kamay niya ang nakahawak sa manibela at ang kaliwa naman ay nasa ibaba ng aking likuran. 

"Forrest..." Muli kong saway.

Tiningnan niya lang ako habang nakangisi. Grabe talaga ang lalaking ito! 

"Sige lang, Chandria. Halikan mo lang ako..." Sabi niya sabay tingin sa kalsada.

Humalakhak ako.

"Baliw ka! Baka mabunggo tayo." 

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. 

"Hindi 'yan..."

Napailing ako at niyakap na lang siya. Tumawa siya at binigyan ako ng isang halik sa noo. Ibinaon ko ang mukha ko sa malapad at mabango niyang dibdib. Napawi ang ngiti ko nang maalala si Lazaro. Wala akong pakialam sa kaniyang sinabi tungkol kay Forrest. At kapag nakita ko ulit siya, talagang hindi ko na siya papansin. Kahit ano pa ang gawin niya. Kahit na kamag-anak pa siya ng mga Ford.

Bumungad sa amin sina Arisse, Kylo, Dalton at Halton. Nasa sala sila at nagkakatuwaan. Natigil lang nang dumating ako. Ang mabait na si Arisse ay biglang niyakap ako. Napangiti naman ako.

"Kumusta pagtuturo, Ma'am Chandria?" Nakangising tanong ni Halton.

Tiningnan ko siya at inirapan kaya naman natawa silang lahat. Ganoon din si Forrest.

"Kaya pala hindi ko na kayo nakikita sa school. So kumusta nga?" Ngumiti si Arisse.

"Okay naman. Nakakatuwa ang mga bata." 

"Lagay ko lang sa kwarto natin..." Bulong ni Forrest na tinanguan ko lang naman. Tinutukoy niya ang mga gamit ko.

Umupo ako sa sofa at tumabi naman sa akin si Arisse. Sina Kylo at ang kambal ay nasa kabilang sofa. Sinundan ko ng tingin si Forrest na umaakyat na ngayon sa hagdanan.

"Hindi naman sila makukulit?" Usisa ni Arisse.

Tiningnan ko si Arisse. Nakasuot siya ng maong short at white crop top. Kahit nasa bahay ay pulang-pula pa rin ang kaniyang labi.

"Makukulit din pero napagsasabihan naman." Sabay ngiti sa kaniya.

Tumango-tango naman si Kylo. Ang tatlong lalaki ay pareho ang mga suot. Dark color t-shirt, jeans at boots. Ganito yata talaga sila manamit na kahit nasa bahay na ay parang may lakad pa rin.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon