Desolation Fang
...
[Zenith's POV]
Bagsak ang aking balikat habang naglalakad pabalik kay Master Zen. Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kanila lalo na tuwing naaalala ko ang pagpipigil ng tawa nung mga hindi ko kakilala. Mas nakakahiya pa ay ang awa na sumulyap sa mga mata ni Rosia, at ang pilit na paghabol niya sa akin hanggang sa makalabas na ako ng Magus City.
Nakita ko kung gaano siya kalungkot nang lingunin ko siya saglit at inilingan bilang tanda na 'wag na akong sundan. Mas mabuti na lang sigurong maging mapag-isa na lang ako kapag nakabalik na ako sa Academy. Baka pumangit din ang imahe nila Rosia, Letizia, at Arthur kung sakaling makigrupo pa ako sa kanila.
Kung hindi man ay nakakahiyang ipagtanggol pa nila ako sa mga estudyanteng panigurado na mamaliitin at pagtatawanan ako.
Nang maalala ko ang dagger na binigay sa akin ay agad ko itong kinuha sa spatial amulet na binigay sa akin ni Master Zen. Ang spatial amulet ay nagsisilbing malaking storage ng mga magus, at dito nilalagay ang mga gamit para sa paglalakbay. Ito'y may iba't ibang lawak na kayang pagtaguan, at iyon ay depende sa presyo ng amulet. Maliit na amulet lang ang binigay sa akin ni Master Zen dahil makakakuha raw ng atensyon kung malaking storage ang ibibigay niya sa akin.
Tinignan kong mabuti ang dagger, at ngayon ay tila nag-iba ang aura na lumalabas dito. Ramdam kong may nangyayaring kakaiba sa soul stone ko kaya agad ko rin iyong kinuha mula sa spatial amulet. Nang paglapitin ko ang dalawa ay tila ba may kakaibang aura ang nagkokonekta sa kanila, at dahil doon ay tila ba nagkaroon ako ng pag-asa. Hindi basta-basta ang koneksyon na nakikita ko, at masisiguro ko ito kapag naitanong ko na kay Master Zen.
"Magpapalakas ako." Bulong ko sa hangin at muling nabuhayan ng loob. Sa ngayon ay magiging mapag-isa muna ako at magpapalakas. Hindi ko hahayaang masayang ang awa na nakita ko sa mga mata ni Rosia, at ang mga ngiti sa labi ni Arthur at Letizia. Hindi ko sasayangin ang binigay ng mga Genome sa akin. Kapag sapat na ang lakas ko ay ako mismo ang magbubuo ng grupo naming apat, at kung may iba pang sasali ay mas mabuti.
Kailangan ng isang grupo ang support kaya magpapalakas ako ng kakayahan ko, at hinding-hindi ko sila hahayaang mamatay kapag sumabak na kami sa mga laban.
May ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik kay Master Zen. Sigurado akong may mga paraan siyang maituturo sa akin para lumakas ako. Sa daming misteryo na itinatago ni Master Zen ay sigurado akong may mga bagay roon na maaaring makatulong sa akin. Baka may nalalaman siya tungkol sa mga taong may spectral attributes.
Tama, ang sabi naman kanina ay wala masyadong records at data na para sa mga spectral attributes. Nasasabi lang nilang mahina ito dahil wala silang sapat na kaalaman. Kaya sigurado akong sa lawak ng nalalaman ni Master Zen ay may ideya siya tungkol sa spectral attribute.
Nang makarating sa lugar ng mga Siltore ay nadatnan kong nagdaraos sila ng pagdiriwang para sa soul stone na nakuha ng dalawang Siltore. Tanda ko nga na nakita ko sila kanina, at sigurado namang hatid-sundo sila kaya hindi na nila ako nakita. Patago na lang din akong pumunta sa bahay namin ni Master Zen, at sinigurado kong wala akong nakuhang atensyon.
Kung nauna na sila rito ay paniguradong hindi nila alam ang nakuha kong soul stone, kahit pa ngayon ay mukhang kalat na sa Magus City ang nakuha ko. Spectral Wolf, parang isang malaking kamalasan kung magbabase sa records ng Magus City.
"Kumusta ang pagpunta mo sa Magus City? May nakita ka bang mga babae? O kaya naman mga artifacts o sandata na gusto mo?" Masiglang bungad sa akin ni Master Zen, at doon ako tuluyang napangiti. Tila ba walang pakialam si Master kung ano man ang nakuha ko, ang mahalaga sa kanya ay kung masaya ba ako.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasyBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...