Kabanata 9

958 27 0
                                    

Tahimik akong nakasunod kay Thunder. Patungo kami ngayon sa pinakadulo ng eskwelahan kaya naman puro mga puno na ang nakikita namin at iilang mga estudyante na mukhang dito ang tambayan. Malawak naman banda rito kaya naman malayo kami sa iilang estudyante. 

Napatingin ako sa aming pinanggalingan at medyo napalayo na kami. Pagtingin ko sa harapan ay saktong nilingon din niya ang tiningnan ko pagkatapos ay ako.

Nakakaloko siyang ngumisi sa'kin. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Nasaan na ba sila?" Hindi ko na napigilan.

"Dito ko nga sila nakita kanina. Hatak-hatak ni Carlos ang kaibigan mo." Sagot naman niya at patuloy rin sa paglalakad.

Hindi na ako nagsalita at pasimple kong tiningnan ang suot niya. Nakasuot siyang faded jeans at white shirt at itim na boots. Medyo nauuna siyang naglalakad at mayabang kung titingnan mo siya habang naglalakad. Parang si...

Hay nako! Ito na naman ako!

Tiningnan ko ang malapad niyang likuran. Kapatid niya si Rain at kaibigan ng kapatid niya sina Carlos kaya sigurado akong kaibigan niya rin ang mga ito. Kung babanggitin ko ngayon ang pangalan ng lalaking 'yon sa kaniya, sigurado akong kilala niya iyon. Baka nga close pa sila eh!

"CHANDRIA!"

Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Cindy na tumatakbo palapit sa aming dalawa. Nanggaling nga siya sa pinakadulo ng eskwelahan at nasa likuran niya si Carlos na iba na ngayon ang timpla ng mukha. Hindi katulad kanina na parang kayang-kaya niyang saktan si Cindy.

Tiningnan ko ang mukha ni Cindy nang makalapit na siya sa'kin at kinuha ang bag niya sa braso ko. Wala ng bakas na takot o ano man sa kaniyang mukha. Nakakagulat nga dahil nakangiti pa siya sa'kin. Akala mo hindi natakot kanina.

"Saan kayo galing?" Tanong ko pa rin.

"Uhm, doon, Chandria." Tinuro niya ang pinakadulo ng eskwelahan.

Kumunot ang noo ko. Ano namang ginawa nila roon?

"Mamaya ko na sasabihin, okay!" Bulong niya nang makita ang mukha ko.

Huminga ako nang malalim hanggang sa nakalapit na rin sa amin si Carlos. Nagkatinginan sina Thunder at Carlos at parang nag-uusap sila kahit hindi naman talaga. Huminga nangg malalim si Carlos at siya ang unang naglihis. 

Tumingin siya kay Cindy at pinagtaasan niya ito ng kilay. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit nagustuhan ni Cindy ang isang 'to! Perpektong-perpekto ang mukha eh! Actually lahat naman sila!

Pabalik na kami ngayon. Halos makalimutan na namin na may mga klase pa kami. Nauuna kaming naglalakad habang ang dalawang lalaki ay nasa likuran namin at nag-uusap. Hinawakan ni Cindy ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit mo kasama si Thunder?" Bulong niya.

"Eh, alam niya kung saan ka hinatak ni Carlos kaya sasamahan niya ako roon para hanapin ka..." Paliwanag ko.

Nakita kong namula ang mukha ni Cindy.

"Nakita nga namin siya ni Carlos doon... kasama mga babae niya." Sabi niya.

Kaya pala alam niya. Pero bakit naman alam ng Thunder na iyon na hahanapin ko nga si Cindy? Kung hatakin niya ako kanina ay parang kilalang-kilala ko siya at parang kilalang-kilala niya ako. Hindi ko yata makakalimutan 'yong nangyari kanina.

Pumunta na kami sa room namin at ganoon din yata ang dalawa. Hindi na namin nilingon ni Cindy kung pumasok ba sila sa klase nila o hindi.

Nagpatuloy ang klase at naramdaman kong tahimik si Cindy at nagsusulat na ngayon ng mga notes. Nang matapos ang klase ay lumabas na kami ng room. Dahil nga uwian na, marami ng mga estudyante ang nasasalubong namin lalo na sa gate. 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon