Kabanata 41

483 16 1
                                    

Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog. Palipat-lipat ako ng posisyon para makatulog pero hindi pa rin talaga. Buti na lang talaga at hindi ako pupunta sa bookstore bukas. Alas dos na ng madaling araw pero dilat na dilat pa rin ako. Kanina ko pa kasi naiisip ang sinabi ni Thunder. Pakiramdam ko'y mababaliw na ako at ayaw ko ng nararamdaman ko ngayon. 

Umahon ako sa kama at lumabas ng kwarto. Iinom na lang ako ng gatas at baka sakaling makaramdam na ako ng antok. Kumuha ako ng gatas sa ref at umupo sa lamesa. Tahimik na ang paligid dahil tulog na ang lahat. Ibinaba ko ang baso at napatulala nang muling maisip si Thunder. 

Paano ko ba mapapatigil si Thunder sa mga sinasabi niya? Nakakairita kasi! Ayaw kong ganoon ang trato niya sa'kin. Hindi ako sanay at isa pa, alam kong hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya sa'kin. At kahit wala ng pag-asa sa amin ni Forrest, alam kong hindi ko pa rin kayang magmahal ng iba. 

Para sa akin, si Forrest lang ang nasa puso ko. Walang kahit sinong lalaki ang papalit sa kaniya. Kahit pa si Thunder. Kahit na ganito ang pinaparamdam sa'kin ni Thunder ay sigurado akong hanggang ganito lang. Hanggang sa pagtibok ng puso ko nang malakas. Hanggang sa pagiging kabado lang. Hanggang ganoon lang ang mararamdaman ko pagdating kay Thunder. Hindi hihigit at lalagpas sa mga pinaparamdam sa akin noon ni Forrest.

Nasunod nga ang gusto ni Thunder. Mananatili pa nga siya rito ng isang buwan pa. Tuwang-tuwa si Grandma habang ako'y hati ang nararamdaman. Masaya ako dahil makakasama ko pa siya at iritado dahil ibinigay niya sa kaniyang kapatid ang mga trabaho. Alam kong kaya naman ni Rain iyon pero bakit pa ba kasi mananatili si Thunder dito. 

"Saan 'to ilalagay?" Tanong ni Thunder.

Buhat-buhat niya ang isang box. Nasa bookstore kami ngayon at syempre tinutulungan niya kaming dalawa ni Annie. Inaamin ko na naging madali at mabilis ang trabaho dahil sa tulong ni Thunder. Sa pagbubuhat pa lang ng mga libro ay malaking tulong na. Napapabilis ang paglalagay ng mga libro. 

Nitong mga nakaraang araw ay maraming bumibili ng libro kaya naman naubos ang stock ko. Nagpadeliver ulit ako ng mga libro na naubos at nagdagdag pa. Masayang-masaya kami ni Annie dahil malakas ngayon ang bookstore. Mabenta sa mga teenager na mahilig magbasa at syempre kailangan nila para sa eskwela.

"Mga dictionary books ba 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo." Sagot ni Thunder.

Hindi ko siya tinitingnan dahil alam kong nakatingin siya sa akin. 

"Sa pinakaunang shelve 'yan. Doon mo ilagay." Utos ko.

Tumango siya at lumapit na nga sa shelve na tinukoy ko. Huminga ako nang malalim dahil talagang nahihirapan akong pakitunguan siya simula noong umamin siya at noong hinalikan niya ako. Si Thunder naman ay hindi man lang nagbago ang pakikitungo sa akin. Ganoon pa rin pero hindi na sobra-sobra kaya naman hindi ko na siya binabawal.

Ganoon palagi ang nangyayari sa bookstore. Sabay kaming pupunta ni Thunder sa bookstore at sabay rin kaming uuwi. Nag-uusap naman kami ni Thunder pero hindi na gaano. Hindi na rin kami nagtatawanan katulad ng dati. May nagbago at alam kong may kinalaman iyon sa pag-amin at paghalik niya.

Kasalanan niya ito. Gusto ko siyang sisihin pero hindi ko naman magawa dahil tapos na at ayaw ko nang pag-usapan pa. Baka kung anu-ano na naman ang sabihin niya. Natatakot na ako 'no! At isa pa, baka magtalo na naman kami kaya huwag na lang talaga. 

"Tita!" Masayang salubong ni Callie.

Tumawa ako at binuhat siya. Hinalik-halikan ko siya sa leeg kaya naman tawa siya nang tawa. Ibinaba naman ni Thunder ang mga dalang gamit sa gilid lamang ng lamesa. Nasa sala kami ngayon at naabutan namin si Callie na nanunuod mag-isa.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon