Vol. 2: Ch. 30

140 28 0
                                    

Group Fight (2)

...

[3rd POV]

Nagdilim ang paligid nila, at ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kanila ay ang mga linya sa katawan ng scorpion demon ghouls. Mula sa pwesto nilang lima ay tanaw hanggang sa malayo ang madaming bilang ng mga katawan na may linyang nagliliwanag sa dilim.

"Takot at kaba, dalawang bagay na magdadala sa inyo sa maraming sitwasyon at desisyon. Sa dilim, ano ang inyong gagawin?" Wika ng pinuno ng mga scorpions na sa lakas ng boses ay dinig nila kahit pa sobrang layo nito sa kanila. Tila ba nasa tenga lang nila ang nagsasalita.

Nanatili silang tahimik habang ang bawat isa sa kanila ay nag-iisip ng paraan kung paano sila makakakita sa dilim. Takot man sa mga nangyayari ay pare-pareho nilang pinili na maging matapang.

"Mamatay ng natatakot, o mamatay ng lumalalaban." Iyon ang pare-parehas na tumatakbo sa mga isipan nila.

"Alam ko na." Sabay-sabay silang lumingon kung saan nanggaling ang boses ni Steno.

"Rosia, pwede kang gumamit ng mahinang lightning spell para magkalat ng kuryente sa lupa papunta sa paanan ng mga kalaban. Gagamit ako ng eternal vines spell sa kung saan dumaloy ang kuryente, tapos sisilaban agad iyon ni Letizia para makakita na tayo sa dilim."

"Sige, sisimulan ko na." Sang-ayon ni Rosia, at agad siyang nag-concentrate ng soul force sa mga kamay niya. Kita sa dilim ang kulay puting kidlat na nagtitipon sa mga kamay niya, at hindi man kita sa dilim pero mangha-mangha ang mga mukha ng apat.

"Breath of the Dragons:  Waves of Lightning!" Nang i-cast niya ang spell ay agad niyang nilapat ang dalawang kamay niya sa lupa. Ang inipon niyang soul force, kahit mahina lang, ay mabilis na naglakbay patungo sa nga kalaban na nasa paligid nila.

"Wood Art:  Eternal Vines!" Agad na cast ni Steno kung saan may mga vines na lumabas sa lupa na sinusundan ang tinatahak ng kuryente.

"Wings of the Phoenix:  Blazing Touch!" Sunod na cast ni Letizia na dahilan upang magkaroon ng concentrated fire sa kanang kamay niya. Walang pag-aalinlangan niyang ibinagsak ang kamay sa lupa, dahilan upang makapitan ng apoy ang eternal vines.

Mabilis na kumalat ang apoy sa lahat ng vines, at sapat na iyon upang magbigay liwanag sa paligid. Wala ring pagdadalawang-isip na nag-cast si Arthur ng continuous freezing coat upang maprotektahan sila sa init na nagmumula sa spell ni Letizia.

"Napansin niyo rin ba?" Tanong ni Zenith nang ma-obserbahan niya na lumalayo sa apoy ang mga scorpion demon ghouls. Tila ba natatakot ang mga ito na madikit sa apoy, at dahil kalat sa paligid ang apoy ay hirap ang mga ito na mag-isip kung saan pupunta.

"Takot sila sa apoy." Pagkumpirma ni Arthur sa naging obserbasyon ni Zenith kaya nakaisip agad ng paraan si Rosia.

"Kung kayang patagalin ng wood art ang apoy, kayang palakasin at pasabugin ng kuryente ang apoy. Kung doon sila mahina, malaki ang magiging epekto no'n sa kanila." Siguradong sabi ni Rosia, at wala namang umangal o nagreklamo dahil tama ang sinabi nitong kombinasyon.

"Sino ang mauuna?" Tanong ni Letizia.

"Ako muna. Babalutin ko lang ang katawan nila ng kuryente, ikaw na bahala sa malakas na damage."

"Sige, at pagka-cast ko ng skill, Arthur, mag-cast ka agad ng ice wall sa paligid natin." Nag-thumbs up si Arthur sa sinabi ni Letizia kaya naghanda na ang tatlo para sa mangyayari. Habang si Aysis, ang pinuno ng scorpions, ay nag-aabang lang sa susunod pang gagawin ng limang mga bata. Hindi rin makagalaw ang mga scorpions dahil matindi ang takot nila sa apoy.

"Ready." Panimula ni Rosia, at nang sapat na ang naipon niyang soul force para malagyan ang lahat ng demon ghoul ay nag-cast na siya ng spell.

"Breath of the Dragons:  Lightning Shackles!" Nang makapag-cast siya ay mabilis na kumalat ang kuryente sa paligid, at pinaikutan nito ang mga scorpions, dahilan upang lalong hindi sila makagalaw. Sa bawat pagdaan din ng kuryente sa mga nag-aapoy na vines ay pumuputok ito, dahilan upang gumawa ng malakas na ingay sa paligid.

"Wings of the Phoenix:  Blazing Breath of the God!"

"Sacred Frozen Art:  Heavy Ice Wall!"

Halos magkasunod na cast ni Letizia at Arthur. Maaari nilang ikamatay kung nahuli ng cast si Arthur ng malaki at matibay na ice wall. Kitang-kita sa laki ng apoy na inilabas ni Letizia ang pagbuhos niya ng lakas. Kahit pa napapaligiran sila ng mataas at makapal na yelo ay dinig ang malalakas na pagsabog sa paligid, at patuloy ding gumagamit ng soul force si Arthur dahil natutunaw ang yelo sa tindi ng init.

Wala na ring makikita sa buong paligid maliban sa tila dagat ng apoy na may kumikislap na kuryente. Nakangiting nanonood lamang ang pinuno ng mga scorpions habang may protective barrier na nakapalibot sa kanya.

"Clearance! (Translated from Ancient Demon Language)" Pag-cast ng pinuno ng mga scorpions ay agad naglaho ang dagat-dagatang apoy at muli ring nagbalik ang liwanag, dahilan upang makita ang halos abo na lang na labi ng mga scorpions. Napangiti ulit siya nang makitang hindi tinablan ang ice wall ni Arthur.

"The future champion of sacred frozen art. Interesting. (Translated from Ancient Demon Language)" Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Aysis habang naglalakad papalapit sa grupo. Nang makalapit ay agad niyang nasira ang ice wall nang idikit niya ang kamay roon.

Halata ang takot sa magkakaibigan maliban kay Zenith na gumagamit na ngayon ng healing spell, at naglabas na rin ng soul force regenerating scroll para sa apat. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang ginawa, at doon siya natutuwa dahil kahit hindi niya ginamit ang lakas niya ay nakagawa ng paraan ang mga kaibigan niya para manalo.

"Ako si Aysis, ang arch-demoness ghoul ng scorpion demon realm. Isa sa inyo ang dahilan kung bakit dito kayo dinala ng portal, at hindi niyo na kailangang malaman kung sino sa inyo 'yon." Pagpapakilala ni Aysis sa lima, at palihim niyang tinignan si Zenith. Hinihintay niya talagang gamitin nito ang kapangyarihan ng kapatid niyang si Kasero, ngunit hindi na rin siya nabigo dahil nakita niya ang gustong mangyari ng binata.

Nanatiling tahimik ang lima, at hinihintay ang susunod pang gagawin ni Aysis.

"Makakabalik na kayo maya-maya sa lugar ninyo, ngunit bago mangyari iyon ay bibigyan ko kaya ng karampatang premyo. Nagtagumpay kayong talunin ang mga alagad ko kaya lahat kayo ay bibigyan ko ng soul remnant ko. Mas mataas na antas ng soul extract, at sana ay magamit niyo ang lakas ko sa pinakasagad na potensyal nito. Kung sa masama o magandang pakay, wala na akong pakialam doon."

...

"Ayan na, bumabalik na ang liwanag." Nagdiwang ang mga guro nang unti-unti na nilang nasisilayan ang limang estudyante. Wala na si Aysis nang bumalik ang vision nila sa lugar, at lahat sila'y namangha nang lumabas na ang lima sa portal.

Lahat sila ay tumuntong agad sa silver rank, at kita sa mata ng lahat ang labis na gulat sa nangyari.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon