Mountain Training (1)
...
[Zenith's POV]
Namulat ako na tila hindi na ako ang nagmamay-ari ng katawan at soul core ko. Ramdam ko ang itinaas ng antas nito mula sa lakas ng daloy ng soul force ko. Kung hindi ako nagkakamali ay umakyat na ang soul core ko sa silver 1, ngunit paano? Ang huling tanda ko lang ay ginamit ko ang desolating strike na iyon sa wolf territory. Kung ano man ang sumunod ay wala na akong ideya.
Nang imulat ko ang mga ko ay bumungad sa akin ang masayang mukha ni Steno, at bakas pa roon ang pagkamangha. Natigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong mahinang bumubulong sa isipan ko.
"Simula sa araw na 'to... iisa na tayo." Boses ng isang babae na ipinagtaka ko. Ngunit naramdaman yata nito ang pagtataka ko kaya agad niya ring sinagot ang katanungan sa isip ko.
"Kapag ang awakened soul stone ay nakipag-merge na sa Master nito, magiging babae ito kung lalaki ang Master, at lalaki naman kapag babae ang Master."
"Rules niyo ba 'to? Paano niyo nalaman na may ganyang rules?" Subok kong tanong sa kanya gamit ang pag-iisip.
"Ginawa ng mga Spiritual Lords ang mga soul stone bilang regalo sa mga piling tao. Bago kami tawagin sa lugar namin para pumunta rito ay binibigyan na rin kami ng mga runewords, at iyon ang magiging panuntunan namin dito. Tuluyan lang din magkakaroon ng sariling isip ang mga soul stones kapag ito ay awakened na."
Naliwanagan naman ako sa sinabi niya, at naalala ko rin na sinabi nga rin pala iyon sa soul testing room. 'Yong impormasyon tungkol sa mga Spiritual Lords, at ang pagbibigay nila ng regalo sa mga tao ng Magus City.
"Zenith? Ayos ka lang? Para kang may kausap na iba na hindi namin nakikita." Pagbibiro ni Steno, at tumawa na lang ako kahit may kausap naman talaga akong iba, hindi ko lang nakikita.
"Gusto mo ba akong makita?"
"H'wag, baka magustuhan ka pa ni Steno." Agad kong tutol sa spectral wolf. Mahirap na, wala akong magagawa kapag ang soul stone ko ang nagustuhan ni Steno. Mas mabuti pang kay Rosia ko na lang siya mapakilala.
"Bilisan mo na nga r'yan! Para kang baliw na may ibang kinakausap pero wala ka namang sinasabi." Pailing-iling na sabi ni Steno, at buong pwersa akong hinila patayo ngunit laking gulat ko nang hindi niya ako nahila.
"Aba, paano mo nagawa 'yan? Dati'y ang dali-dali mo lang hilahin pero ngayon... grabe pre, nagbago ka talaga. Madami ka lalo makukuhang babae n'yan." Halos kuminang na ang mga mata ni Steno sa kalokohan niya.
"Mukha ka talagang babae. Paano na si Rosia?"
"Hindi pa naman kami talaga magkakilala, pwede pang magpantasya sa iba." Tila maghuhugis-puso na ang mga mata nito sa iniisip. Sabagay, madami rin naman talaga akong nakita na magagandang dilag sa Magus City. Kung mahilig lang din ako sa pambababae, baka ganyan din ang maging reaksyon ko.
"Kapag ikaw nakadale ng babae na may kalaguyong royalty o noble, hindi na kita kilala. Bahala kang mabugbog." Asar ko't nagmamadaling lumabas ng silid ko.
Hindi ko rin alam pero parang ang luwag huminga simula nang magising ako kanina. Kung ano man ang nangyari sa loob ng spectral wolf dimension, sigurado akong nagtagumpay ako sa ginawa ko.
...
"Anong ginagawa natin dito, Master?" Bungad kong tanong nang makarating kami sa malapit na bundok sa bayan.
"Oo nga, Master, tsaka para saan tong dala-dala nating basket?" Segunda ni Steno.
"Kita niyo 'yong mga bato na 'yon?" Sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Master, at doon ay nakita ko ang malalaking bato. Hindi pa sinasabi ni Master ay alam ko na kung para saan ang basket na dala namin.
"Master, 'wag mo sabihin na aakyat kami ng bundok na dala ang basket na lalagyan namin ng mga bato." Kamot-ulong sabi ni Steno dahilan para mapang-asar na ngumiti si Master.
"Hindi lang kayo aakyat, baba rin kayo na dala pa rin ang basket. Tatlong beses niyo 'yon gagawin ngayong araw na may labing-limang kilo ng bato sa basket. Nagdala na ako ng pwede nating pagtimbangan ng bigat ng mga bato, kaya simulan niyo na maglagay sa basket na dadalhin niyo. Nagdala na rin ako ng matibay na pangsuporta at pangkabit para maisuot niyo. Bilis!"
Agad kaming kumilos ni Steno at naglagay ng mga bato sa basket na dadalhin namin. Pansin ko na may idinagdag na soul force si Master sa basket ni Steno at ganoon din sa akin. Siguro'y dagdag bigat na hindi masusukat sa timbangan na dala niya.
"Bakit niyo nga ba ginagawa ang pagsasanay na ito? Para makaya niyong dalhin ang sarili niyong mga kapangyarihan. Kung dito pa lang ay susuko na kayo, 'wag niyo na pangaraping maging magaling at malakas na magus." Sa paliwanag na binigay ni Master ay nagkaroon ako ng lakas at inspirasyon para gawin ang pagsasanay.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasyBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...