Kabanata 12

851 27 0
                                    

Titig na titig siya sa'king suot habang palapit ako sa kaniya. Nakasandal siya kanina sa kaniyang sasakyan at nang makita ako ay tumayo siya nang matuwid. Naka-suksok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng jeans. Walang nagbago sa kaniyang pananamit. Naka-leather jacket na itim, white t-shirt, blue jeans at itim na boots. Hindi ko akalaing namiss ko rin ang kaniyang ayos. Pakiramdam ko'y ang mga pinsan niya rin ang nakikita ko ngayon.

Ngumiti ako sa kaniya kahit na kumakabog na ang dibdib ko sa klase ng pag-titig niya. Komportable ako sa kaniya at nagiging kabado lang dahil sa mga titig niya. 

"Hi!" Nakangiti kong sinabi.

Ngumuso siya at nakatingin na ngayon sa mukha ko. "Nakatulog ka ba agad?" 

Bahagya pa akong nagulat sa tanong niya. Hindi ko akalaing ito ang sasabihin niya. Akala ko ay "hello" dahil nag hi ako. Iniisip ko pa lang na iyon ang sasabihin niya ay natutuwa na ako. Parang hindi bagay sa kaniya. Hihi!

"Hmm... oo, nakatulog na ako." Pag-amin ko. 

Tumingin na lang ako sa mga gulay na nasa harapan namin para maiwasan ang kaniyang titig. Kung makatitig ang isang 'to, akala mo naman ngayon lang ako nakita. Miss niya na siguro ako. Shit! Gusto kong matawa sa mga naiisip ko. 

"I-Ikaw? N-Nakauwi ka ba agad?" Nahihiya kong sinabi. 

Hindi ko alam kung saan ang bahay nila. Naglakad lang siya at paniguradong malayo ang bahay nila.

"Naglakad ako pero... nagpasundo rin." Malamig na malamig ang boses niya.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na bahagya siyang gumalaw at lumapit sa'kin ng kaunti. Nasa kanang bahagi ko siya. Ako naman ay nakatingin pa rin sa mga gulay. 

"Sino sumundo sa'yo?" Tanong ko. 

"Si Carlos." 

Tumango ako. Naalala ang sinabi ni Cindy. Pakiramdam ko'y magkasing-tanda lang sila ni Carlos.

"Saan ba ang b-bahay ni'yo?" Kaunti pa akong kinabahan bago iyon itanong.

"Sa dulo pa ang bahay namin. Bakit?" 

Umiling ako. "Wala naman."

Hinawakan ko ang buhok ko at nilagay sa kaliwang balikat. Wala akong maisip na pwede naming pag-usapan. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero natatakot naman akong itanong ang mga iyon. Ayokong maisip niya na masyado akong kuryoso sa kaniya. 

"Nagkaka-usap ba kayo ng mga pinsan ko?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa batok ko. Naglihis agad siya ng tingin at tumingin na lang sa mga gulay. Kinagat ko ang labi ko at binalik ang tingin sa mga gulay. Pareho na kaming nakatingin doon.

"Hindi naman masyado. Hindi ko naman sila kaklase. Madalas ko lang sila makita." 

Hindi ko naman talaga nakakausap ang mga pinsan niya. Nakakausap ko lang sila dahil kay Thunder at sandali lang ang mga nagiging usapan. Mailap ako sa kanila at mailap din naman sila kaya posibleng humaba ang usapan. Kakausapin ko lang sila kapag kinausap nila ako. Madalang lang naman nila akong kausapin kaya hindi talaga kami nagkakaroon ng pag-uusapan. Kahit nga si Cindy ay hindi nila kinakausap, si Carlos lang ang kumakausap sa kaniya. Siguro dahil may nararamdaman din si Carlos sa kaibigan ko. 

Pero napansin ko na gumaan din kahit paano ang nararamdaman ko sa kanila. Hindi na katulad ng dati.

"Sino pala palagi mong kausap kung ganoon?" 

Napatingin ulit ako sa kaniya. Sa harapan lang siya nakatingin kaya naman kitang-kita ko ang matangos niyang ilong. 

"Hmmm... si Cindy at... Thunder." Sagot ko naman.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon