Kabanata 18

694 18 2
                                    

Sinabi ko agad kay Cindy ang nangyari. Na manliligaw na si Forrest sa'kin. Nakaupo kami ngayon sa pinakadulong bench, malayo sa mga estudyante. Kilala ko pa naman ang bibig ni Cindy. Siguradong sisigaw ito!

"OMG! Sabi ko sa'yo, Chandy, e! Gusto ka talaga niyan!" Nakangising sinabi ni Cindy at kumindat pa.

Napangisi naman ako habang tinitingnan siya na parang kinikiliti ngayon. Akala mo naman siya ang liligawan!

"Oo na! Tama ka na nga!" Pagsuko ko.

Natawa naman siya habang inaayos ang bangs. Ilang sandali pa ay biglang napawi ang pagtawa niya.

"Paano na si Thunder?" Seryoso niyang tanong.

Napabuntong hininga na lang ako dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga alam kung paano sabihin kay Thunder. Nagdesisyon kaming pumasok ni Cindy nang mas maaga ngayon para sabihin ko sa kaniya na manliligaw na ang pinsan ng mahal niya. At ngayon, hinihintay na lang namin si Thunder.

"Hindi ko alam, Cindy." 

"Masasaktan si Thunder, sigurado."

"Cindy mukhang hindi naman tama 'yang iniisip mo. Wala namang gusto si Thunder sa'kin..."

Inirapan naman ako ni Cindy na parang naiinis na siya ngayon.

"Anong hindi? Manhid ka bang babae ka? Matagal ko nang kilala si Thunder at nakilala ko siya bilang isang babaero pero tingnan mo... noong makasama natin siya, nagbago 'di ba! Hindi na siya babaero!"

Umiling ako. Ayaw tanggapin ang sinabi ni Cindy. 

"Hindi pwede, Cindy."

Pinagmasdan naman ako ni Cindy at bigla ulit siyang natawa. Na para bang masaya pa siya sa kalagayan ko.

"Ang hirap talaga maging maganda, ano? Hayaan mo, feel kita!" Natatawa niyang sinabi.

Napailing na lang ako sa pinagsasabi niya pero natawa rin kalaunan. Ilang sandali pa ay natanaw ko na si Thunder na patungo sa amin kaya naman tumigil na sa pagtawa si Cindy at inabala na ang sarili sa kaniyang cellphone. Nag-reply na siguro si Carlos.

"Hi! Ang aga ni'yong dalawa..." May kaunting pagtataka sa boses ni Thunder habang nakangisi.

Nagkatinginan naman kami ni Cindy at siya ang unang nag-iwas. Tinuon ulit ang atensyon sa cellphone niya. Tiningnan ko na lang si Thunder bago tumayo. Nakasuot siya ng plain gray t shirt at jeans. Wala siyang suot na leather jacket ngayon pero naka-boots pa rin siya. Palagi naman! Tuwing nakikita ko si Thunder, hindi ko maiwasang maalala si Forrest sa kaniya. Pareho silang matangkad, malaki ang pangangatawan at halos pareho kung manamit. 

Ngumiti ako kay Thunder.

"May pinag-usapan lang kami ni Cindy." 

Napatingin naman si Thunder kay Cindy na tumatayo na rin. Sandali lang naman dahil binalik niya rin sa'kin ang kaniyang tingin. 

"Ano namang pinag-usapan ni'yo?" Tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot kaya naman tumikhim si Cindy at siya na ang nagsalita.

"Tungkol lang kay Carlos..." Naka-ngising sinabi ni Cindy.

Napalunok ako bago tumango-tango kay Thunder. Mukhang naniwala naman si Thunder dahil tumango siya kay Cindy. Pagkatapos ay inakbayan na ako ni Thunder. Sinulyapan ni Cindy ang braso ni Thunder sa aking balikat bago nag-iwas ng tingin at nauna nang maglakad.

"Inlove na inlove talaga 'yang si Cindy kay Carlos..." Bulong ni Thunder sa'kin.

Napangisi naman ako. 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon