Tatlong professor pa lang ang dumating at nakilala namin. Nagpapakilala lang sila at mabilis din umalis. Binaba ko ang tingin sa'king relo at alas dose na, isang oras na lang bago mag-uwian. Inangat ko ang tingin ko at tumingin na lang ulit sa pintuan. Dapat pala ay magdala ako ng ear[hone bukas para kahit paano'y malibang ako kapag wala pang klase. Mukhang matagal na rin magkakilala ang mga kaklase ko kaya naman nag-uusap na silang lahat.
Hindi dumating ang guro namin kaya naman maagang lumabas ang mga kaklase ko. Ngumuso ako bago tumayo at kinuha ang bag. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako bukas o huwag na lang dahil hindi pa naman regular ang klase. Kaya lang ay sayang din, dahil mahalaga raw ang attendance. Huminga ako nang malalim habang hinihintay ang mga kaklase kong lalaki na nililista ang kanilang pangalan at pirma, para sa attendance.
Tumingin ako sa paligid at napagtanto kong ako ang huling makakapaglista ng pangalan at makakapirma. Ibinalik ko ang tingin sa mga kaklase kong lalaki at nakita ko ang isang lalaking kaklase na siniko ang kaibigan na kinuha ang ballpen at magsusulat na sana.
"Ha?" Tanong niya sa kaibigan niya.
Ilang sandali pa ay tumingin sa'kin ang lalaki. Ngumuso ako at may naisip.
"Uhm... I-Ikaw na ang mauna, gusto m-mo?" Nahihiya niyang tanong. Tila nagdadalawang isip sa sinabi.
Ngumuso ako nang tama ang naisip ko. Gusto nila akong paunahin. Siniko ulit siya ng kaibigan niya.
"Tanga ka talaga, Rey! Ba't itatanong mo pa kung gusto?" Naiinis niyang sinabi sa kaibigan pagkatapos ay bumaling sa'kin. "Ikaw na ang mauna para kami na ang magbibigay nito kay Ma'am Moka." Marahan niyang sinabi.
Nagulat ako roon. Tiningnan ko ang dalawa pa nilang kaibigan na tahimik na nakatitig sa'kin. Napailing naman iyong si Rey. Mabilis akong umiling.
"Hindi na. Salamat pero kayo na ang mauna. Ako na rin ang magbibigay ng listahan kay Ma'am Moka." Si Mrs. Moka ay 'yong guro na istrikto.
"Tayo na lang ang mauna, Jack! May laro pa tayo." Bulong ng kaibigan niya na narinig ko naman.
Tumango naman si Rey sa sinabi ng kaibigan. Nang magkatinginan kami ay naglihis agad siya ng tingin, nahihiya. Tiningnan lang nitong si Jack ang dalawa niyang kaibigan, tila pinag-iisipan ang sinabi ng kaibigan.
"Sige na, kayo na lang ang maunang magsulat at ako na lang ang magbibigay niyan. Salamat na lang." Sabi ko ulit at bahagyang ngumiti kay Jack.
"Pero bago ka pa lang dito. Hindi mo alam kung saan ang room ni Ma'am Moka."
Tama siya. Hindi ko nga alam. Gusto kong matawa sa harapan nila pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi niya yata naiisip na pwede naman akong magtanong kung saan ang room ni Mrs. Moka. He's kind!
"Ituro na lang natin, Jack...para alam niya." Mungkahi ni Rey.
Sumang ayon ang dalawa nilang kaibigan. Umiling muli ako dahil hindi naman kailangan.
"Mabuti pa nga." Si Jack.
Iyon nga ang nangyari. Nauna silang magsulat at pumirma at ganoon din ang ginawa ko pagkatapos nila. Sabay-sabay kaming lumabas ng room at ako ang may hawak ng listahan. Binalik ko kay Jack ang ballpen at nagpasalamat. Tumango lang siya at wala nang sinabi. Habang naglalakad ay nagpaalam ang dalawa nilang kaibigan na mauuna nang lumabas para kumuha ng isang tricycle na sasakyan nila.
"Iyon ang room ni Mrs. Moka. Kumatok ka lang ng tatlong beses at maaari ka nang pumasok." Pagtuturo niya.
Tiningnan ko ang nag-iisang room sa bandang dulo nitong eskwelahan. Maraming puno ang nakapaligid doon. Kaunti lang din ang mga estudyanteng nakatambay.
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...