Vol. 5: Ch. 66

77 15 0
                                    

The Ignition (3)

...

[Zenith's POV]

Nanatili lang akong nakatingin sa royal palace, at hindi na ako nag-isip pang sumama kila Mayor sa pagpunta nila sa gaganaping pagbitay. Hindi ko maalis ang paningin ko sa mas tumitinding paglabas nito ng itim na usok, at nang marinig ko ang mahihinang tunog na sa tingin ko ay mga tilian ay tila ba may gustong kumawala sa loob ng royal palace.

Sigurado akong ramdam na ramdam din iyon ni Kasero dahil kakaiba ang naging reaksyon niya. Tila ba may kakaibang killing intent na mula sa palasyo ang umabot dito. Saglit lang ngunit ramdam na ramdam mula roon ang napakalakas nitong killing intent.

Natigilan ako nang muli ko iyong naramdaman, at tila ba panandaliang tumigil ang puso ko, dahilan para ikuyom ko ang kanang kamao upang mahinang ihampas sa dibdib ko ngunit hindi ko natuloy. Nagtataka kong tinignan ang overlord katana na hindi ko naman inilabas ngunit ngayon ay marahas itong nagre-react sa killing intent na ngayon ay muli ko na namang naramdaman.

Mabilis akong napalayo nang sunod-sunod kong naramdaman ang killing intent na tila ba kasabay ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito, at nasigurado kong ako lang ang nakakaramdam nang makita kong normal na nag-uusap ang mga taga-linis sa bakuran.

Nanlaki ang mga mata ko nang may lumabas na kakaibang imahe sa harapan ko, at kasing bilis ng kidlat akong nag-blink palayo nang kusang nag-first release ang overlord katana. Nagtataka kong tinignan si Kasero na ngayon ay hindi na mapakali, at tila ba nababaliw na nakatakip sa kanyang tenga.

"Master." Napalingon ako sa kung saan nagmula ang boses ni Zealestia, at agad namang dumampi sa noo ko ang hintuturo niya. Sa isang kisapmata lang ay tila ba lumuwag ang paghinga ko, at ang kaninang itim na usok at kakaibang killing intent ay naglaho. Kusa ring naglaho si Kasero at ang overlord katana sa paningin ko.

"Ano ang nangyari?"

"Binuksan ni Kasero ang soul realm mo at nilagyan ito ng demon ghoul senses para maramdaman mo ang tinutukoy niyang halimaw, ngunit sa lakas na inilabas nito ay nakaapekto ito sa kapayapaan ng soul realm mo. Kakaiba ang epekto ng halimaw na nasa loob ng royal palace sa tulad nila Kasero at Zecarias, at dahil naka-fuse sila sa soul core mo ay mararamdaman din nila ang nararamdaman mo, mas lumala ng sampung beses ang epekto nito sa kanila nang maapektuhan ka na rin nito. Ngunit 'wag kang mag-alala dahil hindi naman iyon makakarating kay Diane."

Kahit papaano ay nalinawan naman ako sa sinabi niya pero parang hindi ko pa iyon kayang tanggapin sa sistema ko... marahil ay epekto pa rin ito ng mga nangyari.

Napabuga na lang ako ng hangin at nagmamadaling bumalik sa mansyon, ngunit ang kaninang mapayapang kalagayan nito ay napuno ng tilian at iba-ibang mga usapan. Imbes na tignan kung ano ang pinagkukumpulan nila ay inuna kong puntahan si Diane. Sakto namang pagdating ko sa harap ng kwarto ay nagbubukas naman siya ng pinto.

"Saan ka nagpunta? Bakit ang ingay sa labas?"

"Titignan ko pa lang pero 'wag mo na 'yon intindihin. Magpahinga ka lang muna, sasabihin ko na lang sa'yo pagbalik ko, okay?" Tamad itong tumango-tango at nagsimulang maglakad pabalik sa kama. Tila naging maluwag naman ang paghinga ko nang makitang maayos ang kalagayan ni Diane, at inalalayan ko na siya sa paglalakad.

Nang masigurado na nagpatuloy na ang tulog niya ay nagtungo na ako sa labas, at hanggang ngayon ay nag-uusap-usap pa rin sila ngunit hindi na katulad ng mga ingay at tilian nila kanina.

"Ano pong nangyari rito? Bakit po kayo nagkukumpulan?" Hindi naman ako nabigo sa pagtatanong nang may lumingon sa akin.

"Kakarating ko lang din po ngunit ang sabi ay may bigla raw tumarak na palaso na may nakataling hindi nila mawari sa lupa, at gulat na gulat sila nang makita nila ang nakatali roon. Sa totoo lang ay abala po ako sa paglilinis, ngunit nang marinig ko ang tilian nila kanina ay hindi ko natiis pumunta rito."

"Ano raw ang nakatali?"

"Wala rin pong nakasagot sa akin, at saktong sisiksik pa lang ako sa kumpulan nang marinig ko po ang tanong niyo."

"Sige po, salamat." Tumango lang ito bilang tugon at humarap na sa kumpulan para magsumiksik. Makikigulo na rin sana ako ngunit natigilan ako nang marinig ko ang mga usap-usapan nila ngayon.

"Totoo kaya ang nakasulat sa papel?"

"Maaaring totoo, maaaring hindi."

"Sigurado akong mula sa mga Lerance ang ulo na kasama nitong papel na nakatali sa palaso."

"Kung ganoon ay may posibilidad nga na sila ang nagtraydor."

"Ngunit maaaring set-up o patibong lang ito ng mga kalaban."

"Hindi ba kayo nagtataka sa huling parte ng sulat? May nabanggit ito na sikreto raw sa loob ng royal palace, at nakasulat din na masama raw ang mga tao sa itaas ng royal family."

"Nako, baka sinisiraan lang nila ang royal family."

Nagpatuloy pa ang mga usapan nila ngunit hindi ko na iyon pinakinggan pa. Tuluyan na akong naging interesado sa pinagkukumpulan nila kaya sumiksik na ako, at nang makita mismo ng mga mata ko ang pugot na ulo na nakatali sa isang palaso ay hindi ko naiwasang magulat. Ngunit nang makabawi sa gulat ay mas naging interesado ako dahil naramdaman ko ang soul force ni Raziel sa palaso.

"Maaari po ba akong makibasa?" Tanong ko nang makita ko ang isang papel na hawak ng katabi ko. Paniguradong iyon ang tinutukoy nilang may nakasulat na tungkol sa mga Lerance at sa mga sikreto o kasamaan sa royal family.

"Saglit lang." Ilang segundo akong naghintay bago niya inabot ang papel sa akin, at nanlaki ang mga mata ko sa mga nabasa ko. Isa pala itong mahabang sulat at ang nilalaman ay nakakapukaw talaga ng interes.

"Malinis ang mga Tenseni, at ang tunay na may kagagawan ng mga anomalya ay ang pinagmulan ng ulo na kasamang nakatali ng sulat na ito. Nasa inyo, kung sino man ang nakakabasa nito, ang desisyon kung maniniwala kayo. Ngunit hindi pa roon nagtatapos, may sikretong tinatago sa loob ng royal palace at iyon ay parte ng kasamaan ng mga nasa itaas na pwesto ng royal family.

Bibigyan namin kayo ng tatlong araw para mag-isip kung maniniwala kayo o hindi, at ang sino mang maniniwala ay papuntahin ang pinuno sa bayan ng mga Siltore. Isulat niyo ang pangalan niyo sa isang puno na lalagyan namin ng marka na makikita niyo kaagad. Ngunit nakataya rito ang mga pamilya ninyo dahil ang royal family ang kakalabanin ninyo."

Doon nagtapos ang sulat at hindi ko maiwasang ikonekta ang mga nakasulat dito sa nasabi sa akin ni Mayor. Paniguradong may kinalaman dito ang hindi niya masabi sa akin na natuklasan niya.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon