Vol. 2: Ch. 24

150 25 0
                                    

Zenith vs Twin Hounds (2)

...

[Zenith's POV]

"Master, isang fake ranker." Pagkasabi ni Zealestia no'n ay agad ko ring naramdaman ang mabigat na soul force mula sa kanan. Naramdaman ko na ang ganitong killing intent, at mula sa nilalabas nitong killing intent at soul force ay paniguradong hindi bronze 5 ang rank nito.

"Master, ilag." Hindi ko man alam kung bakit pero kusa ring umilag ang katawan ko nang may mabigat na soul force ang naglalakbay papunta sa akin. Agad akong napabuga ng hangin nang makita ko kung gaano kalaking bola ng apoy ang muntik tumama sa akin.

Nang tumingin ako sa tumira sa akin ay bumungad sa akin ang isang malaking wolf, at ang mga balahibo nito ay may apoy sa dulo. Ang mata nito'y kulay pula at naglalabas din iyon ng apoy na sumusunod sa daloy ng hangin. Ang mga pangil nito ay tila galit na galit sa paraan ng pagkakasara nito, at tila ba isang pagkakamali lang ay maaari akong mamatay kapag inatake ako nito.

"Ahooooo!" Mahabang alulong nito, at ilang segundo lang ay lumabas ang isa pang wolf na katulad niya ngunit ice attribute naman. Mahina akong napaatras, at hindi ko maipaliwanag ang kaba ko ngayon dahil sigurado akong pang-gold rank ang lakas nilang dalawa. Hindi pa 'yon ang combined strength nila, at hindi ko na gustong alamin pa ang lakas kapag nagtulong na sila.

Malalim ang bawat paghinga ko habang inoobserbahan ang bawat kilos nila, at nang mabuo na ang loob ko ay agad akong tumalikod upang kumaripas ng takbo palayo. Ngunit hindi pa ako masyadong nakakaalis sa pwesto ko'y agad akong may nabanggang tao. May suot siyang maskara na plain black, at may telang nakasaklob sa kanyang ulo. Sa unang tingin pa lang ay sigurado akong hindi siya kakampi.

"Tatakbo ka? Akala ko pa nama'y makakakita ako ng magandang laban. Ang sabi pa sa aki'y nakatakda ka raw maging pinakamalakas, spectral attribute magus. Kung tatakbo ka'y wala ring mangyayari, mamamatay ka lang ng walang laban. Bakit hindi ka na lang lumaban, 'di ba?" Mapang-asar itong tumawa at malakas akong itinulak, dahilan para mapaupo ako sa lupa.

"Ang saya ko pa naman dahil pinuntahan mo agad ang trap na kakalagay ko lang. Habang inoobserbahan kita'y mukha kang naghahanap ng demon ghoul para mag-ensayo, kaya naisipan kong ilagay ang sign na 'yon bago ka makarating dito. Inaasahan ko ring makakakita ako ng magandang laban."

"Sino ka ba?" Nagtataka kong tanong dahil mukhang ako talaga ang pakay niya. Kung tama ang pagkakaintindi ko, inoobserbahan niya ang paglalakbay ko't nalaman niya na mapapadaan ako rito. Tapos sinadya niyang ilagay ang sign, at sa kanya nagmula ang twin hounds? Para saan? Para patayin ako?

Ngunit imbes na sagutin ay muli niya lang akong tinawanan at agad naglaho sa harapan ko. Susubukan ko pa sana siyang hanapin ngunit mabilis akong napatalon papunta sa kanan nang maramdaman kong papalapit sa akin ang mabigat na killing intent. Nagtagumpay man na makailag sa pagkamatay ay hindi ko naiwasang masugatan sa kaliwang braso ko, at split seconds lang na nahuli ay tanggal na ang puso ko.

Ang kalmot na dulot ng fire hound ay nag-iwan ng malalim na sugat, at hindi ko maiwasang mapapikit sa sakit dahil sobrang init din nito.

Continuous Wolf's Howl!

Subok kong pag-heal ngunit mas mabilis ang paglala ng sugat kumpara sa paghilom nito, at mas lumalaki pa ito dahil tumatakbo ako ngayon papalayo sa dalawang halimaw. Kailangan kong makaisip ng plano dahil hindi ko kakayaning kalabanin sila ng sabay.

Mirror Dagger!

Agad kong summon ng mirror dagger nang makaisip ako ng paraan kahit akala ko'y walang kwenta ang spell na 'yon ay makakatulong pa rin pala. Ang sabi kasi sa libro ay wala itong magagawa bukod sa makopya ang kasalukuyang lagay ng kinopya nito. Hindi raw ito maaaring umatake o magdepensa dahil agad itong masisira.

Buong lakas kong ibinato ang dagger papunta sa direksyon na pinagmumulan ng ice hound, at nang tingin ko'y sapat na 'yon para malito ito ay nag-concentrate na ako ng soul force sa dagger.

Mirror Clone!

Pagka-cast ko ay nagbago ang itsura ng dagger at humulma ito na kamukha ko, at pati ang soul core ay nakopya talaga nito. Ngunit wala na akong panahon mamangha at kinontrol ko ito para tumakbo patungo sa silangan, habang ako naman ay tumatakbo papunta sa kanluran.

Nang medyo malayo na ang narating ko ay tinignan ko kung nagtagumpay ba ako, at nang makita kong isang killing intent na lang ang humahabol sa akin ay naghanap ako ng medyo malaking espasyo.

Hindi pa ako nakakalayo ay may nakita akong open field na makakagalaw ako ng maayos, at walang pag-aalinlangan akong tumigil sa pagtakbo nang makarating sa gitna nito. Buong tapang kong nilingon ang fire hound at nilabas ang desolation dagger.

Bahagya akong napaatras nang sumigaw ito ng malakas ngunit agad din naman akong nakabawi. Ngunit sadyang mabilis ito at agad sumugod papalapit sa akin, at nang makita kong nag-aapoy ang kuko nito sa kaliwa ay buong lakas akong tumalon papunta sa kanan upang makailag.

Ngunit nang bumagsak ang kaliwang paa nito na pang-kalmot ay agad nitong ihinaba ang kanan upang mabilis na kumalmot. Sa sobrang bilis ay hindi na ako nakailag, at nagkaroon ng tatlong malaking marka ng kalmot sa dibdib ko. Hindi pa nga rin naghihilom ang sugat sa kaliwang braso ko ay nadagdagan na naman.

Mabuti na lang at sapat na ang soul force ko para mapanatili ang continuous wolf's howl, dahil kung hindi ay kanina pa ako nanghihina dahil naubusan ng soul force. Ayoko pang gamitin ang mirror realm enchant ngunit hindi ko kakayanin ang sakit na dulot nitong malaking kalmot, at kumpara sa nauna ay mas masakit ang bawat pagsunog nito sa balat at laman ko. Halos kapusin na rin ako ng hininga sa sobrang sakit, at kitang-kita ko na ang pag-agos ng dugo ko papunta sa lupa.

Kailangan kong subukan ang isa pang high level skill na hindi ko pa nagagamit... ang illusion, at hindi ko rin alam kung ano talaga ang magagawa nito. Ngunit ang sabi ay may kaugnayan ito sa demon ghouls ng mirror realm, at maaari ko itong magamit upang makakuha ng sapat na oras para makapag-heal.

Mirror Realm:  Illusion!

Nagulat ako nang biglang may nagsulputang mga salamin sa lupa, at lahat iyon ay naglalabas ng kakaibang killing intent dahilan upang mapaatras din ang fire hound. Maya-maya lang ay nagsulputan ang mga demon ghouls na kamukha ng nakita ko sa loob ng mirror realm dimension.

Malakas ang killing intent nila ngunit agad namang naglalaho kapag natamaan ng fire hound, at nang mapansin kong mabilis ang paglabas nila sa mga salamin ay hindi na ako nagsayang ng oras. Agad akong nagtago sa likod ng isang puno, at mariin na lang akong napapikit nang tignan kong mabuti ang sugat ko.

Mirror Realm:  Enchant!

Pag-cast ko nito sa heal spell ay naging mabilis ang paghilom ng mga sugat ko ngunit malaki rin ang nababawas sa soul force ko. Kung ano man ang balak ng lalaking 'yon ay paniguradong gusto niya akong mamatay.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon