Kabanata 44

444 15 0
                                    

Matagal bago ako kumalas ng yakap kahit na nararamdaman ko ang mga kamay niya sa aking braso na para bang gusto akong ilayo sa kaniya. Hindi ko alam kung iyon ba o dahil gusto niyang makita ang mukha ko. 

"Chandria..."

Pumikit ako nang mariin nang muli kong marinig ang pangalan ko. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko namiss marinig ang aking pangalan galing sa kaniyang bibig. Mas lalo tuloy akong napaiyak. 

"Chandria hindi ako magtatagal..." Muli siyang nagsalita. 

Mabilis akong kumalas at tiningnan ang kaniyang mukha. Pinunasan niya ang aking mukha at hindi naman na maalis ang tingin ko sa kaniyang mukha. Mahaba na ang kaniyang buhok at nakatali iyon sa maayos na paraan. Bukod sa kaniyang mahabang buhok, wala naman ng nagbago sa kaniyang itsura pero may kakaiba na. O dahil ba matagal ko siyang hindi nakita kaya ganito ko na lang siya ilarawan.

"A-Aalis ka agad?" Nanghihina kong tanong sa kaniya.

Napalunok siya bago tumango.

"Tinakasan ko lang ang mga alagad ni Francisco para makausap at makita ka. Gusto kong magtagal pero kapag ginawa ko iyon, mapapahamak kang muli kaya magpipigil ako... magpipigil tayong dalawa." Marahan niyang sinabi.

Tumango agad ako at handang sundin ang kaniyang sinabi. Muli ko siyang niyakap at pagkatapos ay mabilis na hinalikan nang madiin. Miss na miss ko na siya at ngayong nahahawakan ko siya ay walang makakapigil sa akin. Gagawin ko ang gusto kong gawin hangga't hindi pa siya umaalis.

"I miss you so much, Forrest. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita..." Naiiyak kong sinabi at muli siyang hinalikan sa labi.

Tumugon siya sa aking halik at halos matunaw ako nang maramdaman ang bawat galaw ng malambot at malamig niyang labi. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon. Thank you, God!

"I miss you... so damn much, Chandria. Lahat ng ginagawa ko ay para sa'yo at para sa atin. Para mabigyan kita ng payapa at masayang buhay." Bulong niya.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at bumaba ang halik niya sa aking leeg. Hinalikan niya ako nang hinalikan roon kaya mariin akong napapapikit. Sa mga taong lumipas, hindi ako makapaniwala na mangyayari pa ito. Parang imposible na sa akin noon na mahalikan at mahawakan ko siya kaya naman ngayong nangyayari na, halos ibigay ko sa kaniya ang lahat lahat basta't halikan at hawakan niya lang ako.

"Hmmm, Chandria." Nanghihina niyang sinabi bago tumigil sa paghalik.

Lasing na lasing ko siyang tiningnan. Hanggang ngayon ay lasing na lasing pa rin ako sa kaniya at hindi na iyon magbabago. Ang mga hawak, halik at tingin niya ay alak para sa akin. 

"Miss na miss na kita pero kailangan ko nang umalis. Magkikita ulit tayo, okay?" Tinitigan niya ako sa mga mata.

Tumango ako at muli siyang hinalikan sa labi. "Oo, Forrest. Magkikita ulit tayo sa paborito nating lugar..." Tinutukoy ko ang Penaranda, Nueva Ecija.

Kinagat ni Forrest ang labi ko bago ulit ilayo ang mukha sa akin.

"Tatapusin ko na ito at kapag naging pinuno na ako, magiging malaya na tayo at ang ibang kalahi ko na magmamahal at nagmamahal ng normal na tao." 

Proud na proud ako sa kaniya. Ginagawa niya ang lahat ng ito hindi lang para sa aming sariling kasiyahan kundi para rin sa mga kalahi niya na gustong maging malaya na gawin ang gusto nila. Hindi talaga ako nagsisisi na minahal ko siya. 

"I love you..." Nakangiti kong sinabi.

"I love you too, Chandria. Hanggang ngayon, ikaw at ikaw pa rin." 

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon