Anomalies (1)
...
[3rd POV]
Habang mangha ang karamihan sa nasaksihan, may isang taong nakatago sa isang madilim na sulok at may hawak na communication scroll. Ngiting-ngiti ang lalaki habang may kinakausap na isang boses babae.
"Master, hindi ako nagkakamali sa pasya ko noon sa training grounds. Ngayon ay kasama niya pa ang mga kaibigan niya, at lahat sila ay biglang umakyat sa silver rank." Report nito sa Master niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
"Magaling, maaasahan ko talaga ang pamilya ninyo. 'Wag kayong mag-alala, dadating ang araw na kayo ang maghahari sa Magus City. Bago ko makalimutan, ilan silang lahat?"
"Lima lang po sila, Master. Kailangan pa nilang makahanap ng isang miyembro para makasabak sa dragon cave expedition."
"Mukhang problema 'yan. Balitaan mo ako kapag may nadagdag sa kanilang miyembro. Kumusta naman pala ang mga plano natin sa Silvanya." Napakamot ng batok ang lalaki nang itanong iyon sa kanya. Inisip niya munang mabuti bago magsabi ng sagot.
"Master, may sumira sa isang parte ng plano. Walang nakakaalam sa royal family, at maging ang dalaga ay hindi raw kilala kung sino ang nagtanggal sa kanya ng sealing na gawa sa black magic. Ngunit hinahanapan na namin ng paraan upang hindi maungkat ang mga plano natin." Nakahinga lamang ang lalaki ng maluwag nang hindi nagalit ang Master niya, at sinabihan lang siya na mag-report agad kung may mangyaring pagbabago.
Parang walang nangyari na lumabas siya sa madilim na sulok, at nakisama sa mga taong namamangha sa nangyaring himala kay Zenith at sa mga kaibigan nito.
...
"Mayor Silvanya, ito na po ang report para sa mga sumabak ngayon sa dragon cave expedition." Inabot ng sekretarya ng Mayor ang isang scroll na naglalaman ng nangyari sa mga sumabak sa dragon cave o kilala rin sa tawag na dragon tower.
"May bago ba?"
"Kinalulungkot ko po pero katulad ng mga sumabak sa loob ng limang taon ay naglayas ulit ang mga lumahok... iba lang ang rason. Sana ay maisipan pa nilang bumalik dito."
"Secretary Tenseni, sa tingin mo, wala ba talagang nangyayari na kabalastugan sa dragon cave expedition? Pakiramdan ko'y kailangan na siyang kalabanin ng mga higher ranked magus natin." Malalim ang iniisip ni Mayor Silvanya habang binabasa ang scroll, kahit alam niya naman na ang nakalagay roon.
"Sa tingin ko'y sadyang wala pa lang nagiging katapat ang dragon na 'yon. Hindi tayo pwedeng magpadala ng higher ranked magus sa silver ranked expedition lang. Lalo't may mga kasulatan naman tayo na buhay ang mga pinadala natin doon.
Siguro'y sadyang hindi lang nila kakayanin ang kahihiyan na hindi nila natalo ang dragon. Madami na rin ang nagsabi na kayang-kaya nila pero nagtatapos sa kahihiyan." Sinenyasan niya na ang sekretarya na pwede na itong lumabas habang pinag-iisipan ang mga sinabi nito.
Hindi niya rin kasi maiwasang isipin na may nangyayaring mali, lalo't lumabas na may naglagay ng sealing na gawa sa black magic sa anak niya na si Diane. Napabuga na lang siya ng hangin habang nakatingin sa kisame.
Bumaling ang mga mata niya sa pinto nang may kumatok at marahang nagbukas ng pinto. Wala naman na siyang inaasahang report kaya nagtataka siya. Maaaring emergency ito o kaya'y may gulong nangyayari sa mga sakop niyang lugar.
"Sir, may nangyayari pong gulo sa tapat ng training arena. Ang sabi po ay may grupo ng mga kabataan ang pumasok ng bronze ngumit paglabas ay mga silver na. Nagkaroon din daw po ng disturbance sa portal na pinasukan nila, kaya wala pa rin pong clue kung paano po nangyari iyon." Hingal pang pagbabalita ng bagong dating, at napangiti naman si Mayor Silvanya sa narinig.
"Saang klase sila nagmula?"
"Sir, sa nasagap ko pong balita ay kaklase raw po ni binibining Diane." Agad namang sagot nito sa tanong ni Mayor, dahilan upang mapatango-tango ito.
"Gusto kong makita sila, ngayon na." Mabilis na tumango ang lalaki at nagmamadaling lumabas upang tawagin ang grupo ng mga bata. Nanatili namang nakangiti si Mayor Silvanya.
"Someone special like my daughter was born on the same batch as her. Interesting, I want to meet them. (Translated from Depulch Language)" Nakangiting sambit niya habang ang mga mata'y nakatingin sa pinto.
...
[Zenith's POV]
"Master, nakaakyat ka na sa gold 4!" Masayang sabi ni Zealestia sa isipan ko, at kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga nangyari. Masyadong naging mabilis ang lahat, at sa tingin ko ay dahil iyon sa mga itinuro sa akin ni Master Zen.
Wala pa akong ideya kung ano ang ibinigay na lakas sa amin ni Aysis pero tsaka ko na lang iyon aalamin. Ang hindi ko malimot ay ang pagtingin niya sa akin kanina, at ang sinabi ni Kasero sa isip ko na kapatid niya si Aysis.
Akala ko nga'y sasabihin niya ang palihim na pagtulong ko sa laban kanina. Nang gamitin kasi nila Rosia at Letizia ang lakas nila ay hindi pa sapat para matalo ang mga scorpions. Napilitan akong gumamit ng enchant spell dahil binuhos nila ang lakas nila roon.
Noong una'y hindi pa sapat ang enchant spell kaya gumamit pa ako ng absorb mirror para higupin ang spells, at gumamit ako ng release mirror at enchant spell upang lumakas pa lalo ang panira. Nanatili lamang akong tahimik dahil naubos din ang soul force ko sa nangyari. Pakiramdam ko'y hihimatayin na ako ng mga oras na 'yon kaya naglabas na agad ako ng soul force regenerating scroll, at nanghiram na rin ako ng kaunti kay Zealestia.
Hindi ko rin inaasahan ang atensyon ngayon pero hindi ko na lamang pinapansin at diretsong naglalakad paalis. Ganoon din ang ginagawa nila Arthur, at hindi na rin sila lumilingon sa tumatawag. Dumating din ang mga bantay nila para maiiwas sila sa mga tao, pati kami ni Steno ay sinabay na rin nila.
Nang makaalis sa kumpulan ng mga tao ay sinalubong naman kami ng Principal, at may kasama itong mukhang isang officer ng Mayor dahil sa ranggo na nakalagay sa balikat nito.
"Natutuwa ako sa inyong lima, at dahil sa pinakita niyong galing ay pinapatawag kayo ni Mayor. Mismong officer niya pa ang pumunta para ipatawag kayo ngayon. Sana ay mas galingan niyo pa para sa ikakabuti ng buong Magus Kingdom." Nakangiting sabi ng Principal, at ngayon ay sumusunod na kami sa officer ng Mayor.
Hindi ko na namalayan ang mga nangyari dahil na-excite ako sa pagtawag ng Mayor sa amin. Sana lang ay hindi niya ako pilitin tungkol kay Master Zen.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasyBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...