Mabilis niya akong inangat mula sa tubig. Humawak naman agad ako sa magkabilang balikat niya. Ang dalawa niyang kamay ay nakahawak sa aking baywang. Nagkatinginan kami.
Buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito kabaliw sa isang lalaki. At hindi ako nagsisisi na sa kaniya pa talaga.
Kaya siguro pinili ng puso ko na manirahan sa probinsyang ito, dahil makikilala ko siya. Pakiramdam ko, basta kasama ko siya, ligtas ako palagi. Hindi ko na yata makikita ang sarili ko na iiwan ang probinsyang ito.
Tinaas ko ang kanang kamay ko at hinawi ang kaniyang buhok patungo sa likod.
"You're so handsome." Ngumiti ako sa kaniya.
Unang beses ko yata itong nasabi sa kaniya? Hindi ako sigurado pero iyon talaga ang totoo.
"Thank you..."
Natawa naman ako lalo na nang makita na nakatitig pa rin siya sa akin. Kinagat ko ang labi ko at napalunok. Alam kong mabilis ang lahat pero hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga lang sa oras na ito ay masabi ko sa kaniya kung ano talaga ang gusto kong gawin mula pa noong sinabi niya na liligawan niya ako.
"Sinasagot na kita..."
"Sasagutin mo na ako?"
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Sabay naming sinabi iyon. Natawa ako at tinampal nang mahina ang kaniyang balikat.
"Paano mo nalaman?"
Ngumiti siya at hindi sumagot. Hinaplos niya ang gilid ng aking labi.
"Tayo na talaga? Boyfriend mo na ako? Girlffriend na kita?" Kalmado niyang tanong pero bakas ang kasiyahan sa kaniyang boses.
Tumango ako sa kaniya.
MAY BOYFRIEND NA AKO!!!
"You're my first boyfriend..." Sambit ko at tiningnan ang reaksyon niya.
Hindi siya nagulat pero nagdilim ang kaniyang tingin. Nakatitig siya sa akin habang dahan-dahan niyang nilalapit ang kaniyang mukha. Pumikit ako dahil alam ko na agad ang gagawin niya. Naramdaman ko ang malambot niyang labi. Mabilis kong nilagay ang braso ko sa kaniyang batok. Ang kaliwang kamay niya naman ay nasa aking hita na habang naghahalikan kami. Kahit nakalubog kami sa tubig ay nararamdaman ko ang init sa aking katawan.
Ilang sandali pa ay tumigil na kami nang kinapos na sa hangin. Pareho naming tiningnan ang labi ng isa't-isa. Ang pula ng labi niya. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ngayon ang nandito. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. Hinaplos-haplos niya naman ang buhok ko kaya mas lalo akong napangiti. Nakaka-adik ang mga haplos niya. Hindi ako makapaniwala na may boyfriend na ako. Ang saya-saya ko!
Marami kaming pinag-usapan at matagal kaming nagtagal sa tubig. Alas singko ng hapon nang magdesisyon kaming umuwi na. Nasa sasakyan na kami at parehong nakapagpalit na ng damit. Basa pa ang buhok ko at sa kaniya'y tuyo na kanina pa.
Bumaba ang tingin ko sa aking balat na hindi man lang umitim kahit kaunti.
"Bakit?" Saglit niya akong nilingon, napansin siguro ang ginagawa ko.
Umiling ako at ngumiti.
"Hindi man lang umitim ang balat ko..."
"Bakit, gusto mong umitim?" Marahan niyang tanong.
"Hmmm... hindi naman." Sagot ko at pinagmasdan ang balat niya.
Wala siyang suot na jacket kaya naman kitang-kita ko ang balat niya na wala ring nagbago. Siguro ay dahil moreno na siya kaya parang hindi pansin kung nagbago nga.
BINABASA MO ANG
Immortality in the Woods (Completed)
RomanceNaging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong...