Vol. 4: Ch. 56

106 18 0
                                    

Raziel, the Archer

...

[Zenith's POV]

Hindi ko na alam kung gaano karaming luha na ang nailabas ko habang tinatahak ang daan patungo kay Carlile. Umaasa pa rin ako na sana ay buhay pa siya't nakatago lamang kaya hindi nag-iiba ang pwesto niya. Sigurado akong may kinalaman ang mga Tenseni rito... lalo na ang grupo na kinabibilangan ng lalaking nakalaban ko kagabi.

Nararamdaman ko na rin ang pangangawit ng mga paa ko sa patuloy na pagtakbo, at pakiramdam ko'y abutin na ako ng pagsikat ng araw bago ako makalapit kay Carlile. Gusto ko mang tumigil ngunit hindi ko magawa sa takot na maraming maaaring mangyari sa oras na magpahinga ako.

Para rin mas bumilis pa ako ay ginamit ko ang first relase ng overlord katana, at hindi ko na rin alam kung ilang oras ko na itong pinapanatili. Binalak ko na ring gamitin ang second release ngunit maaari akong makakuha ng atensyon sa mga dadaanan ko kaya hindi ko na ginawa.

Habang tumatagal pa ang pagtakbo ko'y hindi ko na malaman kung ano ang mararamdaman ko... malulungkot, mag-aalala, mapapagod, at kung ano-ano pang emosyon na hindi ko na rin mapangalanan. Ang pinipilit ko na lang isipin ngayon ay hindi ko na kakayaning may mamatay pa na malalapit sa akin.

Nawala na si Arthur, naubos na ang bayang pinagmulan ko, at kung dadagdag pa si Carlile ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang maaari kong gawin. Sumikat na ang araw bago ako nakalapit sa pinagmumulan ng soul force ni Carlile, ngunit nakaramdam ako ng kaba nang may ibang soul force akong naramdaman sa pwesto ng singsing.

"Sino ka?!" Agad kong tanong nang makalapit ako sa pwesto ng singsing at iba na ang may suot nito. Mabilis kong nilabas ang overlord katana na hanggang ngayon ay naka-first release pa rin.

"Tama nga si Master na ipahanap ka noong nawala ka, at sa nakikita ko ngayo'y napatay mo na si Seteroth. Hindi na rin naman ako nagtataka dahil mahina lang naman ang lalaking 'yon." Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, lalo't sa mga kilos niya ngayo'y sigurado akong malayo ang agwat niya sa nakalaban ko kagabi, at iyon siguro ang tinutukoy niyang mahina.

"Inuulit ko, sino ka?! Ano ang ginawa mo kay Carlile? Bakit mo suot ang singsing na ibinigay ko sa kanya?"

"Hmm... sabihin na nating isa ako sa mga taong gustong tapusin ang kasamaan ng mga tao sa Magus City." Napaatras ako ng kaunti nang marahan itong tumayo at nakangiting tumingin sa akin. Sigurado na rin akong kasamahan niya ang nakalaban ko kagabi dahil magkapareho ang disenyo ng suot nilang maskara at damit.

"Tapusin ang kasamaan gamit ang kasamaan? Ilang tao pa ang papatayin niyo para lang tapusin ang kasamaan na tinutukoy niyo?" Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob ko para sabihin ang mga 'to, ngunit sigurado akong sila na ang grupong hinahanap ni Mayor Silvanya.

Wala man akong sapat na ebidensya na sila ang kasabwat ng mga Tenseni, at wala rin akong sapat na ebidensya na mula sa grupo nila ang umubos sa bayan na pinagmulan ko... ngunit naniniwala ako sa kutob ko na sila ang grupong iyon. Ang pinanghahawakan ko lang ngayon ay ang sinabi niya na gusto nilang tapusin ang kasamaan sa Magus City.

"Isa lang ang iiwan ko sa'yong pala-isipan... kami nga ba talaga ang kalaban o ang demonyong nagtatago sa kaloob-looban ng Magus City? Tungkol sa kaibigan mo, pasensya na ngunit isa siya sa mga kailangan upang matapos ang kasamaan."

Akmang lalapitan ko siya nang may palaso na tila kidlat sa bilis ang dumaplis sa kanang braso ko. Kung hindi ako nakailag agad ay paniguradong hindi na ako humihinga ngayon.

"Isa pa pala, traydor ang mga nasa itaas na pwesto... mag-iingat ka. Bago ko rin makalimutan, Raziel nga pala, ang mamamana." Tila bula itong nawala sa harapan ko, at maagap akong napatingin sa itaas nang maramdaman ko ang soul force niya. Sa ikalawang pagkakataon ay muntik na naman akong mamatay kung hindi ako nakailag sa palaso na itinira niya.

"Hanggang sa muli nating pagkikita... aasahan kong matutuwa ako sa magiging laban natin." Susubukan ko pa sana siyang habulin ngunit mabilis na naglaho ang katawan at soul force niya. Napaupo na lang ako at binunot ang palaso na nakatarak sa lupa.

"Patawad, Carlile." Umagos ang luha sa mga mata ko habang hawak-hawak ang singsing ni Carlile na nakasuot sa katawan ng palaso. Gusto ko siyang iligtas ngunit hindi ko iyon magagawa na ako lang mag-isa. Kailangan kong makabalik sa Magus City sa lalong madaling panahon.

...

[3rd POV]

"Master, nakausap ko na ang lalaking kaugnay ng singsing. Tama ang hinala natin na si Zenith ang may-ari ng soul force na iyon, at karagdagang impormasyon... siya ang dahilan kung bakit nawawala si Seteroth."

"Salamat, Raziel."

"Karagdagan pang balita, sinubukan ko na ring bigyan ng pala-isipan si Zenith upang pumanig siya sa atin."

"Maaasahan ka talaga, Raziel. Dorseroph, maghanda ka na sa huling misyon na ibibigay ko sa'yo." Mabilis na lumapit si Dorseroph sa harap ng reyna at buong galang na yumuko, tanda na susundin niya ang lahat ng mga utos nito. Bakas pa rin sa katawan nito ang natamong sugat mula sa apoy na ibinato sa kanya ni Master Na-Ol.

"Hindi ko alam kung bakit kaya nilang gawin ito sa Magus City... maliban sa sakim sila sa kapangyarihan at salapi." Umiiling-iling na sabi ng reyna at sinundan ito ng tawa na umugong sa paligid dahil sa lakas nito.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon